Chapter 18

2.1K 54 8
                                    

Sorry sa typo-errors.

-----

CHAPTER 18 – Si Gian na ang Bahala

Tahimik lang kami sa sala habang nagseserve ng merienda sina Nanay Eva. Hindi ako makatingin kina Sir Greg dahil hindi ko alam kung ano nang nangyayari. Wala na akong idea, kung galit ba sila sa akin dahil “umalis” ako o kung ano. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin.

“Pasensya na po pero naguguluhan po kasi ako.” Sabi ko sabay kamot sa gilid ng ulo ko. “Paano po... Sa inyo poi tong rest house?”

Tumango si Sir Greg at umupo naman sa tabi niya si Troy. Ako naman ay pabalik-balik lang ang tingin sa kanilang dalawa. Doon ko lang kasi nakuha na magkakilala silang dalawa.

“Oo, Janelle. Syempre, hindi kita pwedeng pabayaan. Hindi ka namin pwedeng pabayaan. Mabuti nalang at magaling itong si Troy. Mabuti nalang talaga at magkaibigan kayo at sa kanya ka humingi ng tulong.” Sabi ni Sir Greg. Hindi ako nakasagot. Ang daming tanong sa isip ko, tulad ng anong koneksyon ni Troy sa mga Ayala? Kamusta na si Gian? Sila na ba ni Monique? Okay na ba?

“Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng anak ko. Matigas talaga ang ulo ng isang yun.”

“Alam ko po.” Sagot ko. Parang gusto ko nang malusaw doon at mawala nalang dahil naalala ko na alam ni Troy ang lahat. At kung sinabi kong lahat, lahat talaga pati ang feelings ko kay Gian. Paano nalang kung sinabi niya iyon kina Sir Greg.

“Edi ibig sabihin po, kilala niyo itong sina Manang Eva?” tanong ko ulit kay Sir Greg.

“Oo naman. Itong si Manang Eva na sobrang sarap magluto, kilalang-kilala ko to!” sabi ni Sir Greg habang inaakbayan si Manang Eva na tumatawa naman.

Dahan-dahan akong tumango. Kaya pala hindi sila nagulat nang makita nila ako sa TV, maging nang sabihin ni Sir Greg doon na ikakasal kami ni Gian. Kaya pala wala silang mga tanong dahil alam nila. Bakit ba hindi ko nahalata yun?

“Eh si Troy po? Paano kayo nagkakilala?” tanong ko ulit. Itatanong ko na lahat! Litong-lito na ako sa mga nangyayari.

“Itong si Troy naman, isang napakabuting bata.”sabi ni Sir Greg. “Anak siya ng isa kong kaibigan na sa kasamaang palad, wala na. Katulad mo rin siya, Janelle, wala nang mga magulang. Bata palang itong si Troy nang makilala namin siya. Pinag-aral namin siya dito sa probinsya at dito siya lumaki kina Manang Eva. Isa siya sa mga malapit at mapagkakatiwalaang tauhan ng mga Ayala.”

Napatingin ako kay Troy na ngumiti naman sa akin. Pareho pala kami. Parehong-pareho.

“Oh, Janelle. Gusto mo na bang bumalik?” tanong ni Sir Greg sa akin.

“Po?”

“Syempre, isang linggo ka nang absent sa school. Kailangan mo nang bumalik.”

“Pero paano po si Gian?” tanong ko. Ang alam niya ay umalis ako. Hindi na ako magpapakita sa kanya eh. Parang hindi ata ako dapat bumalik.

“Hayaan mo na yun. Hindi ka naman sa mansyon titira. Doon ka sa isang condo unit na binili ko para sa iyo.”

“PO? Condo unit? Para sa akin po?” gulat na tanong ko.

“Oo. Doon sa condo nitong si Troy, yun nga lang sa ibang floor ang unit mo. Saktong-sakto dahil doon na rin papasok sa school ninyo ni Gian itong si Troy.”

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang. Sige nalang. Alangan rin namang umayaw ako, diba?

Sa pagdatin ni Sir Greg dito, marami akong na-realize na mga bagay. Unang-una, iyong mga damit at gamit dito. Sabi nila Manang Eva, sa kapatid raw yun ni Troy, yun pala, para sa akin talaga. Natatawa nalang ako kasi umalis ako para magtago, pero yung pinagtataguan ko yung tumulong sa akin magtago.

Help Me BreatheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora