Pahina 2

13.2K 329 16
                                    

REMEMBER

Nang dumilim ang paningin ko ay biglang nasa isang hindi pamilyar na lugar ako. Nakakakilabot. Marami akong naririnig na ingay pero wala naman akong nakikita ni isang tao.

Nilibot ko ng tingin ang lugar. May naririnig akong ambulansya, nagsisigawang tao at sunod-sunod na pagbubusina ng mga sasakyang walang tao.

Tumakbo ako ngunit hiningal lang ako, walang hangganan. Sa isang iglap ay nasa ibang kalsada na ako, maraming puno. Sa pagod ay nagdesisyon akong pumunta sa malapit na puno. Madilim na sa parteng ito at hindi na umaabot ang street light. Umupo ako at niyakap ang tuhod.

"Annora, remember me." Isang malalim na boses ang narinig ko sa kung saan.

Napatayo nang makarinig ng boses sa kung saan. Pinasadahan ko ng tingin ang madilim na kalsada.

Paulit-ulit akong umiling. Nananaginip lang ako. Panaginip lang ang lahat nang ito!

"Annora, please alalahanin mo ako." Ang boses nya ay bahagyang tumataas ngunit halata ang pagpipigil.

Tinakpan ko ang magkabilaan kong tainga at paulit-ulit na umiling habang hinahanap ang pinanggagalingan ng boses. "H-hindi! Hindi kita kilala!"

Tumigil ang tingin ko sa isang madilim na postura. Naglakad ito palapit sa akin hanggang sa naging sapat ito para maaninag ko sya. Una kong napansing ang umiilaw nyang mga mata na mataman akong tinignan. Bughaw sa kanan at pula sa kaliwa.

"You do remember," His voice is full of restraint. Nakatingin lang ako sa kanya at bahagyang umaatras. Pinanood nya ang galaw ko. Halos tumigil ang paghinga ko nang humakbang sya palapit. Nag-panic ako kaya natigil sya at hindi tinuloy ang binabalak.

I started crying while he stood there watching. Natatakot ako.

"Annora, anak!" panibagong boses ang narinig ko. B-boses ni mama? Tumingala ako. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki ay may binanggit syang hindi ko nasundan. Ibang lenggwaheng ngayon ko lang narinig.

"Silvathore.." Dinig kong huling sinabi nya bago nawala.

Nanlaki ang mga mata ko ngunit kinuha ko ang pagkakaton para makatakas. Tumakbo ako hanggang sa marinig kong muli ang boses ni Mama.

"A-Annora? Anak? Okay ka lang ba?" Sa pagdilat ko ay namataan ko si Mama.

"Anong ginagawa mo doon, hija? Bakit ka naroon sa mga-" Ani Mama na agad pinutol ni Papa.

"Pagpahingain mo muna si Annora.. We'll talk at home."

"Mabuti nalang at may nakakita sa'yong kaibigan mo.. Sinabi kong hintayin ka nalang nyang magising nang ikaw mismo ang makapagpasalamat sa kanya nang pormal.. Kaya lang umalis sya, nagmamadali." Mabilis akong napatingin kay Mama. Namutla ako.

"A-ano daw ho ang pa-pangalan, Ma?" Kabado kong tanong.

Sandali pang nag-isip si Mama pero lang segundo ay umiling sya. "Naitanong ko pero hindi ko maalala, anak.. Magkasama raw kayo nitong mga nakaraang araw? S'ya ba ang kasama mo doon sa dibisorya?" Binalingan nya ako.

Mas namutla pa ako. Sinong kasama? Mag-isa ako nitong mga nakaraang araw, kung may kasama man ay kaibigan kong si Clifford sa school, at makikilala rin naman sya ni Mama at Papa.

Pagkauwi ay agad-agad akong nagpahinga. Nakakapagod. Iniisip ko pa'rin ang nangyari at mga sinabi nung Ale.. Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin pero nararamdaman ko.. hindi na normal ang nangyayari sa'kin. Gusto ko nang mas malinaw na eksplenasyon.

Madilim na sa kwarto ko. Nakasara lahat ng bintana at natakpan ng mga kurtina. Napabalikwas ako nang makita kong may dalawang pares na matang umiilaw malapit sa banyo. Bughaw and pula.

The Demon's First Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon