10

4.5K 206 15
                                    

N/A: Hindi ko inaasahan na aabot pala ako ng chap 10 at 1k reads na ang story ko. Haha. Dahil sa brokenhearted ako ng nakaraang araw ibinuhos ko ang lahat ng sakit at pighati ko dito sa pagsusulat (char lang). Well anyway enjoy reading guys. Love , sawing palad.

Olivia's pov:

"What!"

"Bingi ka ba? Ang sabi ko---"

"Sut up!" putol niya.

Ano bayan kung maka-react akala mo katapusan na ng mundo. May pa shut up-shut up pa siyang nalalaman. Eh kanina pa naman siya reklamo nang reklamo at walang ginagawa.

"Listen up nerd! Di dahil sinabi ni Ma'am Sanches na kailangan akong tumulong sa pesteng prepation na ito ay basta-basta ka nalang makapag utos sa akin. Tandaan mo kasalanan mo itong lahat. Nang dahil sayo at sa katangahan mo nadamay pati yung research paper ko na dapat sana ipapasa ko na sa matandang yun! At tsaka wag mo akong tawaging bingi dahil hindi ako bingi!"

Tsk. Nakakabingi ang pagsigaw niya at sa mukha ko pa mismo. Bakit hindi parin siya maka getover dun at talagang pinagdiin pa talaga niya na kasalanan ko ang lahat. Eh siya nga itong nagtangahan-tangahan in the first place.

Argh! Maganda pa naman ang mood ko kanina bago siya dumating dito sa student council room.

"Whatever blonde." Sabi ko.

"Abat ikaw babaeng ka."

"O, tama na yan. Hindi tayo matapos-tapos dito kung magbabangayan lang kayo."

Mabuti nalang inawat agad ni Sofia si Scarlet. Life saver talaga 'tong si pres kahit kailangan bago pa ako sugurin nitong si Scarlet na nag-aapoy na ata sa galit.

"Olivia tulungan mo nalang sila Ray at Rose gumawa ng dekorasyon. Kami na dito ni Scarlet."

Tumango nalang ako kang Pres at hindi lumingon kang Scarlet dahil parang nakamamatay talaga ang tingin nito sa akin.

Nakakainis bakit pa ba siya inasign ditto ni ma'am eh wala naman siyang naitulong at puro reklamo nalang siya. Bakit hindi nalang niya pinagawa ng bagong research para tapos agad. Nakaka-abala lang siya dito at nakaka-istorbo.

At saan na naman kaya nagsusuot yung si Ma'am. Parati nalang wala at hindi mahagilap pagkatapos itambak sa amin ang mga gawain. Tsk. Nadamay pa ako dito eh hindi naman ako officer ng student council. Naman oh adviser ba talaga siya.

Pagpasok ko ng room nadatnan ko sina Ray at Rose na gumawa ng banner hanggang sa mapansin nila ang presensya ko.

"Olivia!"mabalis lumapit si Rose sa akin. Kumapit sya sa leeg ko at mahigpit akong niyakap.

Tingnan mo to. Aside sa kinulang sa height parang unggoy lang syang makakapit. Pero kahit ganun ang cute niya kaya hindi ko mapigilang pisilin ang chubby niyang mukha.

"Aray!" hinihimas niya ang pisnge niya at nag pout pa talaga. Nakakagilgil talaga siya.

"Bakit ba pinge ko parati ang tinitira mo. Wala naman itong kasalanan ah." Tumawa ako.

Hay nako parang bata lang makapagsalita.

"Ang cute mo kasi Rossie." Sabi ko sa kanya at bumitaw siya sa akin.

"Argh. Wag mo sabi akong tawaging cute. Hindi naman ako aso ah." Sabi niya habang pinapadyak ang paa niya.

"Wag ka ngang mag-inarte dyan bruha ka. Tulungan mo ko dito dahil malapit na ang event." Maypagka-arte na sabi ni Ray.

"Tumahimik ka dyan RAYMONDO." Inemphasize talaga ni Rose ang RAYMONDO.

"Argh. Sabing wag mo kung tawagin sa pangalan nayan. Call me Rachell. RACHELL."

My Love Scarlet (GxG)Where stories live. Discover now