Chapter 13

88 14 15
                                    

"Sigurado ka bang okay lang talaga to? Feeling ko ang baduy ng suot ko, dapat kasi bumili tayo ng bago kahapon." pasigaw na sabi ni Cheska.


"Baby para kang ewan! Wag ka ng kabahan, kahit naman anong suot mo maganda ka. Diba napag usapan na natin to kagabe? Sabi mo din naman desidido ka." sabi ko habang hinahawakan ang mga nanlalamig nyang kamay. 


First time nya kasing pupunta sa bahay, ngayon na din ang araw na ipapakilala ko sya kila mama. Kinausap ko na si mama about dito kagabe, noong una nga aayaw ayaw pa, pero noong nag laon umoo din naman, for sure gusto nya din naman makita kung anong itsura ng girlfriend ko.


Sa totoo lang hindi naman ganon kahigpit sila mama pagdating sa lovelife ko, siguro dahil din sa pagiging lalake ko. Nagbibigay lang ng mga payo sila kuya, ate at papa, pag dating naman kay mama nagkukunwaring galit pero sa totoo lang, okay lang sa kanya.


Mauuna nga pala kami sa bahay, umalis kasi sila pero nag iwan naman ito ng makakain namin at babalik daw sila ng tanghali. Ewan ko ba dito kay Cheska samantalang nung una gustong gusto at naglulumundag pa sa tuwa ng malaman na ipapakilala ko sya. Ilang beses kong tinanong kung gusto nya na ba talaga kasi sakin okay lang naman kung hindi pa sya ready, oo sya ng oo pero ngayon ito halos hindi kami makalakad kasi kung ano ano ang napasok sa isip. 


Gusto muna mag palit ng damit, tingin ng tingin sa salamin kung maayos ba ang pulbos nito, suklay din ng suklay sa buhok. Hinahayaan ko nalang sya kasi ang cute nya naman pag ginagawa ito, alam mo yon parang feeling ko gustong gusto nyang matanggap sya nila mama. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakausap ko na sila mama about dito, alam mo yun para may suspense.


Habang sya aligagang aligaga sa sarili nya, ako ito hinahawakan ng mabuti yung kamay nya. Napaka swerte ko talaga na nagkaroon ako ng ganitong girlfriend, yung sobrang mahal ako, yung walang inisip kung hindi mapasaya ako. Minsan nga napapaisip ako kung deserve nya ba talaga ang tulad kong lalaki, sa totoo lang kasi madaming nag tatangkang manligaw sa kanya pero lahat yon pinapatigil nya. Ikukwento nya nalang sakin na hindi nya na kinakausap si ganto si ganyan, alam nya din kasing seloso ako pag dating sa mga ganong bagay.


Hindi naman kasi kami ganon kayaman di tulad ng ibang manliligaw nya. Hindi din naman ako ganon kagwapo katulad ng mga nakakasama nya sa pag momodel. But still, ako pa din yung pinipili nya, minsan nga natatawa nalang ako feeling ko kasi napakain ko to ng kung ano na may gayuma kaya ganto ako kamahal. In my part, ginagawa ko din naman ang lahat para mabigay sa kanya yung kaya ko. Hinding hindi ako tumingin sa ibang babae, hmmmmmm, sige na nga, oo minsan tumitingin ako lalo na pag kasama ko sila Xy pero hanggang tingin lang yon. Kahit naman si Cheska alam yon dahil minsan pag umaalis kami nangyayare yon.


"Talaga naman ang mata! Ano kasi mas sexy sakin ganon? Gusto mo yon? Don ka na!" sabay bitaw ng kamay.


"Ano ka ba baby! Napatingin lang ako saglit. Alam mo mapukaw man nila ang mata ko, yung puso ko mananatili parin sayo. I love you!" sabay halik sa noo.


Ganyan palagi ang scenario namin pag aalis. Hindi naman talaga ako natingin sa ibang babae para mag iisip ng kung ano man. Wala lang madali lang talaga matawag ang atensyon ko pero hanggang doon lang yon at isa pa sobrang swerte ko na sa girlfriend ko, sino ba naman ako para lokohin pa ang isang tulad nya.

Ordinary Boy Meets Mysterious GirlWhere stories live. Discover now