Chapter 17

2K 52 10
                                    

CHAPTER 17 – Rest House Namin



Gian’s POV

Nakasakay ako sa itim na Volkswagen habang nasa tabi ko ang brief case na naglalaman ng 1 million. Naiirita ako tuwing naiisip ko kung gaano ko kamahal si Monique. Naiinis ako dahil nagpaka-tanga ako sa isang babaeng inakala kong tanging nagmamahal sa akin. Yun pala, pinapaikot niya lang ako.

Si Janelle kaya, nasaan siya ngayon? Inakusahan ko pa siya noon na siya ang nagsumbong kina Daddy ng tungkol sa pag-propose ko kay Monique, yun pala wala talaga siyang kasalanan kasi si Monique rin mismo ang nagsumbong. Ang dami-dami kong kasalanan sa kanya. Natawag ko siya ng mga masasakit na salita noon. Sa kanya ko ibinubunton lahat ng galit ko kahit na wala siyang ginagawang masama sa akin.

Siguro kaya ako naiinis sa kanya dahil nakikita kong masaya siya kahit na wala na siyang mga magulang at kahit na mag-isa nalang siya, nagagawa pa rin niyang ngumiti. Kahit na napakasama ng pakikitungo ko sa kanya, naging mabuti pa rin siya sa akin. Siguro naiinis ako sa kanya dahil naiinggit ako sa kanya. Masaya siya kahit na wala siyang kahit na ano, samantalang nasa akin na ang lahat pero malungkot at galit ako sa mundo. Nasaan na kaya siya?

“Young master, nandito na po tayo.” Sabi ng isang butler pagka-hinto ng sasakyan sa parking lot ng isang Chinese restaurant kung saan naghihintay raw si Monique.

Tumango ako at saka kami bumaba ng kotse. Apat na butler ang kasama ko, ang isa ay driver. Hawak ng isa ang brief case at maingat kaming dumaan sa back door ng restaurant. Kilala raw ni Daddy ang may-ari ng restaurant na ito kaya dito na rin ang daw ang meeting place nila ni Monique tuwing bigayan na ng pera simula pa noong umpisa. Mukhang pera talaga ang babaeng yun.

Pumasok kami sa isang VIP room at agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Parang kumulo bigla ang dugo ko nang makita ko siyang nakaupo doon at hinihintay kami, hinihintay ang pera niya. Huminga ako nang malalim saka dahan-dahang pumasok. Naunang pumasok ang mga butler.

“Akala ko naman, hindi na kayo pupunta! Ang tagal niyo ha-”

“Ito na ang pera mo.” Ibinagsak ko ang brief case sa harapan niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Ayoko sanang maging malupit sa kanya pero naiirita talaga ako at hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nailalabas ang lahat ng nandito sa loob ko.

Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita niya ako.

“Ayan na ang pera mo!” ulit ko sa kanya.

“G-Gian...” tawag niya sa akin at nakita ko kung paano nagtubig ang mga mata niya.

“Huwag mo na akong dramahan. Ayan na yung pera mo. Yan lang naman ang habol mo sa akin, diba?” Binuksan ko ang brief case at ibinuhos ang pera sa harapan niya. “Ayan na yung pera mo! 1 million! Masaya ka na ba, ha?!”

Humagulgol siya sa harapan ko.

“Huling beses na ito na magkikita tayo, Monique. Huling beses na rin ito na makakakuha ka ng pera mula sa amin. Huwag ka nang magkakamaling magpakita sa akin dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo kapag nakita ko ulit yang mukha mo.” Shit yan, mukhang anghel pero demonyo pala sa loob. Patunay lang na wala talaga sa panlabas na anyo ang tunay na pagkatao ng isang tao.

Help Me BreatheWhere stories live. Discover now