Kabanata IV

586 22 2
                                    

Ebony & Ivory


"Uwaa! Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng ganto! Salamat ha?"" sabi nya habang tumitingin dun sa paligid.

"Walang anuman po." sabi ko naman sabay bukas nung coke na binili namin bago kami pumunta dun sa playground.

"Right. May tanong nga pala ako." sabi naman nya bigla.

"Hmm?"

"Bakit Clair de Lune?" natanong niya bigla.

"Bakit?"

"Yep. Bakit?"

"Hmm. Ewan ko, maganda kasi yun eh." sabi ko naman sabay inom. Hindi pa ako ready na sabihin na kaya pinili yun eh dahil sakaniya.

"Kung sa bagay. Isa din kasi yun sa mga favorites ko eh. Pero infernes ha.. Maganda talaga." ani Rissa habang nakangiti ng malaki sakin.

"Thanks. Ah nga pala, pagpasensyahan mo nga pala yung mga lalake dun sa Aria ha? Ganun lang talaga sila, pero mababait talaga yung mga yun." sambit ko sakaniya.

"Okay lang. Masaya nga ako eh. Minsan lang kasi ako maki-socialize sa ibang fans. Lalo na pagdating sa mga lalake." sagot naman niya.

"Bakit? Masyado bang mahigpit yung security mo?" tanong ko naman.

"Uhm. Oo. Lalo na pag Abroad. Kapag may Tour ako, madalas hindi na ako nakakapag-pasalamat sa mga fans kasi masyado silang mahigpit. Pero since on Vacation naman ako ngayon eh sabi ko dun sa mga guards ko na magbakasyon na lang din muna sila. Alam ko kahit ganun, stressful parin ang pagbabantay na ginagawa nila sakin. Kaya ayun." aniya at ngumiti lang siya ng bahagya.

"Bagong Experience siguro 'to sayo no? You know.. Ang makalabas sa mundong ibabaw ulit." tanong ko naman pero umiling lang sya't ngumiti. But her smile, meron na naman itong Sad and Painful aura.

"Ang totoo nyan, Sa mundong ibabaw talaga ako galing. Nangarap lang ako at buti na lang natupad kaya ako nandito ngayon. Pero Oo, namimiss ko yung buhay ko na madalas page-enjoy with my family and friends lang ang inaatupag ko. Kaya ngayon.. Sinusulit ko na."

"Speaking of.. Wala ka bang family dito?" natanong ko bigla.

"Wala eh. Ever since kasi nung umuwi yung papa ko't nag-Juilliard ako eh nag-migrate na sila sa Canada. Kaya wala akong kasama ngayon dito." sagot niya.

"Kung nagbabakasyon ka, Ba't di na lang sa Canada?" tanong ko pa. Don't be a Shit, Jace! Kung sa Canada sya nagbakasyon edi hindi mo sya nakilala ngayon!

"I want to. But.." sabay napatingala muna sya sa langit. "This place.. was so Important to me. And, nangako ako na lagi akong babalik dito para sakanya." sagot naman nya.

"Sakanya?" napataas ako ng isang kilay.

"Ah No. Nevermind. Ah ikaw, may asawa ka na ba?" tanong naman nya bigla. At bigla lang akong natawa ng malakas. She was desperately trying to change the topic and then.. Ganyang question? Hahaha. Seriously, This woman is so fantastic!

"What?!" tanong nya habang nakataas ng kilay.

"Wala. Wala." iling ko lang.

"Anong Wala?"

"Wala. Wala pa akong asawa. I'm just 21 years old. Ni wala pa nga akong nagiging Girlfriend eh." sagot ko naman habang natatawa pa rin.

"Ikaw? Walang girlfriend? Impossible." napa-roll eyes lang sya.

"Wala nga promise. Ba't mo naman naisip yun ha?" tanong ko naman.

"Kasi.. Based on your actions and the way you speak. Para bang ang galing mong humandle ng babae. Kaya naisip ko na imposible para sayo ang walang girlfriend o asawa man." sagot naman nya habang nagf-fidgeting.

Silver Strings IIWhere stories live. Discover now