9

3.9K 184 15
                                    

N/A: Short update lang to. Dahil hindi nako sigurado kung kailangan ang next update ko. Enjoy reading.

Olivia's pov:

Pabagsak akong umupo at napahiga sa couch pag-uwi ko ng apartment. Hindi ko inaasan na mapapasabak pala ako sa suntukan kanina sa bar. Eh kasi naman ang landi-landi ng babaeng yun at napaka daring pang sumayaw.

Gusto talagang mang-akit at napaka revealing pa yung suot niya.Nabigla ako nang tumugon siya sa halik ko. Akala ko nga itutulak niya ako o sasampalin kagaya dati.

Hindi naman siguro niya ako makilala nun diba? Sana nga. Baka makalimutan niya lang siguro yun pagkinaumagahan dahil sa kalasingan niya.

Pagkatapos nun kinaumagahan ng sabado pumunta ako sa palingke sa suking kong si aling memang para bumili ng mga sariwang gulay dahil sa gusto kung magluto ng paboritong kung potahe at dahil sa ubos narin ang laman ng ref ko.

Hindi lamang yun dahil narin sa nakaramdam ako ng matinding gutom sanhi ng pagtungga ko ng alak kagabi.

Papaalis na sana ako nang narinig ko si aling memang na nagrereklamo dahil sa pesteng insektong sumisira sa kanyang pananim. Sinisira ng mga palaka ang pananim niya at hindi niya alam kung paano niya ito matataboy o maalis dahil sa dami nito.

At ito naman ako dahil sa mabait ako. Haha. Sinabi kung dumating ang knight in shining armor niya. I know corny. Kaya tinulungan ko si Aling memang kasama ang anak niyang si Neneng na isa-isang dakpin ang mga palaka hanggang sa makakuha kami na isang box nito.

Pagsini-swerte ka naman. Dito lang pala ako makakuha ng singdaming palaka sa suki ko.

Then early in a morning ay hindi pala early in the afternoon pala akong nagising dahil sa napuyat ako kagabi sa kakapanood ng tv series.

Pagkatapos kung kumain dumiritso agad ako sa public library dito malapit sa amin. Pero dinala ko parin ang kotse ko dahil sa tamad akong maglakad na tirik na tirik pa ang araw.

Pagrating ko, as usual may ni recommend si Carlo sa akin ng libro. SI Carlo ang taga pangalaga ng library dito. Napansin kung may kasama siyang babae na chinita at maputi.

Parang familiar yung mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita pero dahil sa busy siya itinuon ko ang attensyon sa librong iniabot sakin ni Carlo at nagsimulang magbasa.

Dahil sa matinding focus ko sa pagbabasa hindi napansin may tumapik pala sa akin. Si carlo. Nagsasabing magsasara na ang library. Hindi ko namalayan ang oras at napasin kung madilim na sa labas.

Pagkalabas ko ng library may nakitang akong isang pulang kotse at pigura ng tao sa di kalayuan. Naglakad ako sa kinaruruan nito na parang bang may nag-uudyok sa akin na lapitan ito.

Isang babaeng nakatalikod sa akin at parang may hinahanap sa bag niya.

"Miss, ok ka lang?" tanong ko.

"I'm okay." Dahil sa nakatalikod ito at medyo madilim ang parte dito hindi ko alam pero familiar yung boses niya.

"Sigurado ka? You don't need help?"

" Yeah, yeah. I'm definitely fine." Napasimangot ako. Tinataboy ata ako nito. Napakarude.

Kaya ayun bumalik ako sa tapat ng library at pumunta ng parking lot.

Papasok na sana ako ng kotse ng mahagilap ko ang babaeng tumatakbo at nagtago sa may eskinita at di kalayuan may dalawang lalakeng lasinggerong nagtatalo.

May kutob ako na may masamang nangyari pag-alis kung umalis kanina kaya mabilis akong lumapit sa kinaruruan ng babae. Hinawakan ko ang kayang balikat para makaharap sa akin pero bigla siyang sumigaw ng malakas.

Tinakpan ko agad ang kanyang baba at doon ko napansin at naaninagan ang mukha niya.

Scarlet!

Nag 'shs 'sign ako sa kanya dahil napadaan yung dalawang lasinggerong nakita ko at hanggang nakalayo na ito dahan dahang kong binaba ang kamay ko na mula sa baba niya.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" mahina na may halong galit na sabi niya.

"Hindi ako nanggugulat sadyang magugulatin ka lang talaga at tsaka bakit ka ba napadpad dito?"

"Paki mo!"

Kahit na mataray siyang sumagot sa akin hindi ko mapigilang mag-alala dahil sa pinapakita niyang kilos ngayon. Nanginginig bahagya ang mga kamay niya na pilit itong itinatago. Parang biglang lumambot ang puso ko at parang gusto ko siyang i-comfort.

Kaya kagaya ng ginagawa sa akin ng mama ko kapag ako'y takot natakot at nanginginig niyakap ko siya.

"Anong ginagawa mo?!" Nabigla siya sa inakto ko at gustong niyang kumawala kaya hinigpitan ko siya ng mabuti.

"Pwede ba tumahimik ka sandali. Choosy ka pa. You should feel honored dahil niyakap kita ng libre. Mahal kaya ang yakap ko." Pabiro kung sabi para naman mahismasan siya sa nangyari.

Pero ang gaga sinapak ako sa balikat. Ang sakit!

"Ano yan? YAKAPsule! May pa feel-feel honored ka pang nalalaman. Eh wala naman gustong yumakap sayo."

"Hmm." Sakit naman magsalita ng babeng to!

Hinahaplos ko ang kanyang likod at buti tumahik narin siya. Napangiti ako dahil tumugon siya sa yakap ko at inisuksuk niya ang mukha niya sa leeg ko.Hindi ko alam parang walang alindana ang pangangalay ng kamay ko sa kakahaplos ng likod niya na para bang ayoko nang bumitaw. Sa ganoon kaming posisyo ng mga ilang minute hanggang magsalita siya.

"Ehem. Pwede mo naba akong bitawan?"

"Sure. So okay ka na?" parang gusto ko siyang yakapin ulit. Ang bango-bango kasi niya at parang nakaka-adik lang yung amoy.

"Yeah I guess."

"Gusto mo sumabay ka nasa akin at ihahatid kita sa inyo." Gusto kung mag-oo siya dahil gusto kung masiguradong safety siya pag-uwi niya. Mahirap na maraming masasamang umaaligidgid dito.

"No thanks. Yung driver namin ang magsusundo sa akin" Napakasimagot ako.

Pero bigla tumunog ang phone niya at may kinakausap sa phone. Napakasimagot siya ng todo kaya hindi ko mapigilang mapangiti sa itsura niya ngayon. Ang cute niya.

Humarap siya akin.

"I'll take your offer. Ihatid mo nako. Asan na ang kotse mo dahil gusto ko nang umuwi." Tsk. Napakademanding naman nito.

Habang nagbabyahe tamihik lang siya at nang kakausapin ko siya wala dedma parang wala siyang kasama. Magsasalita lamang siya kapag nagbibigay ito ng direksyon hanggang makarating kami sa kanila.

Lumabas siya ng kotse at ako naman nito lumabas narin. Napahinto siya sa paglalakad at humarap.

"Bakit?"

Seriously yun lang! Wala man lang thank you!

Tumingin ako sa kanya ng I-am-waiting-the-thank you look.

Pero ito siya tumungin lang ng blangko itsura. Napailing ako at nagsimulang maglakad at pumusok sa kotse nang magsalita siya.

"Thank you."

Napaligon agad ako sa kanya pero nakapasok na siya sa kanilang gate.

N/A: Dahil sa matatagalan akong mag Update. Maybe next chapter ay yung moments na talaga nila. haha.

My Love Scarlet (GxG)Where stories live. Discover now