CHAPTER 49: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 3)

197K 8.9K 3.6K
                                    

Chapter 49: One Murder, Four Killers (Part 3)

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa babaeng kaharap ko ngayon. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito at mukhang hindi ito nagbibiro sa kanyang sinasabi. I lead her to the nearest bench. Pakiramdam ko kasi ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang sinabi niyang siya ang pumatay sa guard.

"Look, what's your name?"

"Rochelle. Rochelle Madrigal," sagot niya.

"Look Rochelle, alam mo ba ang ginagawa mo? You are admitting to a murder. Murder. That is a criminal case", wika ko sa kanya. She said it like she's saying ABC. Kahit na umiiyak siya ay napakadali pa rin sa kanya na aminin iyon.

"Alam ko... That's why I turned myself in. Hindi kaya ng konsensya ko ang ginawa ko kaya kailangan kong aminin ang kasalanan ko."

"Rochelle, if you really did it, bakit sa akin mo sinasabi? I mean, bakit hindi sa mga pulis?"

She took a deep sigh and wiped her tears. "Dahil natatakot ako. Natatakot ako na ikulong nila ako agad. Sa iyo ako lumapit dahil alam kong matutulungan mo ako."

Hindi ko maiwasang mapataas ang isang kilay. "Matutulungan? Saan?"

"Kaibigan mo ang mga pulis, diba? Maybe you can convince them to mitigate-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "I can't do anything like that. Pero kung totoo nga na ikaw ang pumatay sa guard, tell me what happened."

Rochelle could be lying or telling the truth. Pero kung nagsisinungaling siya, bakit naman niya gagawin iyon? Confessing to a murder is something serious at hindi naman siguro ito isang practical joke.

"I... was having a severe headache last night", panimula ni Rochelle at pilit na inalala ang mga nangyari. "Napakasakit ng ulo ko kaya nagpasya akong maglibot-libot sa Bridle. Then I saw the guard's quarter..."

"And?"

"Bahagyang nakabukas ang pinto at nasa loob ang isa sa mga guard at nagbibihis..." Rochelle's tears fell down again habang nagkukwento. "He put the gun on the table."

"What gun?"

"His gun. Pagkatapos ay dahan-dahan akong pumasok... Maingat at tahimik akong pumasok. I... I reached for the gun which was on the table. Tinitigan ko iyon. It was nice and heavy... Pagkatapos ay napalingon ang guard sa akin."

Rochelle's right. The gun may be nice but it's deadly. Ang baril ay isa sa mga bagay na pinakaayaw ko. It's the same thing that took my Dad's life.

"Tinanong niya ako. Anong ginagawa mo dito? Bakit hawak mo ang baril ko? Questions like those at nagulat ako kaya napaatras ako. He kept on telling me to put the gun away and his voice just makes my headache even worse so...."

"So?"

"So before I know it, I grabbed the pillow..."

Nagbibihis ang guard. Unan. These things were not disclosed to the public kaya imposibleng malaman iyon ni Rochelle unless she really did it.

"I grabbed the pillow and shot the guard," she said at impit na napaiyak. "I swear I didn't mean to do it. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na gawin iyon."

"Saan mo siya binaril?"

"Sa noo. Binaril ko siya sa noo kaya napabulagta siya sa sahig."

"How does he looks like when he was lying on the floor?"

"He was too shocked. Wala siyang damit at bahagya pang nakabukas ang buckle ng sinturon niya. Then I grabbed his shirt na nasa kama... I grabbed it and wiped the gun to erase my fingerprints. Pagkatapos ay itinapon ko sa sahig ang damit niya. I put the pillow and the gun on the table and flee. I... I killed the guard." Biglang hamagulhol si Rochelle at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon