Chapter 50 "Finals Announcement"

41.7K 1.9K 247
                                    

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang door bell ng aking room. Ang aga-aga naman nambubwisit, akala ko ba ay hindi ako pupuntahan ni Dela Torre dahil puspusang praktis sila ngayon? Gosh! Yari sa akin 'tong lalaki na 'to.

Kumamot ako ng ulo at naglakad papunta sa pinto. Pinagbuksan ko ito, "Dela Torre ano na naman--"

Tinignan ako ni Frost mula ulo hanggang paa. Mabilid kong isinara ang pinto. "Hey, Betty! Wait!"

Sumandal ako sa pinto at nagbigay ng buntong hininga. Anong ginagawa niya rito? "Frost wait lang! Wait lang talaga! Give me five minutes!" Malakas kong sigaw.

Pinulot ko ang mga basurang nakakalat sa kwarto at naghilamos na rin ako. Kung si Dela Torre ang pupunta, okay lang dahil sanay naman siya na makitang ganyan karumi ang kwarto ko, minsan nga ay siya pa ang naglilinis. Ibang kaso si Frost, ewan ko... Nahihiya ako sa kanya.

Nagbitaw ako ng buntong hininga bago ko muling buksan ang pinto. Tumambad sa akin ang bugnot na mukha ni Frost. "Sorry, inayos ko pa ang sarili ko. Bakit ka napadaan?"

"You forgot? 'Diba nagpapasama ako sa'yo mag-mall ngayon." Shit! Nawala sa isip ko 'yon. In the past days kasi ay nagri-research ako on how to play saxophone. We need to perform a song next week.

"S-syempre hindi ko iyon nakalimutan. Hindi ko lang in-expect na susunduin mo ako, pasok ka." Pumasok siya sa loob at inikot niya ang kanyang paningin sa buong condo.

"Hintayin mo na lang ako diyan, maliligo lang ako. Kapag nauuhaw ka may tubig sa fridge or kung gusto mong magkape mayroon din diyan." Sabi ko at isinukbit ang tuwalya sa aking katawan.

"Dala mo pa rin pala 'tong manika na ito rito." Napangiti siya habang pinagmamasdan si Lamig na nakapatong sa ibabaw ng upuan.

"Bakit ko naman iiwan si Lamig sa dorm eh regalo mo siya sa akin, wait lang ah. Maliligo lang ako."

Saglit akong naligo at nakaabang naman agad sa akin si Frost sa labas. "Bakit ang iksi ng short na suot mo?" He asked.

"Maiksi? Hanggang tuhod nga 'to. Ang init sa labas." Nasabi ko na lang habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya. Bakit ba bigla na lang niya pinansin anh suot ko? Ang jeje ba ng porma ko?

"Magpantalon ka." He declared at napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Seryoso siyang nakatingin sa akin at ayokong makipagtalo ngayong umaga lalo na't minsan lang naman kami nagkakasama ni Frost dahil parehas na kaming busy.

"Okay fine. Hintayin mo na lang ako sa labas." Sabi ko at pumasok sa kwarto ko upang doon magbihis.

***

Nandito na kaming dalawa ni Frost sa loob ng mall, nakasuot pa rin siya ng nose mask dahil kahit wala na sa Music Academy si Frost ay sikat pa rin naman siya. Nagpapasama siya sa akin bumili ng bagong damit at sapatos.

"Kamusta ang pagre-review mo Frost?" I asked on him habang naglalakad kami papunta sa Department Store.

"So far so good. Kaso nga lang medyo nahihirapan ako sa iba." He opened up. Natutuwa na ako ngayon sa ugali ni Frost, talagang pinagkakatiwalaan na niya ako kasi nagkukwento agad siya sa problema niya. He is a better version of Frost at mas gusto ko iyon.

"Sinabi ko naman sa'yo pwede kang magtanong sa akin, willing akong tulungan ka." Suhestiyon ko at pumunta kaming dalawa sa damit ng mga lalaki.

"No. I know na nahihirapan ka rin sa pag-aaral sa Music Academy. Mag-focus ka lang doon and same as mine." Seryoso niyang sabi. "Sa tingin mo, anong bagay?"

Napatingin ako kay Frost at napangiti. He still care for me kahit malayo na kami sa isa't-isa at ayaw niya pa rin na dumedepende sa ibang tao kahit na nag-o-open na siya.

Music AcademyWhere stories live. Discover now