Chapter 7

145 11 0
                                    

ZEPHYR'S POV

"Zephyr!!" As usual si megaphone bestfriend ko 'yan. It's SUNDAY! Meaning, day off ko ngayon mga bebe! At isa lang ang masasabi ko sa buong week na nakalipas...

H.E.L.L.

Sobrang dami ng pinagawa sa akin ni Boss Angelo, at syempre ganoon din naman siya, mas marami pa nga yata ginawa niya kaysa sa akin e. Natural siya ang CEO. Tsk. Tanga ko talaga e no?

Natutulog pa kaya 'yon? Paperwork dito, presentation doon, meeting dito, meeting doon.

"Sige boss, huwag ka nang matulog mukhang sanay na sanay ka naman e."

'Yan yung mga salitang gusto kong sabihin kay Boss bago ako umuwi noong sabado, kaso baka wala ng nag-a-abang na trabaho sa akin pagdating ng Monday. Kaya, I shut my mouth nalang.

By the way, nandito kami ngayon ni Megan sa mall dahil nagpapasama ang gaga na bumili ng make-up at dress dahil may family gathering daw sila. Ewan ko ba dyan, hindi kuntento sa gandang ibinigay sa kanya at gusto pang magpaganda ng magpaganda.
Samantalang ako kulang nalang maubos ang lahat ng make up na mayroon ako magmukhang maganda lang.

Halos hindi mo na nga rin mabilang sa mga daliri mo kung ilan na ang naging boyfriend niyan e. At ako? Ito, in my 19 years of existence ni isa walang nagtangkang manligaw sa akin. At 'yon ang ipinagtataka ko? Like duh! Mabait at matalino naman ako at sabi naman ng nanay ko ay maganda ako. Kaya sino sila para hindi ligawan ang isang babaeng may extraordinary/exotic beauty aber?

"Beshie, nakikinig ka ba!?" Sigaw sa akin ng katabi ko.

"My goodness! Megan naman ang lapit ko lang sayo pero kung makasigaw ka parang nasa kabilang bundok ang kausap mo." Kung hindi ko lang bestfriend 'to, baka matagal ko na siyang pinalipad papuntang ibang planeta para naman makasama na niya yung mga kauri niyang alien doon.

"Sorry naman, Beshie. Ang bagal mo kasing maglakad e." Naka pout niyang sabi.

"Tantanan mo nga yung kakapout mo d'yan! Mukha kang bibe alam mo ba 'yon?" Nakakairita kaya yung labi niya sarap hilahin.

"Grabe, Beshie! Meron ka ba ngayon?" Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

See? Para talaga siya timang diba? Ano naman ngayon kung meron ako? Duh! It's normal lang na maging masungit at moody tayo paminsan-minsan lalo na kapag may menstruation tayo. Right, girls?

"So, what?" Pagtataray ko sa kanya habang nakataas ang precious eyebrow ko.

"Tsk. Chill nagtatanong lang ako e. Besides, 'di mo bagay nagtataray lalo ka lang pumapangit. HAHAHAHAHA!" Sabay tawa ng malakas ng gaga! Aba't talagang konting-konti nalang talaga masasabunutan ko na 'to.

"Okay, fine! Ano bibili ka ba o magtatatalak-talak ka nalang dyan na parang manok." Naka smirk kong sabi sa kanya. Akala mo ah.

"Tara na nga! Nakakainis ka talaga kahit kailan basag trip ka e no!?" Naiinis na sabi niya.

1 point for Zephyr!

"Oh, I'm so sorry my dear, I didn't mean to offend you." Pikon talaga 'tong bestfriend ko kahit kailan e, pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko 'yan.

"Beshie?" Naiirita na 'ko sa pagkalabit niya sa akin. Ang bigat pa naman ng kamay niya.

"Problema mo?" Singhal ko sa kaniya.

"Tingnan mo 'yon, ang gwapo diba? Pero, sayang bakla yata." Nanlulumo niyang sabi.

"Huh? Nasaan?" Pilit kong hinahanap kung sino 'yong sinasabi niyang gwapo raw pero bakla.

"Ayun oh, may kasamang isa pang lalaki" sabay turo niya sa bilihan ng mga branded na sapatos.

"Oo nga no? Tara hayaan na
The hell! Si boss 'yon ah? At 'yong guy na kasama niya ay yung nakabunggo sa akin Beshie, remember? Naikwento ko na 'yon sa'yo diba?" Natataranta kong sabi. Hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko.

"Talaga?" Manghang pagtatanong niya sa akin. Special child yata talaga 'to e. Tsk.

"Oo, pero bakit magkasama sila ni Boss?" Nawiwindang na talaga ako.

"Baka boyfriend niya." Walang pakundangang sabi ni Megan.

"What? No way!" Hindi ako kakayanin. Huhuhu.

"Tsk. Oh, e anong pangalan ng kasama ng Boss mo?" Tanong niya, habang nakatitig pa rin sa dalawang lalaki na masayang nagkukulitan sa tapat ng isang store.

"Hala! Oo nga no? Naibigay ko sa kanya yung pangalan ko pero yung pangalan niya hindi ko man lang nakuha." Infairness, medyo tanga ako sa part na 'yon. *face palm*

"Ano!? Kainis ka naman e."

"Pero mabait yan, Beshie. Malambot pa ang kamay at isa lang ang nasisiguro ko..."

"Ano?" Super ngiti na sabi niya with matching puppy eyes pa. It's my turn now, bessy.

"HINDI KAYO BAGAY!" There I said it at iniwan ko na siyang nakanganga. Alam ko kasi kapag may gusto siya sa isang tao. Well, ako ulit ang panalo.

2 points for Zephyr!

FASTFORWARD

Monday na naman at umpisa na ulit ng kalbaryo ko. Kahit na one week palang akong nagtatrabaho, pakiramdam ko isang taon na mula ng makapasok ako sa company ni Boss Angelo. Paano sobrang dami ba naman ng gawain. Nagsasawa na nga ako sa papel at laptop.

Tapos na akong magbihis at naglalagay na lang ako ng pulbos at lipstick ng biglang kumatok si lola.

"Apo, oras na malalate ka na. Bilisan mo mag-ayos." Ang sweet talaga ng lola ko. That's the reason why I love her.

"Opo, lola. Patapos na po ako." After kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa kusina.

"Oh, apo, kumain ka muna. Para naman mas lumakas ka pa." Sabi niya saka niya ako ipinaghain ng makakain.

"Sige po, lola. Maraming salamat po."

"Ano ka ba, walang ano man." After kong kumain ay nagpaalam na ako kay lola. Baka malate pa ako. Mahirap na.

"La? Alis na po, ako. Ingat po kayo dito ah? Huwag po kayong masyadong magpagod." Sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo.

"Mag-iingat ka, apo. Mahal ka ni lola."

"Mahal din kita, lola." Sigaw ko sa kanya ng makalabas na ako ng apartment.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.

Operation: Seducing My Gay Boss Where stories live. Discover now