Pahina 4

8.9K 236 2
                                    

ROLES

Ilang minutong pagtalukbong ay napagtanto kong hindi na ako makakabalik pa sa pagtulog. Inisip kong mabuti ang nakita ko kanina sa panaginip ko. Nangyari ba 'yon noon? O talagang panaginip lang?

Hindi ko naaalala ang pangyayaring 'yon pero hindi ko maalis sa isip ko. Binaba ko ang kumot hanggang leeg at suminghap ng sariwang hangin.

"N-nga pala.. ano nga 'yong ipinakita mo sakin?" Sabi ko, nangangarap na makatanggap ng sagot kahit na kinakabahan.

Nang walang nagsalita ay bumangon ako at humarap. Naroon pa rin sya't nakaupo. Tinagilid ko ang ulo ko at pinanood syang nakapikit habang nakayuko.

"Pwede ko bang makita ulit?" Subok ko.

"No." Nag-angat sya ng tingin at tinitigan ako sa mata. Napalunok ako nang pasadahan nya ng tingin ang ayos ko. Nahulog ang comforter sa hita ko dahil sa pag upo kaya gumalaw ako at tinakpan ito.

"Years ago I got into an accident, k-kaya may mga hindi ako naaalalang pangyayari. I was badly injured na malapit daw ako ma-comatose but thankfully I didn't" Natigil ako nang napagtantong natural ko lang na nasabi ang mga 'yon na parang may kausap na kaibigan.

"Stop." Matigas nyang sabi.

Tinikom ko nang mariin ang labi ko. Hinilot nya ang kanyang sentido habang nakapikit at paulit-ulit na naka-igting ang mga panga. "I am not pushing you to remember everything from now on, Annora."

"H-huh?" Gumalaw ako at humarap nang husto sa kanya. Nakita ko ulit na binaba nya ang tingin sa nagulong comforter, inayos ko ulit para takpan ang hita ko.

Umiling sya at tinignan ako, kumukunot ang noo. "Hindi ko gustong hinahawakan ka ng doktor o ninuman, ngunit kung 'yon ang sinasabi ng putanginang doktor na makakabuti sayo ay susundin ko." He smirked when he saw me confused. Ayan na naman ang mala-demonyito nyang mga ngiti, parang may balak na masama. Pero naisip kong masama naman talaga sya.

Tiningala ko syang tumayo, nanlaki ang mga mata ko nang dahil lang sa simpleng pagtayo nya ay halos alisan na ako ng dugo sa kaba. Kumunot ang noo ko nang naglakad sya palapit. "Hindi nga lang ako mangangakong makakapagpigil ako pag sobrang nagalit ako.."

Bahagya syang humilig sa akin, nilapit ang mukha sa mukha ko. Inatras ko ang ulo ko ngunit hinawakan nya ang batok ko. Tinitigan ako tapos nawalang bigla.

Hindi naman siguro sya mananakit? Sabi ko sa isip.

Bigla ulit syang nagpakita, nakatayo malapit sa mga maliliit na canvas na nakasabit sa dingding ko. Malakas syang tumawa na kahit ako ay nagising ang mga balahibo sa kilabot. Mababa at malalim ang boses nya kaya kung tatawa sya ay parang may ginawa itong masama na nagustuhan nya.

Tinitigan nya ako at humalakhak. "I'm a demon, Annora." Aniya at suminghap. Kumunot ang noo ko. What is he talking about?

"P-pwedeng mong basahin ang nasa utak ko?" Sabi ko. Mabilis akong humiga sa kama at tumagilid upang talikuran sya. Ang pinakamalala sa lahat ay parang nagiging komportable na akong kahit na nandito sya.

"I won't, then..." Tumigil sya nang sandali. "Demons are made to do bad to serve and worship, angels to serve, and humans to worship" Dagdag nya.

Natigilan ako at bumangon handang makipag-debate. "Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit may gumagawa ng masama kahit na hindi sila ang inatasan?" Hinarap nya ako at seryosong tumitig. Kinilabutan ako.

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?" Buong tapang kong binalik ang tanong nya.

Nagkibit sya ng balikat. "I just want to say that you must not confuse my role to yours. If I do bad, that is partly my role."

The Demon's First Love [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now