Chapter 10

123 11 0
                                    

A/N: I am very sorry, guys if ngayon lang ako ulit nakapag-update. Babawi ako sa inyo, PROMISE!

Enjoy reading!

***

ZEPHYR'S POV

Grabe nabusog ako sa kinain namin ni Ivan. Masarap talaga kapag libre.

"Salamat sa paghatid" nakangiting turan ko kay Ivan. Hinatid niya na ulit ako dito sa labas ng building.

"Basta ikaw" sabi naman ni Ivan sa akin.

"Hindi ka ba talaga papasok? Paano kung lalong magalit sa'yo si Boss? I mean yung Kuya mo." Yeah right, kuya niya nga pala si Boss Sungit.

"It's okay. We'll talk at home later."

"Sige, ikaw bahala. Papasok na 'ko. Thank you sa libre, Ivan." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Mga bes, hindi ko maitago yung kilig kooo!

"You're welcome." Nakangiting sambit din ni Ivan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ANGELO'S POV

Anak ng! Anong oras na pero wala pa rin ang babaitang 'yon? Naku! Ang dami niya pang kailangan tapusin na paperwork. Tsk. Makakatikim talaga sa akin 'yan ng isang ratatat com-

"Good afternoon po, Sir Angelo." Speaking of my secretary.

"Walang good sa afternoon ko. Atsaka, bakit ngayon ka lang? 1:15 na! You're 15 minutes late, Ms. Miranda." Ay naku! Sarap sakalin nitong babaeng 'to. Sakit niya sa bangs, infairness.

"I'm sorry, Sir. Na-traffic po kasi kami ni Ivan." Nakayukong sambit nito habang nilalaro-laro ang mga daliri. Mapagtripan nga 'tong babaeng 'to. Pinaghintay mo 'ko, pwes humanda ka.

Unti-unti akong lumapit sa kanya, at kahit nakayuko siya ay alam ko na nakikita niya ang paglapit ko sa kanya... and voila! Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Hahahaha!

"A-ah s-sir? B-bakit po?" Kinakabahang sambit nito habang paatras siya ng paatras.

"Alam mo bang kanina pa kita hinihintay dito?" Sambit ko habang palapit ng palapit sa kanya.

Ang sarap pa lang pagtripan ng bababeng 'to. Ayan na! Namumutla na siya mga bes, hindi niya na alam kung paano siya makaiiwas sa paglapit ko. Well, serves you right, girl.

"Sh*t" mura niya ng lumapat na ang kanyang likod sa aking glass wall. Dagdagan kaya natin ng konting panlalandi?

"Are you aware that you are beautiful when you're scared?" Nakangising sambit ko sa kanya. Gusto kong sumuka ng sabihin ko 'yon, pero pinigilan ko.

"P-po?" Nauutal na sambit ng nito sa akin.

Unti-unti kong nilapit ang aking mukha sa kanya, kunwari lang naman na hahalikan ko siya. Like duh! Babae rin po ako, mga bebe! Nang biglang...

F*CK SH*T!!!

Her lips crashed against mine. Damn! What to do!? My, ghad!! Mababaliw na yata ako.

This can't be! Pero, anong gagawin ko? Nagugustuhan ko na ang lambot ng labi niya. My lips were about to move when she suddenly pushed me...

"I'm sorry, Sir Angelo. It's my fault." Sambit ng dalaga, at mabilis na nilisan ang opisina.

WHAT THE HELL JUST HAPPENED!?

D*MN! MY FIRST KISS!

Wala na. Wala na ang first kiss ko! Ang tanga ko. Hindi dapat ako nagpadala sa simpleng halik ng isang babae. Bakla ako. Simula pagkabata ay alam ko na bakla ako. Ilang beses na rin akong nagkaroon ng boyfriend, pero bakit ganito? Bakit nagustuhan ko yung lambot ng labi niya? Bakit parang may mga paruparo akong naramdaman sa aking tiyan? Bakit nanuyo ang mga lalamunan ko?

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon