Chapter 1

366 32 55
                                    


*Gising! Gising! Anong oras na! Bumangon ka na dyan!*

Dahan dahan kong minulat ang aking mata ng marinig ko ang sigaw ng akin nanay.

Nag madali agad akong kuhain ang cellphone sa tabi ng aking higaan.

Hala! Anong oras na pala! Malalate na ko!

Natataranta akong kumilos para kumain at maligo.

Onga pala! My name is Mikko. 3rd year highschool na ko ngayong. Sa Southern Philippines University nga pala ako nag aaral. 14 years old, oo medyo bata kung ituturing sa mga edad ng kaklase ko, sa October pa kasi ang bday ko.

"Sa school na po pala ako mag tatanghalian pero uuwi po ako ng maaga, hindi po ako papagabe. Sige mama alis na po ako anong oras na!"

Karipas ako sa paglalakad dahil naalala kong baka dumami na ang tao pagdating ko, naku mahihirapan ako mag enroll pag nagkataon. Excited na din akong makita ang class list namin, kung kaklase ko pa din ba mga tropa ko, kung may bago kaming magiging kaklase! Sana may chix na bago!

Halaaaaaa! Grabe ang daming tao! parang 15 mintues lang akong nalate bago magbukas ang registrar!

"Uy Mikko! Dali dito ka! Sumingit ka na dito sa pila. Bakit ngayon ka pa nalate?" sabi sakin ni Xy habang hinihila nya ang braso ko.

Si Xy nga pala, sya yung halos tinuturing kong bestfriend. May pag kamoody pero okay naman ang ugali! Maaasahan at masayang kasama lalo na kung sa trip ang usapan.

"Niiiiice! Salamat pre! Anong oras na kasi ako nagising, buti nalang naabutan ko pa kayo dito sa pila. Tayo tayo pa din ba ang magkakaklase?" tanong ko sa kanya.

"Si Makki nahiwalay satin, sobrang baba ata ng grades nya at di sya nakapasok sa section natin" sagot nya habang nagkakamot ng ulo.

By grade kasi hinahati ang section namin. Hindi naman ganon kataasan ang grades namin pero palage kaming napupunta sa 1st section.

Nag hinayang ako sa nalaman ko kahit isa lang sa tropa ang nahiwalay samin nakakalungkot pa din yon.

Close samin si Makki kahit na bad boy sya. Actually, sa kanya kami natuto ng iba't ibang kalokohan at bisyo. Alak at yosi, oo sa kanya namin natutunan yon siguro dahil pareparehas kaming curious kaya sinubukan namin at ayon naging bisyo na nga.

Natapos na kami mag enroll at tinignan naming mag kakatropa ang class list. Halos yun pa din naman ang mga kaklase namin may mga nadagdag at napalitan lang. Habang binababa ko ang daliri ko, nagulat ako sa dalawang pangalan na alam kong transferee sa pasukan.

"Mga pre tignan nyo to, Muriel at Ann mga bagong estudyante to diba?" tanong ko sa kanila habang nakangiti.

"Oo nga no! Tingin nyo kaya may chix sa dalawang yan? Sana naman meron para madagdagan chix sa room natin." sagot ni Ranz na tuwang-tuwa sa nalaman.

Si Ranz nga pala, maliit, chubby at napaka kulit na tropa namin. Napag kakamalan nga syang elementary kahit mas matanda sya sakin dahil sa height at kilos nito.

"Tingin mo Mikko maganda kaya tong Muriel? ito kayang Ann?" tanong sakin ni Archy at biglang umakbay.

Kabaligtaran ni Archy si Ranz. Sobrang tangkad kasi nito at medyo mature na tignan sa mukha. Medyo playboy kaya halos lahat ng kaklase naming babae kaclose sya.

"Ewan ko pero feeling ko dito sa Muriel mataba tapos maitim HAHAHAHA. Yung Ann naman hindi ko alam pero parang narinig ko na yung pangalan nya." matawa tawa kong sagot sa tanong nya.

"HAHAHAHA grabe ka talaga Mikko manglait, pangalan palang nalaman mo nabully mo na yung Muriel" sagot ni Xy habang natawa din ng malakas at pinapalo ang likod ko.

"Tara mag tanghalian na tayo sa canteen! Gutom na ko!" pagyaya na sinabi ni Carl.

Kung iisipin si Carl at Makki ang pinaka bad boy samin. Silang dalawa kasi ang halos na unang mag karoon ng bisyo at napasama lang kami sa kanila pero mabait sila kung sa pagiging tropa ang usapan.

Habang naglalakad ako pauwi, iniisip ko pa din kung saan ko narinig ang pangalan ni Ann. Feeling ko kasi narinig or nabasa ko na sya kung saan man.

Arrrgghh! Ako pa naman yung tipo ng taong naiinis hindi ko nalalaman ang isang bagay. Pilit kong inaalala hangang sa sumuko na din ako.

Sana naman maging masaya yung 3rd year namin, kahit naman hindi kami kumpleto atleast makakapag bonding pa din naman kami dahil parehas pa din ang oras ng uwian.

Ordinary Boy Meets Mysterious GirlWhere stories live. Discover now