CHAPTER 38: FIFTY SHADES OF GRAY

247K 10.2K 9.1K
                                    

Chapter 38: Fifty Shades of Gray

If ever Bridle's management would find out about us sneaking late at night towards the dormitory ay malamang isang katakot-takot na detention ang sasapitin namin. We managed to walk through the backdoor at nilakad ang daan papunta sa boys' dormitory.

"Aray! Dahan-dahan sabi, hindi ako trolley or rolling bag!", inis na bulong ko. Yes, hindi pa kami okay ni Gray dahil pagkatapos mangawit ng kamay ko habang nagmamaneho siya ay kanina pa niya ako hinihila habang papasok kami sa Bridle.

"Kanina ka pa panay ang reklamo! Hindi lang ikaw ang nasasaktan Amber!", he said and it made me stop. May pinaghuhugotan yata si Gray.

I'm too tired to argue kaya tahimik na sumunod na lamang ako papunta sa dorm ng mga lalaki. Hopefully I would wake up early tomorrow at nang makaalis ako sa kwarto niya ng maaga. I don't want anyone see me coming from one of the rooms of the boys' dormitory.

Nakapasok kami sa gate at main door ng dorm gamit ang susi ni Gray and God knows where he got those keys. Madilim na ang buong dormitory at ang tanglaw ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw namin habang tinatahak ang daan patungo sa silid niya. The night was silent at kahit ang mga yabag namin ay hindi maririnig. All I can hear is the crickets outside and my own heartbeat. Sino ba ang hindi kakabahan sa ginagawa namin ngayon? It's not really illegal but it is definitely against the rule of the dormitories. Nang makarating kami sa isang silid ay agad na isinara ni Gray ang pinto and I run towards the bed, not minding if I am dragging him with me.

"Thank goodness!", I exclaimed at tinungo ang kama na may unan na parang soccer ball. Basing from the scent and from the things around it, this is his bed.

"Hep!", pigil niya sa akin nang inayos ko ang sarili. He had that very annoyed look in his face.

"What?"

"Don't you dare step in my bed with your dirty feet", wika niya at sinamaan ng tingin ang napakadumi kong paa. I grimaced at him at agad na tumayo.

Yeah, I walked barefooted, thanks to Victoria dahil pati yata ang sapatos ko ay pinatos na din niya. It is not a designer's shoes but it still cost a lot. Damn that pretty thief!

Inirapan ko siya at agad na tumayo. "Fine! Let me use your bathroom!", inis na wika ko at agad na hinila siya and we both winced in pain. Yup, parehas kaming nasasaktan dahil posas na ito. I swear I will throw this thing somewhere very far kapag natanggal na ito sa kamay namin! My wrist badly hurt dahil kanina pa kami naghihilahan ni Gray, not to mention na nangangawit pa ang braso ko. Muli ko siyang nilingon.

"Can I borrow a pajama from you?", I asked. There's no way I will sleep in a skirt. Kailangan ko ng pajama o kung ano. He nodded irritatedly at ako naman ang hinila papunta sa kanyang locker. When he opened it, I saw his clothes neatly piled in his locker. I can't help but feel ashamed of my own locker. Naaayos lang yata ang locker ko kapag naisipan kong mag-ayos and then after a few hours? Magulo na ulit. But Gray's locker is neatly piled, mas mukha pa yatang locker ng babae ang locker niya kaysa sa akin. He pulled a pair of PJ's on his pile at iniabot iyon sa akin.

"Really, you're giving me a pair? How am I suppose to wear the top?", I said sarcastically at binawi naman niya iyon. Hello, nakaposas kami. Alangan namang dumaan muna sa kanya ang top ng pajama bago ko iyon masuot? Duh, brainy.

He didn't say a word pero alam kong naiinis na din ito. This time ay ako naman ang humila sa kanya, only that I held my wrist tightly upang hindi maipit ang balat ko. I opened the door of the bathroom at nang tinangka niyang pumasok ay pinigilan ko siya. "Where are you going? Hindi ka pwedeng pumasok!"

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon