Chapter 6

91 20 11
                                    

Panaginip lang ba yung mga nangyare kahapon? Yung pag hatid ko sa kanya at ang pag uusap namin? Isang malaking kahibangan lamang ba yon o imahinasyon? 


Paulit ulit kong sinampal ng malakas ang aking pisngi upang magising sa katotohanan. Ako'y napa buntong hininga na lamang ng makita ang laman ng aking pitaka. Totoo yung mga nangyare, yung pera ko halos mauubos na dahil sa panlilibre ko sa kanila.


 *Pero bakit ganito? *


Matatapos na ang buong araw ng klase ngunit kahit isang beses ay hindi man lang ako kinausap ni Ann. 


Wala na akong maisip na dahilan, wala naman akong ginawang masama. Kahit anong gawin ko, pag bati sa umaga at tanghali, pag kamusta sa kanya, pag tanong tungkol sa mga activity, pag yaya para kumain pero nananatili pa din syang walang kibot.


Ang weird naman! Kahapon lang ang saya saya namin. Haaaaays!


Halos hindi ko ma-ipaliwanag kung gaano ako kasaya kahapon. Alam kong tama din ang narinig at pag kakaintindi ko sa pagpayag nya na maging kaibigan ako. Kulang na lamang ay hindi ako makahinga sa sobrang pagtakip ko ng unan sa labis na kakiligan. Kaso bakit biglang nag bago?


"Mikko, sumama ka mamaya sa bahay nila Ranz ha? Natalo kami kahapon dahil wala ka. Bumawi ka naman ngayon. Hindi pwedeng hindi ka sasama. Okay?" paanyaya ni Xy habang tinatapik ang aking balikat.


"Oo naman pre sasama ako, pasensya na yung tungkol sa kahapon. Babawi ako ngayon, madami akong iinumin. Promise!" tugon ko dito habang nakataas ang aking kanang kamay na simbulo ng pangangako.


Tutal naman wala syang pakialam sakin edi wag na. Nakakainis, wala naman akong ginawang masama pero bakit ganon hindi man lang nya ako kausapin. Ganito ba yung turing nya sa mga kaibigan? yung hindi papansinin sa loob ng klase? Feeling nya ba may pag ka-psychic ako para mag usap kami gamit lamang ang isip. Psssssh!


Bahala sya, nakakainis! Iinom nalang ako ng sobrang dami para makalimutan kung ano man yung pinag usapan namin.


Akala ko pa naman magiging maayos na ang lahat, pero hindi, kabaligtaran pala ang mangyayare. Pwede nya naman sabihin na ayaw nya talaga akong maging kaibigan, kesa naman ganto para akong tanga na umaasang papansinin nya.


"Hindi nga pala ako makakasabay sa pag uwi, pasabi nalang din kila Lans. Pasensya na, alam ko namang naririnig mo ko kahit di mo ako pinapansin. Pasabi nalang ha? salamat." sambit ko dito habang nakataas ang aking isang kilay sabay ngiti ng panandalian.


Agad naman siyang lumingon at mistulang ang aming mga mata ay nag katitigan. 


Hindi ko alam kung bumagal ba ang mga oras ng mga panahong iyon, ngunit pakiramdam ko ay humito ito sa hindi inaasahang pagkakataon.


Bumilis ang tibok ng puso ko na tipong tumakbo ako ng sobrang bilis at sobrang layo ng walang pahinga. Kinuha ko ang aking panyo sa aking bulsa upang umiwas sa kanyang tingin.

Ordinary Boy Meets Mysterious GirlWhere stories live. Discover now