Pahina XXII

5.5K 115 4
                                    

  Start:







" Akin na si Cliffan," ani kuya tukoy sa anak kong natutulog sa kandungan ko ng makababa siya ng jeep.


Agad ko naman itong ibinigay sakanya at sunod na bumaba ng jeep.


Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon araw na to.


Hindi ko lubos maisip na nagkita na ulit kami ni Jack pagkatapos ng limang taon.



Andaming nagbago sa kanya. Bukod sa mas lalong lumaki ang katawan niya ay mas nagmukhang mature na ito kumpara noon.


Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay agad na akong humiga sa kama katabi ang anak kong binihisan ko na rin kanina habang natutulog.



Agad akong bumaling kay Clifan na malalim na natutulog ngayon.


Sa twing tititigan ko si Clifan ay parang automatic ang mata kong maghuhulog ng luha.



Mahal na mahal ko ang anak ko. Hindi ako nagsisi na hindi ako nakapagtapos ng dahil sa pinagdadalang tao ko siya noon.


Kung hindi kasi ako nagdadalang tao nun ay alam ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat kahit anong trabaho makapagtapos lang ako.



Pero mas gagawin ko ang lahat maalagaan lang ng maayos ang anak ko.


Siya ang bunga ng pagmamahal ko kay Jack. Siya ang pinangarap ko noong mga panahong sobrang desperada ako kay Jack.




Pinangarap ko noon na magkaroon ng anak galing sa kanya kahit hindi niya ako panindigan.



Sumisikip ang dibdib kong nagiging makasarili na naman ako sa pangarap na iyon.


Noon, hindi ko man lang inisip ang pamilya kong umaasa sa akin.

Ngayon, hindi ko man lang inisip ang anak kong pinagkaitan ko ng ama.


Sa sobrang sakit na nararamdaman ay hindi ko na napigilan ang hikbing kumawala sa bibig ko kasabay ng maraming luhang kumawala rin sa mga mata ko.


Sobrang naninikip ang dibdib ko at halos hindi makahinga.


Nakokonsensya ako sa mga ginawa ko noon. Sa mga kasalanang nagawa ko noon. Sa pagiging desperada noon. Sa pagiging nakasarili.


Nakokonsensya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanila ina, kuya at sa mga kapatid ko pati na rin kay Clifan.

Lalong lalo na kay Jack.


Parang tinutusok ang puso ko habang iniisip ang sinabi niya kanina.



Pagkatapos ko raw makuha ang gusto ko, ganunan na lang?


Pero bakit pa siya magrereklamo? Hindi naman niya talaga ako ako gusto di ba? Pinagtabuyan niya nga ako noon. Para nga akong tangang habol ng habol sa kanya noon.



Habang humahagulgol ay agad akong napamulat ng mata ng maramdaman ko ang pagpahid ni Clifan sa mga luha ko gamit ang maliliit nitong kamay na lalo lang nagpahikbi sa akin.


"Ayos ka lang mama?" basag ang boses na tanong ni Clifan na tinanguan ko lang ng dalawang beses bago gawaran ng halik ang noo nito.


"Ayos lang ang mama, anak.." puno ng luhang nakangiti ako.


Diyos ko. Si Clifan nalang ang pinagkukunan ko ng lakas bukod sa pamilya ko.


Wag niyo po siyang hayaang ilayo sa akin.



"Tama na, Mama." mahinang ani ni Clifan habang naiiyak na rin.


Habang nakatingin sa mga mata niya ay lalo kong naaalala kung paano ko minahal si Jack noon.




Nasa palagay ko ay ramdam ko pa rin ngayon.



----------x

My Midnight Obsession: Jack SmithWhere stories live. Discover now