Visitor

119 8 0
                                    

Visitor
by vanunulat

Binuksan ko ang libro sa pahina kung saan ako tumigil kagabi pero muli ko rin itong sinara nang may marinig akong kumakatok sa pinto ng bahay. Napakamot ako sa ulo at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Tinungo ko ang pinto para tingnan kung sino ang tao.

“Jimboy?” sambit nang makita ko ang four years old kong pamangkin na siyang bumungad sa akin.

“Tita!” tuwang-tuwa niyang sigaw at yumakap sa akin.

Pumiglas siya sa yakap at ngumuso sa akin. Kumirot bigla ang puso ko sa ginawa niya. May taong sumagi sa alaala ko na palagi ring nakanguso. Naupo ako sa harapan niya para pumantay ako sa kanya. Nginitian ko siya at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Palagi ko siyang pinanggigigilan dahil sa sobra niyang taba at cute.

“What are you doing here? And who brought you here?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“I’m here because I want to see you,” nakangiti nitong sagot. “Dad brought me here but he left right away,” dagdag niya pa.

Minsan may pagkasira-ulo itong si Kuya. Iiwan lang basta-basta ang anak niya sa tapat ng bahay. Hindi man lang nagpakita sa akin. Naku! Palagi niya na lang binibigay sa akin ang responsibilidad niya sa kanyang anak. Palagi niya na lang akong ginagawang babysitter. Mabuti man lang kung binibigyan niya ako ng sweldo.

“Let’s go inside,” sabi ko.

Kinuha ko ang maliit na backpack niya at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya sa loob ng bahay. Pinaupo ko siya sa sopa at ako naman ay naupo sa tabi niya. Binuksan ko ang backpack niya at tiningnan kung ano ang laman. Dalawang shorts at T-shirts na pamalit at face towel.

Tiningnan ko si Jimboy na ngayo’y abala sa pagkain ng Stick-O at makahulugang tinititigan ako. Parang may kakaiba ngayon sa batang ito.

“Why are you staring at me? Do you want something?” tanong ko sa kanya. “Come on, tell tita.”

“I want a hug.”

Napangiti naman ako sa sinabi nitong cute na pamangkin ko. Binuhat ko siya at pinaupo sa kandungan ko.

“Ay, sus! Naglalambing naman itong baby ni tita.”

“Sige na, hug tita.”

Niyakap niya ako nang mahigpit. Pinakawalan ko siya sa aking yakap nang ilang sandali pero nanatili siyang nakaupo sa kandungan ko. Pinagmasdan ko lang siyang kumain ng Stick-O.

Sobrang cute talaga nitong anak ni Kuya. Nagtataka nga ako kung saan nagmana ito. Hindi naman kamukha ni Kuya or kahit ng asawa niya.

Sa sobrang cute nga nitong pamangkin ko, gusto na namin siyang ampunin ng fiancé kong si Luis noong nabubuhay pa ito. Close kasi sa amin ni Luis itong si Jimboy.

“Did you miss Kuya Luis?”

Napunta ang atensiyon ko kay Jimboy dahil sa tanong niya. Malungkot akong napangiti.

“Yes. I always missed him.”

Hinawakan ni Jimboy ang pisngi ko. Parang naramdaman kong hinawakan na rin ako ni Luis.

"Tita, don't be sad na. I'm sure kuya Luis is already in heaven with God. I know he's happy there." Sabi niya. "I think kuya Luis would be sad if he sees you sad so smile tita Loraine. Show kuya that you're happy so he could be happy too."

"Yes, sir." Sabi ko at pinakita sa kanya na masaya ako.

* *

Sumapit ang gabi, hindi pa rin bumabalik si kuya para kunin si Jimboy. Kapag ganito ang nangyayari, isa lang ang ibig sabihin niyan, dito muna sa akin matutulog si Jimboy.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon