Chapter 11

76 14 19
                                    

Umupo ako sa may puno upang malimliman at takasan ang init ng araw. Nagulat na lamang ako ng may nag takip ng aking mga mata.


Kahit naman hindi sya mag salita alam ko kung sino sya. Amoy nya palang alam ko na. Isama na din ang maliliit at malalambot na kamay nito.


"Anong meron? Feeling mo naman hindi kita makikilala baby." sabi ko dito habang pilit na tinatanggal ang kanyang mga kamay.


"Gusto lang kita isurprise, ang daya naman. Hindi na nga ako nag salita, pano mo nalaman?" nakangusong sabi nito.


"Seryoso baby? As if naman may mag tatangkang magtakip pa ng mata ko. Sa susunod kasi wag kang mag lalagay ng pabango para hindi ko mahulaan kung sino." nakangiting sabi ko dito.


Hinatak ko sya para mapaupo sakin at agad ko naman itong inakap. Inamoy ko ang kanyang buhok, grabe kahit kailan talaga sobrang bango nya. Hinawakan ko ang isa nyang kamay at hinalikan ko ito. Hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap ng makita kong namumula ang kanyang mukha.


Kinuha ko ang isang maliit na box sa bag ko at ibinigay ko ito sa kanya.


"Happy 3rd monthsary baby! Ito gift ko oh, pag pasensyahan mo na yan ha? Wala kasi akong maisip na iregalo sayo. I love you so much." nagtago naman ako sa likod nya sabay inakap ko ng mahigpit dahil sa labis na hiya.


"Ano ka ba naman baby! Super duper salamat dito, na appreciate ko, promise. Happy 3rd monthsary baby! Ito naman yung gift ko. I love you more!" sabay abot ng kanyang regalo.


Laking gulat namin na halos parehas ang regalo namin sa isa't isa. Parehas na kwintas ang regalo namin ang pinagkaiba lang ay ang letra na nakalagay dito. Tawa kami ng tawa sa dami dami ba naman ng pwedeng regalo parehas pa kami ng naisip. Naisip namin na nakatadhana talaga kami sa isa't isa dahil halos mag kakabit ang aming mga utak.


Kinuha ko ang regalo ko upang isuot sa kanya. Simpleng kwintas lang iyon na may letter na M. Sinabi ko sa kanya na "M stands for Mikko" parang yun yung nag papakita na akin lang sya at bawal syang makuha ng iba. Pagkatapos ko itong isuot sa kanya ay binulong ko sa kanya ang salitang "mahal na mahal kita."


Hinampas ako nito at sinabing napaka cheesy ko daw, baka daw mamaya langgamin kami. Tawa kami ng tawa parehas. Hinawakan nya sandali ang kwintas na isinuot ko at kinuha naman ang kanya. 


"Baby wala na akong masabi kasi halos parehas lang tayo ng regalo at kung bakit ito ang regalo. Ireremind nalang kita na bawal mong tanggalin to okay? Para alam ng ibang babae dyan na akin ka lang okay? Yari ka talaga sakin pag nagloko ka" at inambaan nya ako ng kamao na kunwari ay susuntukin.


Isinuot nya sa akin ang kwintas na may letrang C. Oo C, C stands for Cheska, si Cheska kasi ang girlfriend ko and 3 months na kami.


Naguguluhan siguro kayo kung paano nangyare? Sabi nga nila, sa haba haba man ng prusisyon sa puso nya pa din ako patungo.


Simula kasi nung araw na pinakilala nya sakin si Shawn, yon din ang araw na nakipaghiwalay sya dito. Alam nya daw kasi sa sarili nya na hindi magwowork ang relationship nila. Hindi nya din daw matiis yung pagbababae ni Shawn, dati daw napipigil nya dahil natatakot sya mag isa. Pero narealize nya hindi sya sasaya sa ganon, kaya naman nakipag hiwalay sya.

Ordinary Boy Meets Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon