Unang Pahina

14.7K 379 12
                                    

ANINO

Naglalakad ako sa madilim na parte sa subdivision nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. May mga village guard naman, kaya wala naman sigurong magbabalak gumawa ng masama. Nilalakad ko na lang ang papasok sa subdivision, bawal na rin kasing ipasok o magpasok nang hindi naman taga-dito kapag lagpas alas-otso na. Naiintindihan ko naman dahil para na rin 'yon sa kaligtasan ng mga nakatira dito.

Nanlalamig ako hindi dahil sa takot ako sa dilim kundi ramdam kong may nakamasid sa akin. Binilisan ko na lang ang paglalakad at laking ginhawa ko nang makauwi naman ako nang ligtas.

Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago pumasok sa kwarto ko. Kumain na ako kanina sa labas, kaya mag-aaral na lang muna ako. Ilang minuto akong nahiga muna bago naligo at nag-aral.

Nakarinig ako ng ingay sa kung saan sa loob ng bahay kaya naglakad ako papuntang kitchen pero wala namang tao. Napahawak ako sa batok ko nang maramdaman kong may malamig na dumaan doon. Nagkibit-balikat na lang ako at binalewala.

Pag-balik ko sa kwarto ay naengganyo akong mahiga. Pinatay ko ang ilaw at nahiga. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako.

Wala sa sarili akong napadilat dahil sa hindi komportabling posisyon, naiinitan din ako at pinagpapawisan. Gumalaw ako pero laking gulat ko nang maramdaman ang malaking braso na nakayakap sa akin mula sa likod. Nanginig ako sa takot at bumilis ang paghinga ko. Tinignan ko ang baywang ko at nakumpirma kong may kamay nga doon na nakayakap!

Nanigas ako. Inabot ako ng kalahating oras para ipunin ang lakas ng loob ko. Inabot ko ang gunting sa nasa drawer bago pabiglang bumangon at tinutukan ng gunting.

"S-sino ka!?" Sigaw ko. Gustuhin ko mang humingi ng tulong ay hindi ko magawa. Nanginginig ako. Sa palagay ko nga, isang hawi lang sa kamay ko'y mabibitawan ko na ang gunting.

Sa gulat ng lalaki ay napabangon sya pero agad ding nawala nang makita ako. Umiling sya at nagtangkang gumalaw, akala ko ay susugod.

"Aaaaahhhh!!" Sigaw ko. Bago ko pa sya nanginginig na sugurin ay bigla syang naglaho! Shit!

Mas lumala ang pamumutla at panginginig ko. Paulit-ulit akong kumurap ngunit wala nang ibang tao sa kwarto kundi ako!

Hindi na ako nakatulog kaya pagka-kinabukasan ay dumiretso ako sa headquarters kung saan ang mga guwardya ng subdivision.

"Nagro-ronda ho lalo na po doon sa street nyo, Ma'am, dahil walang ilaw doon." Katwiran ng isang guard.

Imposibleng namalik-mata ako kagabi! Kalahating oras akong dilat at naninigas sa takot na baka magising ko kung sino man iyon. Imposible. Tumalikod ako para lubayan ang mga guard pero bumalik sa isip ko ang paglalakad ko kahapon.

"Kuya, may mga CCTV camera kayo sa mga street post po diba?"

Hinarap ako ng isang guard. "Opo, Ma'am."

"Kahit 'yong sa parteng walang ilaw gumagana?"

"Opo-"

"Please let me see the footage! Tuwing naglalakad ako doon parang may sumusunod sa akin!"

Na-alarma ang ibang guwardya at lumapit sa akin. Nangako silang pagbalik ko mamaya ay kopya na sila ng footage.

Sinubukan kong maglibang sa dibisorya. Pero maslalo akong nanlalamig habang umiikot. Kung saan-saan ako napapalingon dahil sa pagkabalisa. Pakiramdam ko may nakasunod sa akin. Nagpapawis ako ng malamig.

Sa sobrang takot kong manatili sa isang lugar ay hindi ako bumili ng kahit ano.

Umabot ako sa pinakadulo ng mga stall kung saan nakapuwesto ang mga nagtitinda ng mga halamang gamot at ung ano-anong anting-anting.

The Demon's First Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon