Chapter 10

85 17 5
                                    

*Scroll* *Scroll* *Scroll* *Scroll*


Nakatitig lang ako sa screen ng computer ko habang ginagawa ito. Hirap talaga ng walang ginagawa kapag sabado, sayang at hindi natuloy ang pagtambay namin kila Ranz. Nag kasakit kasi si Xy, si Archy naman may lakad daw, kaya ayon nag katamadan na lahat.


*Beeeeeeeep*


Agad ko namang pinindot ang lumabas ng notif sa Facebook. May nag post pala sa SPU Group.


Gumawa kasi ng Facebook group ang student org para naman daw doon mag kakilala ang mga studyante. Pwede din yon bilihan ng mga bagay bagay, mga gamit na libro na hindi na gagamitin para naman daw mapakinabangan ng lahat. Pwede din naman mag tanong o mag paturo sa mga assignments. Ginawa ang group para naman daw maging friendly community ang school, tulong na din para sa mga 1st year na naninibago pa.


Ang cool naman nitong Cheska nag tatanong kung sino daw ang may alam na pickup lines. Halatang ginagawang way lang para makipag kaibigan sa iba.


*Right Click* *Open in new Tab* *Scroll* *Scroll* *Scroll*


Nakikita ko to sa school, ito yung babaeng maganda na matangos yung ilong. 2nd year na pala sya? akala ko 1st year lang, parang hindi ko sya nakikita sa school last year ah? 


Hala, kaklase nya si Denice!


Si Denice nga pala ang kapatid ni Maxi. Kaklase ko si Maxi simula nung 1st year, niligawan ko din yon dati pero binusted din ako. Masyado pa kasi kaming bata don, parang hindi nga ligaw yung ginawa ko, puro pang aasar kasi yung ginawa ko don. Kaya ayon para kaming aso't pusa, masyado akong naniwala sa "The more you hate, the more your love". Pero medyo close na kami ngayon, kaso nga lang away bati pa din.


Naging close na din kami ni Denice dahil nakakausap ko sya, kadalasan kasi parehas naming trip si Maxi. Pero kahit sobrang close namin sa text sa personal hindi, syempre may boundaries pa din. Siguro ganon talaga no? Hindi lahat ng ka-close mo sa chat, text o tawag ay ganon din sa personal.


Wala naman sigurong masama kung maging friendly ako sa kanya di ba? May alam din naman kasi akong pick up lines. 


"Miss magaling ka ba sa direksyon?"- Mikko

"Bakit?" -Cheska

"Gusto ko lang itanong kung paano papunta sa puso mo." -Mikko

"HAHAHAHA cool, salamat kuya" -Cheska


Hindi ko alam na don mag sisimula ang lahat. Bigla nalang ako chinat nito, sobrang friendly nya. Yung feeling na dahil lang don sa comment ko yung chat nya parang mag kaibigan na kami ng sobrang tagal. Ang bilis ng pangyayare, siguro dahil mabilis din ang kanyang reply.


Napag usapan namin about sa mga family namin. Napag usapan din namin si Denice, nagulat kasi ito ng malamang mag kakilala kami. Nag open din sya tungkol sa boyfriend nya, humingi sya ng advice kasi daw nag kakalabuan sila. Nagpasalamat ito dahil sa advice ko, tinawag nya din akong tatay, sabi nya kasi parang tatay daw ako magpayo.

Ordinary Boy Meets Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon