Pahina XIX

5.5K 120 3
                                    


Start:



Jack (POV)


"Kailan ang mall show namin dun, manager?" dinig kong tanong ni Drew sa manager namin si Mommy Trina.


Siya ang nakadiskubre sa amin noon. Isa siyang photographer nung pumunta siya sa campus namin dati. Kami naman matagal ng may banda nung nasa highschool pa.


"Next week na. Sabihin mo na lang kay Jack----oh Jack andito ka na pala." Nang mamataan ako ni Mommy Trina dito sa hamba ng pinto.

Kunot noo naman akong lumapit sa kanila.

"Saan sunod na mall show?" tanong ko habang nakakunot ang noo.


Bahagya ko munang inalis sa balikat ang gitara at inilagay sa isang couch dito sa aming dressing room.


"Sa Pangasinan daw. Trending kasi sa twitter yung hashtag Four Demons in Pangasinan." paliwanag nito.

"Nagpeperform pa sina Jay?" tanong naman ni Drew ng mapansing tahimik lang ako.


"Yep, last performance na yun. Can't go to stage later. Uwi na ko." pagpapaalam ko.


"Naku, Jack. Uuwi ka na naman ng maaga," reklamo na ni manger na bahagyang tumayo at lumabas ng dressing room.

Akmang kukunin ko na yung gitara ko ng magtanong si Drew na nagpatigil sa akin.

"Hinahanap mo pa rin ba siya?" tanong nito.

"Who are you talking about?" maang na tanong ko.


"Stop pretending, man. I know you too well. Hinahanap mo pa rin ba yung babaeng nakasama mo sa condo ni Jasy five years ago?" tanong nito na nagpaigting ng panga ko.


Kung may tao man na kilalang kilala ako, ito ay si Drew lang.


We're bestfriends since we we're kids. Magkaibigan ang mommy ko at mommy niya


"I'm still hoping..." mahinang usal ko bago umupo ulit sa couch na katapat niya.


"Siya ba yung rason kong bakit gusto mong malibot ang bawat mall sa sulok ng Pilipinas?" nakangising tanong nito.


"Damn you man.." yes. Gusto kong idugtong pero alam kong baliw 'tong si Drew at baka asarin pa ko.


"I really need to go." tumayo na ako at tinapik siya sa balikat.


"Yeah, man." sagot lang nito bago ngumisi.



Naiiling akong pamunta sa parking lot at agad na pinaharurot ang sasakyan ko sa kadalasan kong pinupuntahan simula nung mangyari ang araw na yun.

Kadarating ko lang dito sa condo ni Jasy. Tinaggal ko muna ang polo ko bago dumiretso sa bar counter at nagbukas ng isang beer.


Habang umiinom ay halos mapiko ang hawak kong canned beer habang iniisip ang nagyari sa amin noon.


Pagkatapos niya akong habul-habulin. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya iniwan niya ako nang wala man lang paalam


Fvck it! Hinanap ko siya pagkagising ko nun! Dahil may narealized ako nang mangyari ang gabing iyon.


Narealize ko na posible pa lang pwedeng mahulog sa taong hindi mo masyadong kilala sa loob lamang ng maikling panahon.


Fvck! Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin noon. Lalo na nang malaman kong hindi siya ang may-ari nung unit na katabi lang ng kay Jasy kundi sa bestfriend niya.


Hindi ko lang siya nahanap ng mga sumunod na araw dahil nagkaroon kami ng biglaang concert sa Canada.

Pero may inutusan akong humanap sa kanya. At halos liparin ko hanggang Pilipinas para lang puntahan siya ng malaman kong may apartment daw ito dun lang din sa pag-asa.

Three months din akong naghintay nun dahil nag extend sila na dun muna kami sa Canada.

Masyado akong nakampante na doon lang siya kaya pumayag ako.


Hanggang sa puntahan ko ang tinutukoy nilang apartment at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng mapagalaman ko dun sa dati niyang landlady na pinaalis na raw siya dahil sa walang siyang pambayad ng upa at umuwi ng probinsya.


That's why I made this decision. Sinabi ko sa sarili ko na lilibutin ko lahat ng probinsya dito sa Pilpinas mahanap ko lang siya.



Dahil simula nung mangyari saamin iyon ay binaliw na niya ako.



At hanggang ngayon ay binabaliw mo pa rin ako.



Binabaliw mo pa rin ako, Andrea....


----------x  

My Midnight Obsession: Jack SmithWhere stories live. Discover now