Rewrite the Stars

67 6 0
                                    

Rewrite the Stars
by vanunulat

Nanigas ako sa kinatatayuan at napanganga sa gulat nang biglang lumuhod sa harapan ko si Harold habang hawak nito ang maliit na kahon na kinalalagyan ng isang napakagandang singsing. Ngumiti siya sa akin sabay sambit ng mga katagang hindi ko inaasahan.

“Roan, will you marry me?”

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Masyadong biglaan ang pag-alok niya sa akin ng kasal. Hindi ko inakala na kaya niya ako sinundo kanina sa bahay at dinala rito sa matarik na lugar kung saan kitang-kita ang maliwanag na siyudad at mga bituin ay para mag-propose sa akin.

“Harold, hindi ba masyado pang maaga para sa bagay na ‘to?” tanong ko.

Kumunot ang kanyang noo at tumayo sa pagkakaluhod. Parang hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot ko sa tanong niya. I can see confusion in his eyes.

“Nasa tamang edad na tayo, Roan. Pitong taon na rin tayong magkarelasyon. Bakit nag-aalinlangan ka pa?” aniya. “Yung totoo, mahal mo ba talaga ako?”

“Aba, syempre, mahal na mahal kita pero hindi pa ako handang magpakasal. May mga pangarap pa akong kailangang tuparin.”

“Hindi ba pwedeng tuparin natin ‘yan nang magkasama?”

Napakagat ako ng labi. Paano ko ba ipapaliwang sa kanya? God knows how much I love him but I’m not yet ready to get married. Gusto ko munang tuparin ang mga pangarap ko. Baka kasi hindi ko na matupad ang mga ito kapag nag-asawa na ako.

Para sa akin, kapag nagpakasal ang isang tao, kahit ayaw niya, kailangan niyang isuko ang mga pangarap niya dahil may responsibilidad na siyang dapat gampanan. At ayaw ko ‘yon mangyari. I want to pursue my dreams. Matagal ko nang pangarap magkaroon ng sariling libro at maging kilalang manunulat. Hindi pwedeng isuko ko na lang ang pangarap ko.

“Sorry, Harold. Hindi ko matatanggap sa ngayon ang inaalok mo.”

He gave me a weak smile which broke my heart. Hindi ko gustong saktan at tanggihan ang inaalok niya dahil mahal ko siya at gusto ko rin siyang makasama habang-buhay pero hindi pa talaga ito ang tamang panahon.

Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga bago lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Napapikit ako nang hagkan niya ang noo ko. Ilang sandali kaming nasa gano’ng posisyon.

“Naiintindihan ko kaya hindi kita pipilitin,” mahinahong sabi niya. “Basta tandaan mo na mahal na mahal kita at hihintayin ko kung kailan handa ka na.”

After leaving those words to me, I never see him again. Nabalitaan ko na lamang na pumunta siya ng ibang bansa at doon nagtrabaho. Masakit. Akala ko maghihintay siya but he left without saying goodbye to me. He left me heartbroken.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Kahit nawala ang pinakamamahal kong lalaki, pinagpatuloy kong tuparin ang pangarap ko sa larangan ng pagsusulat. Nakaranas ako ng maraming criticisms, rejections at sandamakmak na challenges pero hindi ako sumuko. Nagpatuloy pa rin ako. Wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko.

I failed many times but I tried again and again. I never get tired trying. And all my efforts were paid off eventually. Sa kabila ng maraming pagsubok, natupad ko ang matagal kong pinapangarap. All things do really happen to those who wait and good things come at the right time.

“Miss Roan, ready na po ba kayo?” tanong ng isang staff.

Malapad akong napangiti. “Matagal na po akong ready.”

Ngumiti ito at inaya na ako palabas. Iginiya ako nito papunta sa event area kung saan gaganapin ang first fanmeeting and booksigning event ko. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi habang tinatahak ang daan. This is it!

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon