Chapter 146

194 5 0
                                    


*Non-edited JEJE form dahil tamad yung author*

Chapter 146

Paalis na sya..

Ito ang araw na iyon..at ang masakit pa..hindi ko na naman kaya syang harapin..

Alam kong aalis na sya..kung dati..siguradong pipigilan ko sya..ngayon hindi ko na alam..

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at pinipigilan wag umiyak..nakakainis..lagi na lang ba ako iiyak??parang katangahan na..

Kaso..kaya ko ba talagang hindi sya makita?lalo na at alam kong hindi ko alam kung kailan sya babalik??kung babalik pa ba sya??

Nagbanta man ako..alam kong hindi ko kayang hindi sya hintayin..true love?baka..yun siguro ang nararamdaman ko..

Tik-tak!

Tik-tak!

Para bang nanghihina ako at kailangan na manatili na lang akong nakahiga.. pero ramdam ko ang puso ko..

Gusto syang puntahan..

Pero ang utak ko..hindi na kaya..hindi ko na talaga alam kung gagawin ko pa ba yun?

Pero hahayaan ko na lang ba talaga sya umalis??

Ewan ko..ewan..hindi ko na talaga alam..

Nakapikit ako ngayon at nag-iisip..nang bigla na lang

"ANONG GINAGAWA MO DITO????"

napabangon ako..si inay yun..nasa baba sya.. napatingin ako sa may bintana ng kwarto ko..at laking gulat ko na..

"pumunta po ako para makausap ang anak nyo"

AIDAN???

Dali-dali akong bumaba..nagpapakamatay ba sya???sumugod sya dito sa amin..alam naman nya na ban sya dito..pasalamat na lang sya at ang inay lang ang nakausap nya..

Pagdating ko sa may ibaba..

"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO PARA MAGPAKITA DITO!!"

"INAY!AIDAN!"

parehas silang napatingin sa akin..pero dumerecho ako sa harapan ni aidan..ewan ko..nagpapakamatay na rin ba ako??siguro

"Iexsha????"

"inay..hayaan nyo muna na magpali-"

"SYA PA RIN ANG KAKAMPIHAN MO???LAGI KA NA LANG NYA SINASAKTAN!!"

"pero inay..kaya lang naman po sya magpapakasal noon kay sydney ay dahil-"

"hindi ako tanga Iexsha..alam ko ang dahilan..magpapakasal sya dahil mamamatay na noon si sydney..pero hindi pa rin nya maiaalis na sinaktan ka nya!!at yun lang ang importante sa akin"

"inay nama-"

"Iexsha" napalingon ako kay aidan.. hinawakan nya ang kamay ko at umuna sya..para maging magkatabi na kami "ako na ang magpapaliwanag sa lahat"

"tita..hayaan nyo hong makita ko si iexsha..for the last time..bago ako bumalik sa france" sabi nya habang nakatingin sa akin ina

"at sa tingin mo hahayaan ko iyon?masasaktan na naman ang anak ko!"

"inay..please..kahit ngayon lang"

"TUMAHIMIK KA IEXSHA!USAPAN NAMIN ITO NG LALAKING YAN!!"

napatigil ako..ngayon ko lang uloit nakita na galit na galit ang aking ina

"HINDI BA SINABI KO SAYO NG MAGKITA TAYO NA KAILANGAN MONG PATUNAYAN MUNA ANG SARILI MO SA AMIN???SA PALAGAY MO BA MAPAPATUNAYAN MO ANG SARILI MO SA AMIN SA GINAGAWA MONG ITO??LALO MO LANG PINAPAKITA NA HINDI KA PARA SA ANAK KO!!"

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillWhere stories live. Discover now