Chapter 8

2.1K 62 12
                                    

CHAPTER 8 - Sleeptalk

Janelle's POV

Matapos ang heart to heart talk namin ni Gian ay nag-practice na kami nina Queenie para sa Dance Subject namin. Bukas na namin ipeperform yun, kasabay pa ng mga exam. Nakakabanas naman kasi eh!

"Handa na ang pagkain, Miss Janelle." biglang sumulpot sa kwarto si Lenny habang ako ay naka-dapa sa kama at nagrereview para sa exam namin bukas.

"Hindi ako kakain."

"Naku, hindi yun pwede."

Dahil nga busy pa rin ako sa binabasa ko ay hindi ko pinansin si Lenny.

"Kailangan mong kumain, Miss Janelle. Lalo na dahil nandoon sina Sir Greg at Ma'am Mina, pati si Young Master. Ikaw lang ang wala."

"HA?!" Napabalikwas ako saka ko na-realize na wala pala ako sa bahay at nasa bahay ako ng mga Ayala. Nasa mansyon ako ng mga Ayala at dapat kung gawin kung ano ang nais nilang gawin ko.

"Tayo na, Miss Ja-"

"Hala. Tara na. Dalian mo!" Hinatak ko si Lenny papunta sa Dining Room.

Bago pa man ako pumasok nang tuluyan ay inayos ko muna ang sarili ko at kumalma. Dahan-dahan akong naglakad at nandoon nga silang tatlo. Ako nalang ang wala.

Pa-VIP ka naman, Janelle!

Nagkwekwentuhan lamang si Ma'am Mina at Sir Greg habang si Gian naman ay naglalaro ata sa cellphone niya.

"Good evening po." Mahina kong sabi pero hindi naman super hina. Humarap silang tatlo sa akin.

"Maupo ka na, Janelle nang makakain na tayo." sabi sa akin ni Sir Greg.

Umupo na rin naman ako sa upuan ko, sa tabi ni Gian. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko na naman ang parang biyernes santong mukha niya. Lagi naman yang ganyan eh, hindi na ako nagulat. Nagsimula nalang kaming kumain.

"Exams week niyo, right?" tanong ni Ma'am Mina.

"Opo." sabi ko.

"Mag-aral kayong mabuti ha." sabi ulit niya. Napapikit ako dahil alam naman nating lahat kung gaano ako kahina sa school. Gaya nga ng sabi ni Gian, isa akong pasaway.

"Hindi niyo na kailangang i-remind sa akin yan, Ma. Baka kay Janelle." sagot ni Gian. Aba't...

"Bakit, Janelle? May problema ka ba sa school?" tanong ni Sir Greg. Ayan na ang hataw ng puso ko. Baka palayasin nila ako ngayon din kapag nalaman nila ang mga kagagawan ko sa school. Sana naman, please, huwag sabihin ni Gian.

"Kung nahihirapan ka sa subjects mo, magpaturo ka dito kay Gian." sabi ni Sir Greg.

"HA?" gulantang na sabi ni Gian sa Daddy niya.

"Naku. Hindi naman na po yun kailangan. Tsaka baka makaabala ako sa kanya." sabi ko.

"Oo nga." pagsang-ayon naman ni Gian.

Sandaling natahimik ang lahat. Pero bigla ring nagsalita si Sir Greg.

"Hindi. Itututor mo si Janelle, Gian. Para na rin maging close kayo sa isa't-isa. To tell you frankly, alam ko lahat ng standings and grades mo sa school, Janelle."

Nanlaki ang mga mata ko. Patay.

"Yes, I know everything." sabi ni Sir Greg. With emphasis pa yung everything. Napalunok nalang ako kasabay nun ang biglang paglapag ng kubyertos ni Gian kasabay ng pagtayo niya.

"Tapos na po ako." malamig na sabi nito.

"Itututor mo si Jane-"

"Alam ko na po yun. Mamaya. Itututor ko si Janelle. May kailangan pa ba kayo?" pagputol ni Gian sa sinasabi ng kanyang Daddy. Nang hindi umimik ang Daddy niya ay tuluyan na siyang umalis.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon