Chapter 130

199 6 0
                                    

*Non-edited JEJE form dahil tamad yung author*

Chapter 130 (one of the most dramatic chapters I've made..warning..kung wala kayong panyo..kumuha na kayo..kasi kung nagawa ko nga ng tama ang chapter..iiyak talaga kayo..kung hindi..e di..mali ako..nyahahahahaha)

Dub!Dub! Dub!Dub!

Asar..yan ang nararamdaman ko ngayon maliban sa kaba at takot..asar na asar ako dahil ang bilis ng tibok ng puso kong durog na..

Kaba..kinakabahan ako kung ano man ang mangyayari ngayon..

At takot..natatakot ako dahil kahit tanggap ko na ang lahat..natatakot pa rin ako sa posibilidad na mas masaktan ako ngayon..

Pero wala ng mangyayari kung aatras ako..dahil naglalakad na ako papunta sa park..nasa parking lot kasi dun sa restaurant ang kotse ko..huminto muna ako sa paglalakad at tumingin sa langit..

Ang buwan lang ang nakikita ko..gaya pa rin noon.. sya lang at si bro ang magiging saksi ngayon..

Naglakad na ako ulit.. ang park na sinasabi nya ay isang playground..pero habang naglalakad ako..nakikita kong imbis na sa swing sya nakaupo ay nakatayo lang sya sa ilalim ng isang puno at nakatalikod sya sa akin..

Daan-daan akong naglakad papalapit sa kanya..hanggat maari ayaw kong gumawa ng ingay..hindi ko lang din alam kung bakit..mahangin noon para sa isang summer night..ang tanging naririnig ko lang ay ang hangin na tumatama sa mga dahon ng mga puno at ang mga kuliglig..at hindi ko rin alam kung bakit ko kailangan pa yun sabihin sa inyo..wala lang pampabawas ng kaba..hehe

Di kalayuan sa pwesto nya ay isang poste ng ilaw..yun lang at ang buwan ang paraan ko para makita sya..biglang pumasok sa isip ko ang idea na para kaming secret lovers..romeo at juliet na kailangan magtago sa lahat para magkita..

Kaso hindi kami yun at hindi ganun ang sitwasyon namin..

"buti naman at dumating ka" narinig kong sabi nya at humarap na sya sa akin..

dub!dub! dub!dub!

pakiramdam ko sasabog na ang durog kong puso sa sobrang lakas ng pagkabog..hindi ko alam kung paano ko naitatago sa mukha ko ang nararamdaman ko..at hindi ko alam kung hanggang kailan kakayanin ko na wag umiyak..

"paano mo nalaman na ako na nga ito?" mahina kong tanong sa kanya

ngumiti sya sa akin..ang ngiting yun..hindi man katulad ng dati nyang mga ngiti sa akin..ay ganun pa rin ang epekto sa akin..

"kahit nakapikit ako..o nakatalikod..ramdam ko na ikaw iyan"

hindi na ako nakipagtalo sa kanya tungkol doon..gusto ko ng umuwi..gusto ko ng iiyak kahit ngayong gabi lang ang sakit na nararamdaman ko..matagal ko na rin yun hindi nagagawa..mga isang taon na siguro..kasi ng pumunta ako japan..pinilit kong kalimutan ang lahat.. "bakit mo ako pinapunta dito?"

humarap na sya talaga sa akin..doon ko lang napansin na nakapolo shirt sya at pantalon..pero kahit ganun lang ang suot nya..no doubt ang kagwapuhan nya..buti na lang pala at nakapantalon lang din ako at blouse..

"pinapunta kita dito..

to see you

one last time"

napatingin ako sa kanya tapos napaatras at nailagay ko ang kamay ko sa may ulo ko at tumingin sa kanya "ano na namang kadramahan ito aidan??ano ba ang gusto mong mangyari??" pakiramdam ko naglolokohan na kami dito..pero mas pinipili kong hindi magwala..pagod na ako para sa ganun

pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay lumapit lang xa at unti-unting inilapit ang isa nyang kamay sa mukha ko..pero bago pa mangyari yun..

PAK!!

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillWhere stories live. Discover now