Prologue

74 5 0
                                    


********

***
***************
Papalubog na ang araw may dalawang batang naglalaro sa ilalim ng isang  puno. sa tabi nito ay may isang malaking bato kung saan sila nakaupo.

"Hoy Ando!!! tutuparin mo yung pangako mo sa akin ah?" saad ng isang batang babae sa kausap niyang lalaki.

"oo nga Maring! bakit ba ang kulit mo!? Hindi ka ba naniniwala sa akin huh?! ako lang ang kumakausap sayo, kaya pag sinabi ko na proprotektahan kita... gagawin ko yun" sabay ngiti nito."sana ikaw rin...." saad naman ng lalaki sabay lingon sa kawalan at singhot ng sipon nito.

sumipol ang malakas ng hangin dahilan para mailipad ang piraso ng papel.

"ayt!! ayt!! Ando yung papel ko!!! *sniff* pinaghirapan ko pa naman yun eh!!" sabay dabog dabog ni Maring "Ando...." sabay iyak ng batang babae.

lumapit ang batang lalaki sa babae na kasalukuyang nagwawala sa iyak. "tama na Maring huwag ka ng umiyak....okay? papel lang yun... sa susunod mo nalang ako idrawing." sabi ng batang lalaki.

"Hindi Ando!! *sob* *sob* pinaghirapan ko na iguhit roon yung mukha mo na may uhog eh!!*sob* *sob* mahalaga yun para sa akin...." sabay iyak nanaman nito. wala ng nagawa ang batang lalaki kundi yakapin ang batang babae.

"Maring..... minsan may mga  bagay na pag nawala na hindi na kailangang hanapin pa.....Maring matakot ka kung ako hindi mo na maiguhit pa." pagkasabi ng batang lalaki sabay kumalma ang batang babae sabay kalas sa pagkakayap niya sa batang lalaki.

"Ando ano ba yang sinasabi mo? di na kita bati pag ganyan! Ando importante kasi talaga sa akin yun.. sige na nga iguguhit  nalang kita ulit... sa susunod na magkikita tayo" sabi  ng batang babae.

"tara na nga Maring dumidilim na baka pagkamalan pang pugad yang buhok mo" sabay lahad nito ng kanyang kanang kamay sa batang babae. Ngunit hindi ito nakaligtas kay Maring.

"Anong sabi mo pakiulit?!" banas na saad ni Maring

"ah wa-l-a wala! sabi ko tara na dumidilim na hehehe?" palusot nito. napakamot tuloy siya sa batok

"oo Ando uhugin!" sabay lahad ng batang babae sa batang lalaki ng kanya kamay.

habang magkasama silang naglalakad pauwi....alam ng batang lalaki na nakatingin parin ito sa puno. hindi niya alam kung bakit ganoon nalang kagusto ni Maring na makuha iyon. sadya bang gwapo siya kaya ganun nalamang ang asta niya? nakuha pa niyang magbuhat ng bangko ng ganoong lagay. pero tila nangangati rin ang kamay nito na kunin ang papel na yun. napatingin tuloy siya sa puno kung saan nakasalat ang papel.

napangiti nalamang ito at saka ibinaling ang tingin sa batang babae na kasama nya..

"magkita nalang tayo sa susunod na araw Maring buhaghag ang buhok!" biro nito sa babae

"Ando!!!!!!!" sigaw ng batang babae. kumaripas na ng takbo ang batang lalaki. alam niya kasing kapag nilait yung buhok niya ay gugulpihin siya nito "Maring paalam!" sigaw nitong tumatakbo habang may ngiti sa mga labi.

*******######$$*********

Ilang araw naghintay ang batang babae sa batang lalaki pero hindi parin ito dumadating kaya lagi nalamang itong malungkot. wala na siyang makausap sa kanilang paaralan o makalaro pag katapos ng kanilang klase. Hindi narin pumapasok ang batang lalaki.... labis niya itong ikinalungkot. Tila napako ang pangako nito sa kanya na proprotektahan siya sa mga batang nangloloko sa kanya.

Hanggang isang araw..... Hindi na nakayanan ng kanyang ina kaya ipinaalam na nito sa batang babae ang balitang sobrang kanyang labis labis na  ikinalungkot.

Naaksidente ang batang lalaki.... nalaglag sa isang puno at nabagok ang kanyang ulo sa bato. Kinailangang ipatingin ito sa isang magaling na doktor kaya biglaan din ang pag alis nila ng bansa patungong Amerika. In a state of  coma raw ito. at isang buwan naraw ang nakalipas nagising ito. Milagro raw ang nangyare dahil sa kaso ng bata baka abutin pa raw ng taon or worst ay hindi na siya magising pero, nawalan raw ito ng alaala.

Makaraan ang 9 na taon bumalik ang batang lalaki sa edad na 14  isa na siya ngayong sikat at gwapong lalaki sa kanilang paaralan at ang batang babae namay lumaki ng maganda sa kanyang sariling pananaw. lulan rin ng bumalik ang Lalaki laging nakalapit ang babae sa kanya pero ang masama itinataboy siya nito at binubully. Naging number one na ng bubully sa kanya yung dating batang lalaki na pinangakuan siya na proprotektahan subalit iba ata ang nangyari.

Nasabi na rin ni Maring na kababata siya nito subalit wala raw itong pakialam kung ganoon nga. Banas na banas ang lalaki tuwing nakikita niya si Maring at sa buhaghag nitong buhok. Hindi nawawalan ng pag asa si Maring kaya naman sumapit pa ang 4 taon nanatili itong nakamasid sa binata. kahit na pinagsasabihan na ito ng masama ay tila wala na itong pakialam pa. tuwing sasapit na  ang uwian 5:00 ng hapon ay kailangang naroroon na siya sa ilalim ng puno sa paaralan nila dun kasi ang perfect spot para pagmasdan niya ang lalaki at siyempre para iguhit ito. 4 years na ata niyang ginagawa.

Wala siyang sawang iguhit ang binata kahit na always present sa kanya ang trip and pranks ay okay lang sa kanya basta ba makita niya lang ang binata na masaya at maligaya ay okay na ito.

Pano kung siya na mismo ang magsabi na itigil niya na ang ginagawa niya? titigil na ba siya kahit na 4 na taon niya na itong ginagawa?

Pero pano kung sadyang masakit na?

Yung nakakamatay na?

Yung sabihin sayong walang halaga ang buhay mo kumpara sa kanila?

Yung ipagtabuyan ka dahil ikinakahiya ka?

okay pa ba?

tiis ganda pa ba?

kaya pa?

o

Hinto na kasi......

tama na kasi.....

suko na kasi....

ayaw na kasi.....

sadyang wala na

masakit na siya

mas masakit na siya

pinakamasakit na siya

sobrang sakit na.

Siya si Marie Bentura

Nagmahal

Nasaktan

Gumanda???!!!

o di siya na!!!!

Andito ka sa baba

Andun siya sa taas

May kasama siya

ikaw wala

Masaya siya sa piling ng iba

walastik! masaya ka parin?

"Minsan habang masaya ka kasama siya kahit na niloloko ka na,Tandaan mong may tao sa likod mo prumoprotekta sayo hindi kalang marunong lumingon"   "char!"
                               *maring*

**"""""*********

authors note.

so heto po ang next entry ko this 2017. basahin niyo po sana.

Until You Notice MeWhere stories live. Discover now