Familial Love

80 3 0
                                    

This one-shot is published under KM & H Black Paper Forest Publishing House for Family Anthology.

-

Familial Love
by vanunulat

"Myca, papasok ka na ba, anak?" gulat na tanong ni Mama nang makasalubong ko siya sa pintuan ng bahay.

"Opo." Tiningnan ko si Mama nang maigi. Nakapustura siya at nakasuot ng masagwang pananamit na hindi niya naman gawain. Parang wala siyang asawa at anak kung tingnan. "Saan ka galing, Ma?"

Napansin ko ang pag-aalangan niya sa pagsagot. Hindi ko siya maiwasang pagdudahan dahil sa mga napapansin ko nitong mga nagdaang araw.

"May binili lang." Itinaas niya ang hawak na supot saka pilit ngumiti. "Ang Papa mo?"

"Nasa loob po, tulog pa."

"Gano'n ba? Sige, pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase," aniya saka dumukot ng pera sa kanyang wallet. "Baon mo."

Matapos makuha ang singkuwenta ay naglakad na ako pero ilang hakbang pa lang ay napahinto ako at tinawag si Mama.

"I-remind lang po kita sa bayaran namin sa field trip. Bukas na po ang deadline no'n."

"Sige, 'nak. Susubukan kong bigyan ka bukas bago ka pumasok."

"Sigurado po 'yan, ah? Gusto ko po talagang sumama." Tumango siya. "Saka, Ma, next week na ang birthday ko. Yung sinabi ko sa 'yong hihingin kong pera para sa pa-birthday treat ko sa mga kaibigan ko at yung bibilhan mo ako ng cell-"

"Anak, baka hindi ko matupad ang mga 'yan. Kailangan kasi natin ng pera para sa gamot ng Papa mo at sa araw-araw nating pangangailangan."

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig ko. Nakapangako na ako sa mga kaibigan ko kaya hindi pwedeng hindi 'yon matuloy. Mapapahiya ako sa kanila.

"Ma!" Hindi ko napigilang mapasigaw sa inis. "Hindi ka sana nangako kung hindi mo naman pala tutuparin!"

Inis akong umalis ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Mama pero hindi na ako nag-abala pang pakinggan at harapin siya.

"Miss Abella, alam mo naman na bukas na ang last day ng bayaran sa field trip 'di ba?"

"Opo. Bukas ay magbabayad na po ako," sabi ko nang kausapin ako ng guro namin tungkol sa field trip. "Nakalimutan ko po kasi sa bahay yung pera."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Nakakapagod maging mahirap. Hindi agad ako makabayad sa mga bayarin sa school. Hindi ko mabili ang mga gusto kong bilhin. Hindi ko magawa ang lahat ng gusto kong gawin.

"It's Myca's birthday next week!" wika ng kaibigan kong si Cherry bago tumingin sa akin. "Yung libre mo sa amin, huwag mong kalimutan."

"Saan tayo kakain, Myca? Saka manood rin tayo ng sine!" sabi ng isa ko pang kaibigang si Aubrey.

Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila. Paano kaya kung hindi talaga ako mabigyan ni Mama ng pera?

Problemado akong umuwi. Gabi na nang makarating ako. Sumalubong sa akin sina Mama at Papa na kumakain ng hapunan. Agad nila akong inaya kaya nakisalo na ako.

"Kumusta ang pag-aaral mo, Myca?" tanong ni Papa habang sinusubuan ni Mama dahil bulag ito.

"Ayos naman po."

"Anak, tungkol sa field trip mo, makakabayad ka na bukas," wika ni Mama.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain, inalalayan ni Mama si Papa papunta sa kanilang kwarto habang inasikaso ko namang hugasan ang mga pinagkainan.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon