Pahina XVII

5.8K 114 0
                                    

Part XVII:

Start:


Kung may namana man si Clifan sa ama niya yun ay ang pagkakaroon nito ng nunal sa ibaba ng mata.

Pareho rin sila ng pag-uugali at kulay ng mata na kulay kayumanggi. May pagka isnabero rin ito.

Pero nakuha naman sa akin nito ang kulay ng balat. Halos porselana ang kulay namin dalawa hindi kagaya ni Jack na medyo lang.

Bata pa lang si Clifan pero malaking bata na ito.

"Mama, may papa po ba ako?" takang tanong ni Clifan habang nakatutok sa isang patalastas na ang pinapakita ay mag-amang naghahabulan.

"E-eh. Anak...."

"Clifan. Magdimpo ka na para makabagbihis ng pantulog," singit ni Nanay na kadarating lang.

Narinig siguro nito ang usapan namin dahil tiningnan ako ng makahulugan sa mata.

Hindi lingid sa kaalaman ni Inay na si Jack ang ama ni Clifan. Wala naman na akong magagawa kung magsinungaling pa ako. And besides alam ko naman na hindi na kami pagtatagpuin ni Jack. Baka pinagtagpo lang kami noon para maging leksyon sa akin.

At alam ko rin na walang pakialam sa akin si Jack. Baka nga pati si Clifan ipagtabuyan niya gaya nang ginagawa niya sa akin noon.

Isang dahilan kung bakit hindi ko gustong ipaalam kay Jack ang pagkakaroon namin ng anak dahil ayokong maranasan niya yung naranasan ko noon.

Ayokong masaktan si Clifan. Ayokong ipagtabuyan siya ng kanyang sariling ama.

Maya-maya lang ay nakapagbihis na rin si Clif bago dumating ang mga kapatid ko.

Sinalubong naman ni Clifan ng yakap kaya tuwang tuwa sila.

"Tito Sandro, nabili mo ba yung pinapasabi ko sayo?" tanong ng anak ko na nagpasalubong sa kilay ko.

"Anong pinapabili, Clifan?" medyo pagalit na tanong ko.

Nakita ko ang bahagyang pagtungo ng anak ko na nagpasikip sa dibdib ko. Gusto ko siyang suyuin pero ayokong masanay siya sa ganun.

"Andeng, nagpapabili lang ng bola si Clif.." pakiwanag ni kuya.

"Kuya naman..." pinipigilang ang pag-iyak na ani ko.

Kitang-kita ko ang pagtitig sa akin ni Nanay at mga kapatid ko.

Kita ko rin ang pagtulo ng luha ng anak ko na nagpabigat ng nararamdaman ko.

Pero ipinilig ko ang ulo ko paharap kay kuya.

"Bakit mo pa siya binilhan? Kasasabi ko lang sayo kanina diba? Ayokong sinasanay niyo si Clifan sa mga bagay na hindi naman niya kailangan," mabigat sa loob na ani ko bago tingnan si Clifan na buhat pa rin ni Kuya, "Bumaba ka na riyan, Clifan at pumunta na sa kwarto. Matulog ka na at tigilan ang pagpapabili ng mga walang katuturang bagay." nag iiwas ng tingin na ani ko dahil hindi ko kayang makita ang mata nitong puno ng luha.

"Andeng..." pigil pa sa akin ni Nanay bago ko makita si Clifan na nagtatakbo sa kwarto naming dalawa.

Agad akong napaupo sa upuang kawayan habang pinipigilan ang pagluha.

"Andeng naman. Bakit hindi mo na lang hayaan yung bata. Bata pa siya natural na magpabili siya ng laruan!" mahinang sabi ni Kuya bago sundan si Clifan sa kwarto.

"Magbihis muna kayo, Miko." ani naman ni nanay kina Miko bago tumabi sa akin ng upo.

"Andeng.." ani ni nanay sabay haplos sa likod ko na tuluyang nagpaiyak sa akin.

"M-masama ba akong ina, nay?" humihikbing tanong ko.

"Anak naman. Natural lang sayo ang magalit pero natural lang din naman sa mga bata ang maghiling ng mga laruan.." paliwanag ni inay na nagpabigat ng dibdib ko.

"A-ayoko lang namang masanay siya sa ganun, nay. Kasi gusto kung mamulat siya sa ganitong buhay. Gusto kong malaman niya kung paano pahalagahan ang isang bagay. Natatakot ako nay...Natatakot ako na baka maging katulad ko siya paglaki niya. Maging desperada a-at makasarili..." nahihirapang ani ko.

Natatakot ako na baka kapag masanay siya at kung sakaling kunin man siya sa akin ni Jack ay sa kanya ito sumama. Dahil ano naman ang maibibigay ko kay Clifan kumpara kay Jack?

"Anak naman....wag mong sabihin yan. Ang mabuti pa ay sundan mo na doon ang anak mo at mag-usap kayo ng maayos. Ipaintindi mo dahil tiyak na nagtatampo yun sayo.." masuyong bilin ni Inay.

"O-opo," sagot ko bago tumayo papunta sa kwarto namin ni Clifan.

-------x

Si Clifan nalang asawahin ko paglaki niya. Nyahahhahahhah!

My Midnight Obsession: Jack SmithWhere stories live. Discover now