Wakas

429 24 6
                                    

Wednesday morning, halos lahat ng mga kaibigan ni Rissa syempre kasama ako eh nandun sa Airport para ihatid sya. Italy ang first destination nya. Tapos London, Paris, New York at kung san san pa siguro. 4 years syang maglalakbay around the world para sa pangarap nya at syempre, andito lang ako at maghihintay pa rin para sakanya.

“I will miss you again Babes.” sabi nung dalawang bestfriend nya na sina Ria at Coleen sakanya.

“I will miss you more Babes.” sagot naman ni Rissa sabay yakap sakanila.

“Bunso, Ingat ka ulit. Tawag ka palagi ha?” sabi naman nung mga taga PNPO sakanya.

“Opo. Wag po kayong mag-alala dahil Lagi ko po kayong tatawagan. Syempre kailangan ko pa rin ng mga mentors eh.” sagot naman ni Rissa sakanila.

“Nak, mag-ingat ka dun ha? Nandito lang kami parati sa tabi mo. Alam mo yan.” sabi naman ni Mrs. Bach sakanya.

“Ma, thank you. Kasi hindi nyo ko pinabayaan. I love you so much, Mrs. Bach.” sabi nya sabay yakap dito.

“Si Daddy mo ng bahala sayo ha? Ingat ka.” she hugged back.

“Opo.” at ngumiti lang siya dito. Biglang napadako yung mata ni Rissa sakin't ngumiti.

“Jace..” tawag niya.

“Rissa.” sabay kaming napangiti at yumakap sa isa't isa.

“I'll miss you.” sabi ko.

“I'll miss you more.” sagot naman nya.

“See you soon. Ingat.” Sabay napangiti muna sya.

“Pinky swear muna.” sabi nya ng nakangiti.

“Hay. Sige na nga.” napangiti lang ako't nagpinky swear ulit kami.

“After 4 years..”

“Oo. After 4 years.”

“So, Bye bye”

“Goodbye.”

Tapos naglakad na sya paalis. Babalik sya. At sana, Ako yung unang taong pupuntahan nya pag nakauwi na sya.

****

After 4 years, 25 years old na ko ngayon at kasalukuyan akong paalis galing sa isang interview. Isang Article yun about me being the youngest successful heir ng Castell sa buong pilipinas. Blah blah blah Yung iba kasi puro business matters naman and then, may isa silang tinanong sakin na medyo nagpatawa sakin.

“Jace Cruz, Youngest and hottest Bachelor in the Philippine’s Business world, bakit nga ba single pa rin Hanggang ngayon?” Yun yung tanong nila sakin. And then isa at simpleng sagot lang yung binigay ko.

“Because in this life, I only need one girl and I'm still waiting for her.” sabay ngiti ko.

Tapos lahat sila na-amaze at sa tingin ko kinilig rin sa narinig nila. Pero anyway, papunta nga pala ako sa puntod ni Johann ngayon. Tinanong ko si Ria kung san banda kaya buti na lang at di ako naligaw.

So here I'am, standing and facing his resting place. Pumunta ako dito bilang respeto sa nalalapit na Judgement day namin bukas. Bahala na kung sinong piliin. Basta..

“Dude. Pag ako yung pinili nya, promise ko sayo.. Hindi kita bibiguin. Iingatan ko sya gaya ng bilin mo. Ako ng mag-aalaga sakanya. Hindi ko sya iiwan. Gagawin ko ang lahat para maging masaya sya sa piling ko. Pangako ko ‘to bilang isang lalake. At bilang karibal mo na rin. Kaya don’t worry. At tsaka..”

“May the best man win.” nasabi ko lang sabay ngiti. Nakakatawa. Isang matagal na patay pa yung naging rival ko, napaka unusual naman na Story at Rivalry na 'to. Pero anyway, bahala na.
Paalis na sana ako ng makita ko si Mrs. Bach na naglalakad at nakangiti sakin.

Silver Strings IIDär berättelser lever. Upptäck nu