Carnival

22 2 0
                                    

Carnival
by vanunulat

"Gosh! You're turning nineteen this year pero takot ka pa rin sumakay ng roller coaster?" sabi ni Geann.

"Huwag ka nang matakot, Kah. You only live once kaya dapat mong subukan ang iba't ibang adventures ng buhay," pamimilit ni Aimee.

"Guys, huwag niyo na siyang pilitin kung ayaw niya talaga. Tayo na lang tatlo ang sumakay ng roller coaster," wika ni Thea.

"Are you sure, Kah? Ayaw mo talagang sumama sa amin?" paninigurado ni Geann.

"Oo nga. Ayoko talaga sa roller coaster," sagot ko. "Sige na, kayo na lang. Hintayin ko na lang kayo rito."

Hindi na nila ako pinilit pa. Umalis na sila at nagpunta sa ticket booth para sa roller coaster. Nang mawala na sila sa paningin ko, napatingin ako sa paligid. Nagsimula akong maglakad-lakad. Maglilibot muna ako rito sa carnival para hindi ako mainip sa paghihintay sa tatlo.

Malaki itong carnival. Maraming klaseng rides at booths kaya maraming taong dumadagsa simula nang magbukas ito.

Kung saan-saan ako dinala ng mga paa ko. Masyado akong nawiwili sa mga nakikita't nadadaanan ko pero may isa na talagang nakaagaw ng aking pansin. Napahinto ako sa isang nakataklob na tolda.

"Hi, Miss!"

Gulat akong napalingon sa likuran ko kung saan may nagsalita bigla. May isang babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko at sa tingin ko'y kapareho kong edad. Nakasuot ito ng itim na dress na sumasayad sa sahig at pulang sumbrero.

"Halina't subukan mo ang kakaiba at exciting naming game!" wika nito.

Napailing ako. "Ay, hindi. Napadaan lang ako."

Lumapit sa 'kin ang babae at nabigla ako nang hawakan niya ako habang nakangiti. "Naku, Miss! Ang swerte mo dahil ikaw ang pinakauna naming customer kaya walang bayad ang paglalaro. May naghihintay pa sa 'yong malaking papremyo!"

"Sorry, hindi talaga ako interesado." Akmang maglalakad na ako paalis pero pinigilan niya ako.

"Fifty thousand ang pwede mong makuha kapag nanalo ka," panghihikayat nito.

"Fifty thousand?!"

Ngumiti ang babae saka tumango. "Amazing, right?"

Napaisip ako. Kung totoo man ang sinasabi niya, tamang-tama! Kailangan na kailangan ko ngayon ng pera para sa aking matrikula. Nakakahiya na rin sa school dahil nakailang promisory note na ako. Ilang beses na rin akong siningil ng accounting office na magbayad.

"Ano bang laro?"

Ngumiti ang babae at hinayaan kong akayin ako nito papasok sa loob ng nakataklob na tolda. Pinagmasdan ko ang paligid nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Malawak ang lugar pero isang mesa at upuan lang ang kagamitan. At bukod sa pintong pinasukan namin, may nakita pa akong itim na pinto.

"Simple lang ang mechanics ng laro. Kailangan mo lamang pasukin 'yang pinto. Sa pagpasok mo, may nag-aabang na pagsubok at habang hinaharap mo ang pagsubok, kailangan mong maghanap ng susi para makaalis sa lugar na 'yon. Kapag nakabalik ka rito, panalo ka."

Napakunot noo ako. Ano'ng ibig niyang sabihin kapag nakabalik ako? Bakit? Imposible bang makabalik pa ako rito?

"Handa ka na bang maglaro?" nakangiting tanong nito.

"Yeah,"

"Kung gayon, pumasok ka na," sambit nito at ikinumpas ang kamay sa pinto na tila binibigyan ako ng go signal na pwede ko na itong pasukin. "Good luck!"

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now