Chapter 124

1.8K 30 1
                                    


Chapter 124

Sa isang simbahan..

Nasa isang simbahan ako..nasa may pintuan ako..at maraming tao..puros nakaputi..sa sides makikita mo ang napakadaming bulaklak..at ang sahig naman ay may red carpet..pagtingin ko sa may unahan..

Pakiramdam ko..nagunaw ang mundo ko..

"And I pronounce you as husband and wife..you may kiss the bride"

Nagpalakpakan ang lahat..wala akong magawa kung hindi umiyak..nakita ko silang napatingin sa akin..

At nakita kong nakangiti si sydney..ngiting nanlalait..ngiting nanghahamak..

"Wala ka ng magagawa" sabi ni Sydney "akin na sya"

umiling ako..at nagsimulang lumakad papalapit

pero parang hindi ako makakalapit sa kanila..tapos tiningnan ko si Aidan para humingi ng tulong..pero nakatingin lang xa sa akin at umiling.."I'm sorry"

tapos nagharapan sila at unti-unti na silang maghahalikan..

"NNNNNNNNNOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!"

Kring!!kring!!

Napabangon ako..nang maalala ko kung anong panaginip ko..nilagay ko sa kamay ko ang mukha ko..alam kong pinagpapawisan ako kahit na malakas ang aircon sa kwarto ko sa hotel..

6 pm..

asar..sabi ko maiidlip lang ako bago magperform..natulog muna ako dahil sa byahe..

Hhhhhhheeeeaaaaahhhhh...hhhhhheeeeaaaaaaaahhhhhhhhh

Ganyan ang paghinga ko..nararamdaman ko na naman ang parang butas sa may puso ko.. syempre hindi yun physically..naipaliwanag ko na naman sa inyo di ba??

"nanaginip ka na naman ba?"

"Oo..siguro dahil sa natulog ako sa wala sa oras" tiningnan ko na sya "ang tagal na ng huli kong napanaginipan iyon.."

inilagay nya ang dala nya sa isang lamesa malapit sa akin..pagkain pala ang dala nya tapos umupo sya sa may tabi ko "tanda ko noong nasa dorm pa tayo..nagulat ako noon ng bigla ka na lang sumigaw"

napailing ako "pasensyva ka na huh?naabala ka pa"

"ano ka ba..trabaho ko ito bilang PA mo"

"PA???" napangiti ako "eh mas mayaman ka pa sa akin..PA ka dyan..ikaw talaga Ate Sam"

"hay naku..Iexsha..ayan ka na naman..oh..dinalhan na kita ng pagkain..since papunta na rin naman ako dito dahil aayusan pa kita..kumain ka na muna ng dinner bago maligo.."

"Ate Sam.." bumangon na talaga ako "maliligo muna ako bago kumain..mas kailangan ko atang maligo na..tingnan mo naman..pawisan ako pero ang lamig dito..nakakahiya naman sayo"

"nahiya ka pa..o sige na..may isang oras na lang bago magsimula ang conference..at sa may pahuli ka pa..meaning mahaba-haba pa ang oras natin para ayusan kita.."

"Paano ka?di ba semi-formal ang attire natin ngayon since isa ito sa mga major conference natin?paano ka makakapag-ayos"

"wag kang mag-alala sa akin..madali na ako..ang importante..maging maayos ka..malay mo may magandang mangyari ngayong gabi sayo"

"ano naman yun??"

"ewan" ngiti nya sa akin..nagroll eyes na lang ako at pumunta na sa banyo

Yun nga po pala si Samantha Kanoe..kasama ko sya sa kwarto ko sa dorm..half-japanese din at half-filipino..pero magaling sya mag-tagalog..pinipilit din nya na yun muna ang language na gamitin..3 months lang ang tanda nya sa akin..pero mas gusto ko talaga na tawagin syang ate..volunteer na rin sya sa APA after nyang grumaduate..flute ang instrument nya..minsan nagpeperform din sya pero ngayon ay nagpasya sya na tulungan na lang ako lagi..since..hindi daw ako marunong mag-ayos..hehe..mayaman nga pala yan si Sam..balita ko unica hija ng isang multi-billionaire na japanese businessman..kung bakit sya naging volunteer? Sabi nya kasi gusto daw muna nyang maexpereience ang iba't ibang bagay bago sya pilitin ng kanyang ama na pamahalaan ang negosyo nila..pinayagan naman sya ng ama nya since maganda din daw sa image ng company ang CSR ng kanyang anak..kaloka

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillWhere stories live. Discover now