Pahina 5

8.9K 233 7
                                    

BAD

Gulong-gulo ako habang nagli-lesson ang prof sa huling subject namin. Kung tutuusin ay kaklase ko narin si Sarah sa subject na ito pero hindi pa rin sya nakakabalik. Yung mga kalmot na nakita sa braso nya at katulang noong kalmot sa braso ni Clifford.

Natigilan ako sa pag-iisip nang may naramdaman akong malamig sa batok ko. Napahawak ako doon at namutla. Anong nangyayari sakin? Kinikilabutan na ako.

"Class dismissed.. " Huling sinabi ng prof at mabilis na lumabas. Inayos ko ang gamit ko at nagmadaling lumabas ng classroom. As usual, gabi na natapos ang klase. Sa susunod na linggo ay sa clinics na kami assigned. Medyo busy na din dahil may mga case study aming ginagawa.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 6:30 pm. Umaambon kaya mas lalong madilim na ang kalangitan. Tinext ko si Papa kung nasaan na sya. Agad din namang nag-reply.

From: Papa

'I'm on the way. Hintayin mo ako sa gate. Don't go out.'

Sinundan nya iyon ng isa pang mensahe.

From: Papa

'Traffic. Wag kang sasama kahit kanino. And make sure you have your umbrella, uulan pa ata.'

Napangiti nalang ako sa huling text nya. As if I'm still a kid. Nag twenty-two na nga for God's sake! Pero may parte sa akin na natutuwa na tinuturing nila akong bata, I am happy to feel their warmth.

Wala akong dalang payong kaya tinakbo ko ang distansya ng gate at sumilong sa maliit na quarter ng security guard, may ilaw kasi dito. Madali akong makikita ni Papa dito. Malakas na hangin ang sumalubong sa akin kaya sumabog ang buhok ko sa pagkakatali nito gamit ang maliit na goma.

"Hey, beautiful." Dinig kong bulong ng kung sino.

Napahawak ako sa batok ko at nagkibit balikat. Guni-guni ko lang siguro iyon, sa lakas ng hangin ay hindi ko matansya kung ako lang ba o may nagsasalitang talaga.

Sinikop ko ang buhok ko at ang unang natanaw ko ay ang bughaw at pulang kulay na mga mata ng demonyito. Nagsalubong agad ang kilay ko at tinignan ang paligid kung may iba bang nakakakita sa kanya.

Abala ang lahat dahil mukhang babagsak na ang malakas na ulan. Nagtatakbuhan sila at nag-aagawan ng dadaan na taxi, ang iba ay naghahanap ng masisilungan.

"What are you doing here?!" Tanong ko medyo napalakas. Ngumisi lang sya pero biglang sumeryoso naman. Anong meron sa lalaking ito? Naramdaman ko at panginginig ko nang bumagsak ang malakas na ulan.

"Kanina pa ako andito.." Aniya.

Umiwas ako ng tingin. "Weird. Stalker. And pervert." Wow! As in wow! Now I am insulting him na parang hindi nya ako mapapatay kapag ininis ko syang lalo!

"I've been following you, all day" dagdag nya. "I Don't like the way that girl treated you back there, kaya bahagyang nagalit ako." Aniya at itinuro ang building namin.

Dalawang beses akong napalingon sa kanya. Agad pumasok sa isip ko ang kawawang si Sarah!

"Lahat sila, dapat ipakain sa mga alaga ko.." Seryoso sya ngayon. Hindi sya nakangisi o ano. Matigas ang boses nya at malalaman mo sa tono nitong seryosohin mo dapat ang bawat salitang nabibigkas nya.

"What did you do to, Sarah?" Pabulong ngunit may diin kong sinabi.

Unti-unti syang ngumisi. Mas umilaw pa ang mga mata nyang kamanga-mangha ngunit malaking kilabot ang hatid. "Ipinakita ko lang naman sa kanya ang kapalit ng pambabastos nya sayo.. She can answer you in a nice way without being sarcastic, pero pinili nyang bastusin ka." Aniya at hinawakan ang labi.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 10 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

The Demon's First Love [UNDER REVISION]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora