Chapter 4

153 12 0
                                    

ZEPHYR'S POV

Nandito na ako sa mall ngayon, paikot-ikot habang hinihintay ang aking kaibigan na sobrang bilis kumilos na hanggang ngayon ay wala pa. Sana talaga hindi ko nalang inagahan ang pagpunta ko rito e. Lagot talaga sa akin yung babaeng 'yon! Grabe, halos isang oras na akong naghihintay sa kanya dito.

"Beshieeeeee!!!" Speaking of the megaphone girl. Nakalunok yata talaga 'to ng megaphone e.

"Hoy! PRINCESS MEGAN C. VILLEGAS, bakit ang tagal mo, aber!? At pwede ba, mahiya ka naman nandito tayo sa loob ng mall tapos kung makasigaw ka para kang nasa palengke."
Sabi ko sa kanya with matching taas pa ng kilay. Mukhang pati kilay ko na-i-stress sa kanya.

By the way, ganda ng name niya no? Bagay naman sa kanya yung name niya kasi maganda siya. Mukha kasi siyang prinsesa, mala-porselana rin ang kutis niyan, 'yon nga lang wasak lahat ng iyon kapag nag-umpisa na siyang magsalita.

"Sorry naman, Beshie.
Namiss lang kasi kita ng sobra e." Sabi niya sa akin, saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Tss. Kung di lang ako mabait na kaibigan malamang binatukan ko na 'to kanina pa.

"K. Fine. Tara na maglakad-lakad na tayo nang sa ganoon ay mas marami pa tayong mapuntahan at mabili." Sabi ko.

"Hindi ka na galit sa akin, Beshie?" Sabi niya habang nakapout. Mukha siyang bibe, infairness.

"Tsk. Hayaan mo na 'yon, sanay na akong ganoon ang boses mo, pero kapag ang eardrums ko nabasag mata mo lang ang walang latay." Sabi ko sa kanya, saka ko siya pinitik sa noo.

"What!? Mabasag agad? Hindi ba pwedeng magkadiperensya muna 'yang tenga mo?" Singhal niya sa akin.  Loko talaga 'to e. Sarap kutusan.

"Ay! Ewan ko sayo. Diyan ka na nga, maghahanap na ako ng mga damit." Sabi ko, sabay walk out.

"Hoy! Beshie, wait lang ito naman, nagbibiro lang ako e." Sabay takbo ng gaga papunta sa akin.

"Ito, Beshie! Bagay ba ito sa akin? Do I look like a real princess na ba?" Sabi niya habang suot-suot ang dress na napili niya.

"Oo, bagay sa'yo. Kunin mo na 'yan. Sayang." At dahil supportive akong bestfriend, ayan! Nag-agree nalang ako sa kanya.

"Pili ka lang dyan, Beshie! Labas muna ako saglit. Hanap lang ako ng sapatos." Sabi ko sa kanya. Nasa loob na naman kasi siya ng fitting room e.

"Sige, Beshie. Bilisan mo lang ah?" Sagot naman nito sa akin.

Lakad~lakad~lakad~lak—

"Aray/Ouch" Sabay naming sabi nang kung sino man ang nakabangga sa akin. Ang arte pa ng pagkasabi niya, pero parang pamilyar yung boses niya sa akin e. Kanino ko nga ba ulit narinig 'yon?

A-aray! Ang sakit ng pwet ko. Anak ng tipaklong nga naman oh! Kung sino mang Poncio Pilato 'yon, humanda siya sa akin.

Aba't talagang nakatayo lang sa harapan ko? Ni hindi man lang ako tulungan!? Nyemas talaga!

Nakatingin pa rin ako sa baba habang hinihimas-himas ko ang pwet ko. Mommy. Huhuhu. Ang sakit ng pwet ko. Huhuhu.

"Tsk. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, girl. Ang sakit rin tuloy ng pwet ko." Maarte niyang sabi.

Wow! siya pa itong may ganang magalit ngayon. Hiyang-hiya naman ako sa kanya.

Hindi na ako nakatiis kaya nag-angat na ako ng tingin...

( *O* ) - ganyan itsura ng mukha ko ngayon, mga bebe.

Putahamnida! Totoo ba itong nakikita ko?

Si Sir? Si Sir Davis ang kaharap ko, mga bebe! So meaning to say, siya rin yung narinig kong nagsalita kanina? Diba? Diba? Shocks! Kung panaginip man to pakigising ako. This can't be!

My goodness! Don't tell me isa siyang...

GAY!?

No! Hindi ko tanggap na maging binabae, bakla, shokla o paminta si Sir! Why? Why? Why? Delilah? Ay tanga bakit ginawa kong kanta?

Sayang siya. Sayang na sayang. Hindi pwede!

"I-I have t-to go, Ms. Miranda" utal-utal niyang sabi. At dali-dali rin siyang umalis, ni hindi niya na nga ako nagawang tulungan tumayo e. Tsk.

Habang nakaupo sa sahig ay pilit ko pa ring inaalala kung tama ba yung mga nakita at narinig ko kanina.

"Oh? Beshie, sabi ko balik ka agad diba? Bakit ka nakaupo dyan sa floor? Don't tell me - OH MY GOODNESS! wala ka na bang pera beshie kaya ka namamalimos ngayon at talagang dito mo pa napiling mamalimos?" Pasigaw niyang sabi, habang nakatakip pa ang dalawang kamay niya sa kanyang bibig.

"Gaga! Anong namamalimos ka dyan? May nakabangga sa akin kaya ako napasalampak dito sa sahig. 'Wag kang OA pwede? And, ako mamamalimos? Oo, mahirap lang ako, pero my goodness! Sa ganda kong ito, mamamalimos ako? Pwede ba, huwag mo akong patawanin, Megan. Wala ako sa mood tumawa." Nanlilisik ang mga mata ko nang tiningnan ko siya.

"Ay! Sorry naman. Malay ko ba kung ano talaga ang nangyari sayo no." Saka niya ibinaba sa sahig ang mga pinamili niyang mga damit.

"Tss. Eh, kung tinulungan mo nalang sana kong tumayo dito diba?" Sabi ko in a full sarcastic tone.

"Sabi ko nga diba? Ito na, tutulungan na nga kita e." Salamat naman at tinulungan din ako ng gaga. Sarap sakalin e.

Nakauwi na ako ngayon sa aming apartment. Halos ilang taon na rin pala kaming nakatira dito ni lola. So far, happy naman kami sa tinutuluyan namin ngayon.

Haaay! Makapagpahinga na nga muna, ang sakit parin kasi ng pwet at balakang ko. Huhuhu.

Habang nakahiga ako sa aking kama, ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Grabe, 'di ko expect na bakla si Sir. Pero bakit noong isang araw, kausap ko siya sa office super manly naman ng boses niya. Anyare ngayon?

Hmmmm...

Hindi kaya—

Omg! Hindi kaya, walang nakakaalam na bakla siya? Na itinatago niya lang ang true identity niya?

(*0*) Mababaliw na yata ako!

Pati kaya parents niya hindi alam na bakla siya? Ugh! Sakit na ng bangs ko, mga bebe! Joke! Wala pala akong bangs. Hehe.

Ih! Bakla ba talaga si Sir Davis? Nakakaiyak naman kung ganoon. Crush na crush ko pa naman siya.

At sa kakaisip ko, kung bakla ba talaga si Sir Davis ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.

Operation: Seducing My Gay Boss Where stories live. Discover now