CHAPTER 21: PROPHECY

253K 10.6K 4.9K
                                    

Chapter 21: Prophecy

After leaving Sir Enriquez's home ay ipinagpatuloy namin ni Jeremy ang pamamasyal. He said it's his gift for me- his precious time. Hindi ko rin naman ako naghahangad ng ano mang bagay na matatanggap. Well, his time is more than enough.

It was almost five in the afternoon when we returned to Bridle. Napansin ko ang isang itim na kotse na nasa harap ng gate at nakasandal doon ang isang tao na hindi ko inaasahang makita na naghihintay doon. He looked so bored habang nakapamulsang sumandal sa kotse. Base sa pagkakatagpo ng kilay niya, he's kind of pissed. Nang mapansin niya ang isang bato sa kanyang paanan, inis na sinipa niya iyon at muling sumandal sa kotse. His messy yet fashionable hair looks even messier when he pulled it out of frustration. His presence screams that he is a dangerously handsome devil. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa, nagdial ng numero at ilang beses na bumulong ng pagmumura. He was about to get inside his car nang namataan niya kami ni Jeremy na kakababa lamang sa taxi. He let out an annoying smirk and closed his eyes na tila ba tinatantya ang natitirang pasensya sa katawan.

"Bestie, hindi ba si Ryu yan?", bulong ni Jeremy sa akin. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang na lumapit sa kay Ryu.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi kita matawagan? Did you off your phone? You're not answering my messages!", sunod-sunod na tanong niya. Well I assure everyone that he doesn't sound angry. He is VERY angry.

"Wetwew", Jeremy whistled and immediately zipped his mouth when Ryu glared at him. And mind you, you wouldn't want Ryu glare at you because he's really scary. "Uh, Bestie pasok lang ako sa loob." Bago ko pa siya mapigilan ay agad na siyang tumakbo papasok sa loob ng gate at iniwan akong mag-isa sa harap ni Ryu.

"What?!", singhal ko sa kanya nang nakatunghay pa rin siya sa akin.

"Aren't you supposed to answer my questions?", iritado niyang tanong.

At bakit naman kailangan kong sagutin ang tanong niya? Ano ang pakialam niya kung saan kami nagpunta ni Jeremy? At hindi talaga niya ako matatawagan dahil ninakaw ni Victoria ang cellphone ko. I just got a new one today, Andi and Rese's gift for me at tanging kay Jeremy lamang ang nai-save ko doon after we exchanged numbers kanina. Pero bakit ba siya nandito?!

"Why would I?"

Muli niyang pinikit ng mariin ang kanyang mga mata. His fist were also clenched na tila ba kanina pa siya nagpipigil ng galit. "I need answers."

"Ayoko nga."

"Don't test my patience Amber", banta niya by I just roll my eyes. Ano namang gagawin niya? Susuntukin ako? Babarilin? Tsk.

"I lost my phone", sagot ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Argh! Bakit ba ako nakikipagtalo sa devil na ito?!

"Without informing us?!"

"Ano ba ang ipinagpuputok ng butse mo? My phone is stolen few days ago and I just got one this morning. At bakit ba nandito ka na naman?!" Who told him to wait anyway? Ang problema sa mga tao ngayon, gagawa ng kung anu-ano and then blame it to others.

"Look, it's not that I want to be with you okay? Mom asked me to take you out on your birthday so I am doing you a favor-" Hindi ko siya pinakinggan.

"You could just lie that you took me out even if you didn't." Simple problem, simple solutions. Ganyang lang kadali ang buhay.


"Ah! Just shut up. I am not that kind of son so even if I don't want to see your annoying face, I will follow what Mom said", wika niya at hinila ako papasok sa loob ng kotse. Nanlaki ang mga mata ko at agad na kumapit sa pinto ng kotse bago pa niya ako lubusang maipasok sa loob.

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon