Pahina 3

11.6K 286 4
                                    

PRESENSYA

Pagkatapos ng dinner ayy dumiretso ako sa kwarto at nakita ko na naman sya, nakahiga sa kama ko. Mabilis akong tumalikod at pinihit ang pintuan. Pero kahit anong pilit kong pagbukas ay hindi ko mabuksan.

Hinampas ko pa ito pero laking gulat ko nang walang lumalabas na ingay mula sa mga hampas ko. Sinubukan kong sumigaw pero walang lumalabas na tunog sa bibig ko. Ganun pa man ay pinaghahampas ko parin ang pintuan hanggang sa maramdaman ko ang hininga nya sa likod ko.

"You'll only hurt yourself, Annora." Mahinahon ang pagkakasabi nya. Kinuha ang nakakuyom kong kamay at binaba sa gilid ko.

"Bakit ba lagi kang takot sakin?.. I didn't do such a thing para masaktan ka..." Bigla syang tumigil at umalis sa likod ko. Nang lingunin ko ay prente itong nakaupo sa couch na parang hari na nakatingin sa utusan. "Well, meron pala.. sorry kasi lagi kong nakakagat ang labi mo."

Natigilan ako. He what?! Nagmartsa ako palapit sa kanya at buong tapang na sinampal. Hindi man lang sya nakaramdam ng banta sa paglapit ko. Pinanood nya ang pagtaas ng kamay ko.

Umigting ang panga nya pero kalaunan ay ngumisi rin sya at bumaling sa akin. Umalis ako sa harapan nya at tumakbo pahiga sa kama at nagtalukbong. Nang tinanggal ko ang kumot sa mukha ko ay wala na sya doon. Kumurap ako at biglang nasa tabi ko na sya nakahiga. In-on ko ang lampshade at tumayo. Lumayo ako nang bahagya at nagdasal na sana'y matapos na ito.

Oo, alam ko na ang lahat. Hindi na pangkaraniwan itong nanggugulo sakin.

Humugot ako ng lakas ng loob bago mataman syang tinignan. Hindi sya nakatingin sakin pero alam kong alam nya na nakatingin ako sa kanya. He's wearing his evil smile. "I kinda missed that, so much that I could kiss you right now."

Umilaw nang husto ang kanyang mga mata ngunit sapat lang iyon para matitigan ko sya. Binaligan nya ako at bumangon sa kama. "Annora, slap me again."

Kumunot ang noo ko sa kanya. He smiled widely but it freaked me out. Mabilis akong tumayo at tumungo sa pintuan. Nang subukan kong hawakan ang door knob ay napaso ako!

Pinilig ko ang ulo ko at itinago sa likod ko ang kamay. "Ano ba t-talaga ang pakay mo sakin?" Nilingon ko sya at naabutan ang dahan-dahan nyang pagbangon. Agad kong nakuha na kung kanina ay pwede ko pa syang kausapin, ngayon ay hindi na.

Magkasalubong ang kilay at umiigting ang panga sa paglapit.

"Kamay mo." Napalunok ako sa lalim ng boses nya. Punong-puno iyon ng pagbabanta na kapag hindi ko 'yon susundin ay baka mapahamak ako.

Mas lalo akong umatras nang makita kong hindi pala sya nakatapak sa sahig. Pakay nya ang kamay ko?

Kumunot ang noo ko. "Wh-what do you mean?" Nanginginig na ako, pero sinubukan kong tumayo ng maayos.

Pumungay ang mga mata nya at naglahad sya ng kamay. Tinitigan ko sya pabalik pero hindi nagtagal iyon dahil nawe-weirduhan ako sa kulay ng mga mata nya kundi dahil wala akong naiintindihan at sinusubukan kong maghanap ng sagot.

"You summoned me."

Nag-iisip pa ako nang maramdaman ko ang marahang paghila nya sa braso ko. Napatalon ako sa gulat kaya hindi sinasadyang masandal ang sarili sa nakakapasong pintuan. Nagulat akong hindi ako nasaktan o ano, nahugot ko lang ang hininga ko at nakahiga na ako sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bumangon. "You almost got hurt." aniya. Nakatalikod sa akin. Nang humarap sa akin ay galit na galit.

Natahimik ako at hindi pa nawala ang kaba sa nangyari. I remember looking at him cluelessly before closing my eyes. Nagdasal ako sa isip bago tuluyang mahulog sa tulog.

The Demon's First Love [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now