Pahina XXVI

5.5K 119 4
                                    

Pahina XXVI:


Start:


Ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng paghinga ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa halo-halong emosyon nararamdaman ko.

"J-jack-----"


Naputol ang sasabihin ko ng walang pasabi ako nitong siniil ng halik sa labi na nagpalaki sa mata ko.


Ramdamn ko ang panghihina ng tuhod ko dahil sa halik na ibinibigay nito ngunit hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil sa sobrang gulat.


"A-andrea...." namamaos na ungol nito bago kagatin ang pangibabang labi ko kaya agadniyang ipinasok ang kanyang dila ng maibuka ko ito!


Nalalasahan ko ang laway nito na may halong alak. Kaya agad ako napabalik sa huwisyo at puno ng lakas na hinawakan ang dibdib nito para itulak.

Kasabay ng paglayo nito ay ang pagbukas ng ilaw sa kinaruruonan namin na nagpapako saakin.


"Andeng?" gulat na bungad ni nanay ng mamataan nito si Jack na nakasandal sa may pintuan.


Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na nandito si Jack habang nakatitig ako sakanya.


Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang magulo nitong buhok na lalong nagpadagdag ng kakisigan niya. Halos walang nagbago sakanya. Ang perpekto parin ng bawat parte ng mukha nito. Medyo nagkaroon lang ng kaunting balbas na bumagay lang din sakanya


"N-nay..." kinakabahang ani ko. Alam na ni nanay ang tungkol kay Jack ngunit hindi ko parin maiwasanv kabahan sa kaisipang ama ito ni Clifan.



Ang daming tanong ang bumabagabag sa isip ko.


Paano kong malaman nito ang tungkol kay Clifan?


Paano kong alam na nito ang tungkol sa anak naming dalawa?

Paano kong ilayo niya ito saakin o ipagtabuyan niya.

Ang daming paano na nagpapabigat sa dibdib ko.


Akmang magsasalita si Inay ng lumapit saakin si Jack at agad na yumakap ramdam ko ang bigat ng katawan nito.



"J-jack..tumayo ka nga. Ang bigat mo..." bulong ko rito habang pinipilit na itulak ito palayo.


At halos kilabutan naman ako ng lumapat ang labi nito sa tenga ko bago bumulong, "bakit nong nasa ibabaw mu'ko dika nabigatan..." bago kagatin ang tenga ko na nagpainit sa mukha ko!

Ay, tangina! Lasing ang myloves ko!


Agad kong iniiling ang ulo ng maalala ko ang tawag ko sakanya noon.


Ang PBB Teens nun ha!


"Lasi--------" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng tuluyan na itong nawalan ng malay kaya muntik na kaming matumba! Jusko!


"Naku!" gulat na sambit ni nanay.

"N-nay. Patulong..." ani ko kaya agad namin siyang inihiga ni nanay sa kwarto namin ni Clifan.


"Ako na bahala rito nay. Matulog na ho kayo..." sabi ko kay nanay ng makakuha na ako ng bimpo at palanggana na may alcohol at tubig.


"Sigurado ka anak?" puno ng pag-aalalang tanong ni nanay na tinanguan ko lang.


Maya-maya lang ay umalis na ito. Dahan-dahan akong lumapit sa nakahigang si Jack katabi ang anak ko.


Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko ng makita silang mag-ama. Katulad na katulad ni Jack si Clifan. Para silang pinagbiyak na bunga.


Patuloy ang pag-agos ng luhang lumabas ako ng kwarto para kuhanan si Jack ng tshirt ni kuya dahil basang-basa na ito ng pawis.


Pagbalik ay agad ko itong pinunasan bago bihisan.


Nang nabihisan ko na ay sinunod ko namang punasan ang pisnge nito na sobrang makinis



Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa mukha nito.


Itong lalaking 'to...ang naging dahilan kong bakit natigil ako sa pag-aaral dahil sa naging desperada ako sakanya.


Pero siya din ang dahilan kong bakit ako nagkaroon ng isang Clifan..


Bakit pakiramdam ko ay may nararamdaman na rin saakin ito? Siya kaya yung may ari ng kotse sa harap bahay? Hindi kaya alam na nito ang tungkol kay Clifan?

Hindi imposible yun. Hindi siya tanga para hindi maisip na sakanya si Clifan lalo na at kamukha niya ito at alam niyang siya ang nakauna saakin.


Hindi siya lasing nung araw na yun at alam niyang hindi siya gimamit ng proteksyon.


Hindi kaya gusto lang nitong makuha saakin si Clifan?


Hindi kaya kinukuha lang nito ang loob ko para mailayo saakin ang anak namin?


Hindi ko maiwasang mabigatan ng dibdib sa naisip.


Jack....hindi ko alam kong anong binabalak mo. Pero sisiguraduhin kong hindi mo mailalayo saakin ang anak ko.


Kung sakali mang pilitin mong kunin ito....kailangan mo munang gawin ang ipagagawa ko.

---------------------x
May balak si Andeng! Hahahaha. Feedbacks!

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon