Chapter 19

2K 58 6
                                    

CHAPTER 19 – Ayan si Troy

Janelle’s POV

Naglalakad ako sa corridor ng school nang bigla kong makasalubong si Gian. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong nagpanic dahil hindi dapat ako magpakita sa kanya. Tatakbo na sana ako palayo pero bago pa man ako makatalikod ay tinawag at nilapitan na agad niya ako.

“Bakit ka nandito?! Di ba sabi ko, huwag ka nang magpapakita?!” sigaw nito sa akin.

Wala pang ibang tao dito sa building kaya nagagawa pa niyang sumigaw ng pagkalakas-lakas sa harapan ko.

“K-kasi... Gian...”

“Bzzzzzzzzzz! Bzzzzzzzzz!” sabi nito.

Lalo akong nagpanic dahil hindi salita ang lumalabas sa bibig niya kundi kakaibang tunog. Parang tunog ng... doorbell?!

Agad akong napabalikwas at na-realize kong panaginip lang pala iyon. Mabilis akong tumayo dahil walang tigil ang pagtunog ng door bell. Humihikab akong pumunta sa pintuan para buksan yun. Laking gulat ko nang makita ko si Troy na nakasuot na ng uniform.

“Bakit hindi ka pa nakabihis? Anong oras ka papasok?” kunot-noong tanong niya sa akin.

Napapikit ako nang ma-realize kong may pasok pala ngayon. Wala na ako ngayon sa rest house at hindi na ako pwedeng gumising sa kahit anong oras ko gusto. Bakit ba kasi ako hindi nakatulog ng maayos kagabi. Nakakainis na Gian kasi, hindi matanggal-tanggal sa isip ko!

“A-ano na bang oras?” tanong ko kay Troy.

“7:30 na. 8AM ang simula ng klase diba?” sagot niya pagkatingin niya sa kanyang relo.

“Naku. Mauna ka na sa school, Troy. Magkita nalang tayo doon mamaya, ha? Hindi ka pwedeng ma-late sa unang araw ng pasok mo sa school na yun.” Sabi ko.

Tumango naman siya. “Bilisan mo. Isang linggo ka nang absent tapos late ka pang papasok ngayon.”

“Oo. Bibilisan ko na.” nagmamadali kong isinara ang pintuan saka ako paktabong pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos. 7:50 na nang makalabas ako Vieda Tower, ang building ng condo na tinutuluyan namin ni Troy.

Medyo may kalayuan pa naman dito ang school na pinapasukan namin kaya walang duda. Late na late na talaga ako nito. Panay ang tingin ko sa relo ko habang naghihintay ako ng taxi na pwedeng sakyan. Laking gulat ko naman nang may putting Volkswagen na huminto sa harapan ko.

Mas nagulat ako nang bumaba doon sina Lenny at Caramel.

“Aaahhhhh!” sabay-sabay naming tili at talon saka kami nagyakapan. Bumaba ang bintana ng kotse at narinig ko ang boses ni Hershey doon.

“Wag muna kayong mag-reunion ngayon, late na si Miss Janelle sa school!” sabi nito.

“Oo nga pala!” sabi ni Lenny at dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng kotse para pasakayin ako. Sumakay siya sa front seat ako umupo naman sa tabi ko si Caramel.

“Teka, bakit kayo nandito? Bakit-” tanong ko sa kanila.

“Tumawag si Troy sa amin at sinabing late ka na sa school. Kagabi, sinabi sa amin nina Sir Greg at Ma’am Mina ang totoo at sinabi nila na kami pa rin ang inaatasan nila na magbantay sa iyo.” Paliwanag ni Hershey habang mabilis na pinapatakbo ang kotse.

“Itong kotseng ito ang magsisilbing service car mo, Miss Janelle!” dagdag naman ni Lenny habang abot tenga ang kanyang ngisi at nakatingin sa akin.

“Na-miss ka talaga namin, Miss Janelle.” Sabi naman ng katabi kong si Caramel.

Napa-ngiti lang ako at saka tumango. “Na-miss ko rin kayo, girls.”

Help Me BreatheWhere stories live. Discover now