Chapter 6

2.3K 60 4
                                    

CHAPTER 6 - Marry Me

Janelle's POV

"Ang ganda-ganda naman po ng buhok mo, Miss Janelle." sabi ni Caramel habang sinusuklay niya ang buhok ko. Katatapos lang nila akong paliguan. Binigyan nila ako ng matinding body scrub, hanggang ngayon nga ay nararamdaman ko pa rin ang srub sa balat ko at pakiramdam ko ay natutuklap ang bawat balat ko.

Nililinisan naman ni Hershey ang mga kuko ko sa paa.

"Bakit niyo ba ako mine-make over?" tanong ko sa kanila.

"Darating po kasi si Sir Gregory Ayala mamaya. Utos po ito ni Ma'am Mina. Dapat ay magmukha kayong presentable mamaya." sagot ni Lenny habang siya at nakatingin sa isang magazine na naglalaman ng mga magagandang damit.

"Bakit, hindi ba ako mukhang presentable?" tanong ko ulit.

"Naku, hindi po iyon ang ibig kong sabihin, Miss Janelle. Ang ibig ko pong sabihin ay dapat mas maging presentable kayo tingnan."

Tumango nalang ako at hinintay na matapos ang bawat seremonyas na ginagawa ng tatlong babaeng ito.

"Nakakatakot ba si Sir Gregory Ayala?" tanong ko kay Lenny habang inaayos nila ang pinili kong kulay blue na dress. Ipinagpipilitan pa ni Lenny na doon nalang ako sa magazine pumili pero hello? Ano namang use ng mga dress dito sa malaking walk-in closet na ito kung hindi ko gagamitin.

"Istrikto kasi siya kaya madalas napagkakamalang masungit. Pero mabait naman sila basta ba makuha mo ang tiwala niya. Ayaw niya rin sa mga bastos at walang modo." paliwanag ni Lenny.

"Ganun ba? Kung mabait naman pala si Sir Greg at si Ma'am Mina... Kanino nagmana ng ugali si Gian?" tanong ko.

Nabigla silang tatlo pero sabay na humagikhik sina Hershey at Caramel. Habang si Lenny ay nakamasid lang sa amin.

"May nakakatawa ba sa tanong ko?" tanong ko sa kanila.

"Nakakatuwa po talaga kayo, Miss Janelle. Napansin niyo rin pala ang kasungitan ni Young Master."

"Sino ba namang hindi makakapansin doon? Ni hindi nga ata siya marunong ngumiti ng totoong ngiti talaga, puro ngiting aso siya. Tss."

"Ganun lang po talaga siguro si Young Master dahil simula pagkabata ay kontrolado ng mga magulang niya ang buhay niya. Kahit ako, kung ako ang nasa lugar niya ay magiging miserable pa rin ako."

"Kontrolado?" tanong ko.

"Opo-" sagot ni Hershey.

"Sssshhhh! Ano ba kayo? Tama bang pag-usapan ang ibang tao?" sermon ni Lenny sa dalawa.

"Sorry." sagot ko.

"A-ah... Hindi po kayo ang tinutukoy ko, Miss Janelle." sagot niya.

"Hindi. Ako naman ang nag-open ng topic." sabi ko. "Wag kang mag-alala, sa susunod, iisipin kong mabuti ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Nakakahiya."

Ngumiti si Lenny sa akin at sa wakas ay tapos na nila akong bihisan. Tiningnan ko ang sarili ko sa human-sized na salamin.

"Whoa... Ako ba talaga yan?" tanong ko.

"Opo! Ang ganda-ganda mo, Miss Janelle!" sabi ni Caramel.

"Salamat."

*

Lumabas ako ng kwarto at nag-ikot-ikot. Hindi pa rin ako pamilyar sa bawat daan at pasikot-sikot dito sa mansyon na ito. Una ay sinilip ko ang kwarto ni Gian pero mukhang wala naman siya doon.

Pagkatapos siguro ng ilang minutong paghahanap ng daan ay nakababa rin ako sa first floor. Pagod na pagod agad ako sa paglalakad dahil ano ba naman, naka-heels ako! Hindi ako sanay sa ganitong pananamit. Hindi rin ako mapakali sa suot kong dress na hanggang taas ng tuhod ang haba.

Help Me BreatheDove le storie prendono vita. Scoprilo ora