Chapter 15 "Be Close"

55.3K 2.8K 918
                                    

Hindi ko alam kung bakit tila ba napakatulin ng araw. Araw na naman muli ng linggo at ngayong araw ang napag-usapan namin ni Frost na ire-record na namin ang aming kanta.

Pero ang masaya dito ay hindi ako ginalaw ni Frost last week. No contacts, walang pambibwisit maski yung unggoy niyang kaibigan na si Jiroh. Talagang nakapag-focus ako sa pagsasanay mag-gitara.

Pagkakain ko ng almusal ay napatingin ako sa sapatos na ibinigay sa akin ni Henry. Ewan ko ba! Sa paningin ko ay eto na ang pinakamagandang black shoes na nakita ko. "May dumi." Wika ko at tumakbo ako para kumuha ng basang basahan at punasan ang dumi.

Kinilig pa ako sa sapatos bago tumungo sa C.R upang maligo. Habang nagbibihis naman ako ay narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nakapatong sa table.

8:00 am sharp. You know where to find me.

Hanggang sa text talaga ay ramdam na ramdam ko ang pagsusungit ni Frost. Mabilis ko naman isinukbit ang guitar case sa aking likod at mabilis akong lumabas upang tumungo sa kanya. To be honest, nae-excite ako para sa recording na aming gagawin this day. First time kong makakapasok ng isang recording studio. Hello! Every aspiring singer ay pangarap makapasok sa lugar na iyon.

Dali-dali akong tumakbo tungo sa music department-- it was Frost's hideout. Hindi ko alam kung bakit paborito ni Frost ang lugar na ito, wala naman akong makita na espesyal dito. Pero oh well, bihiral lang ang nadadaan na tao at sikat si Frost... Baka umiiwas langsiya sa maraming bilang ng tao.

Binuksan ko ang pinto ng music room na tinatbayan ni Frost at nakita ko siya na binabasa ang lyrics na ginawa namin. "Frost." Pagtawag ko sa kanya, he jyst stare at me coldly. "Ano magsisimula na ba tayo?"

"Yeah we will start later but first," Nagulat ako ng biglang ihagis ni Frost yung mp3 niya kasunod ang paghagis niya ng earphone. Jusko! Apple pa naman 'tong mp3 niya? Paano na lang kung hindi ko iyon nasapo? "Gumawa ako ng demo for our song. Listen to it carefully so that makabisa mo yung tune. Then we will divide the part at doon pa lang nating sisimulan ang recording."

Wala na akong nagawa because he's using his authoritative voice. "Excited na ako."

"And one more thing Betty, I'm a perfectionist at ayokong maraming pagkakamali while doing the studio version of our song."

Lumabas lang sa tenga ko ang bawat salitang sinabi ni Frost dahil sa excitement. Dali-dali kong isinalpak ang earphone sa magkabila kong tenga at sinimulang pakinggan ang boses ni Frost. His voice was really good, it the same voice na hinangaan ko mula sa kanya.

Wala pa mang instrumental background ay ramdam kong sad song ito. Sa kanta kasi namin ni Frost ay para kaming nagkukwento ng isang love story ma sobrang ganda ng simula but not ended up happily, yung mga masasayang pangyayari ay isang memories na lang.

Tatlong beses kong pinaulit-ulit ang demo ni Frost at kahit papaano ay saulado ko na ang tune. Nakatahimik lang sa isang tabi si Frost habang sinusubukang tumugtog ng piano para nga sa studio version. "Marunong ka pa lang mag-piano?"

Napatigil sa pagpindot si Frost. "I'm not talentless like you, Betty."

"Grabe ka sa akin! Marunong na kaya ako mag-gitara at kahit papaano ay may nakita naman akong inprovement sa boses ko--"

"You're still annoying Betty. That's the reason why I don't contact you for a week! You're damn noisy!" Sabi niya at ibinagsak ang kamay sa piano dahilan ng pagtunog ng ilang keys. "I'm trying to focus here okay?"

I just zipped my mouth at pinakinggan ang pangangapa ni Frost sa piano upang makabuo ng melody. Tinignan ko ang lyrics na papel ni Frost. "Wala ka pang naiisip na title?"

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon