Kabanata IX

339 19 3
                                    

Let The Love Begins

“Pano, Una na kami ha? Jace paki-ingatan na lang si Bunso ha?” sabi samin nila Kuya Maynard.

“Sure po. Ako na pong bahala sakanya.” sagot ko naman.

“Kami din Babes, Una na rin kami.” sabi naman ni Coleen kay Rissa.

“Oh Jace, Ingatan mo yan ha.” sabi naman ni Ria sakin.

“Walang Problema.” sagot ko naman.

“Bye mga Babes. Bye din po sa inyo.” sabi naman ni Rissa habang kumakaway paalis sakanila.

“So Pano? Hatid na kita?” baling ko naman sabay bukas ng pintuan nung kotse ko.

“Ah Eh..” sagot lang nya na parang nagdadalawang isip pa sya.

Umiling lang ako't ngumiti sakaniya. “Ipinagbilin ka sakin nila, kaya whether you like it or not, Ihahatid kita.” sagot ko naman sabay smirk.

“Mukhang no choice na nga ako. Okay fine.” napangiti lang siya't sumakay na rin sa wakas.

“Great. Then let’s go?” at pumasok na din ako sa loob at pinaandar na yung kotse ko't umaalis.

Saglit lang yung byahe tsaka binilisan ko na rin kasi mukhang pagod na pagod na rin si Rissa at mukhang kailangan na nya talagang magpahinga.

“Jace. Thank you ulit sa lahat ha? Thank you kasi sumama ka talaga samin tapos ang ganda din ng mga Birthday gifts mo. Tapos ngayon, hinatid mo pa ako kahit gabing gabi na at pagod na pagod ka pa.” sabi nya sakin nung nagpapaalam na sya.

“Walang anuman yun. It's my pleasure na ihatid ka.” sagot ko naman sabay hawak dun sa ulo nya.

“Matulog ka ng mabuti ha?” dugtong ko pa. And she just smiled at me.

“You too. Okay, I've got go. Ingat ka ha. Salamat ulit.” last na sabi nya.

“Okay. Bye.” at pumasok na rin ako sa kotse ko't umuwi.

That CamSur vacation was really the best. Even though hindi ko nakuha yung matamis nyang Oo eh ayos lang. Okay na rin sakin ngayon na meron na akong 1% chance para sakanya. So, Starting tomorrow kailangan ko ng gawin ang trabaho ko bilang nag-iisang manliligaw nya.

Kailangan ko rin palang ayusin yung mga schedules ko para masundo ko sya or makasama ko sya sa lunch or anything na paraan para lang makita ko lagi sya.

“And that's it! Nagising na rin sa wakas si Alice galing sa kanyang matagal na pagkakahimbing.” kwento ko sa mga bata habang tahimik silang nakikinig sakin.

Nga pala, nandito ako ngayon sa St. Paul's Academy kasi sinasamahan ko si Rissa na bantayan yung mga bata. At tamang tama, kakatapos ko lang magkwento nung Alice in Wonderland.

“Yeheey!” masayang sabi naman ni Rissa sabay palakpak.

“Yeheey~!” gaya naman nung mga bata sabay palakpak din.

“Osya. Recess Time! Eat muna kayo mga bata.” sabi naman nung Teacher sakanila.

“Jace, I never thought na isa ka pala talagang magaling na Story Teller.” comment naman ni Rissa sakin.

“Ah hindi naman. Sanay lang ako kasi nagpre-present ako dati dun sa Castell eh.” sagot ko naman sabay lagay nung kamay ko dun sa batok ko.

“Mukha nga.” and then she giggled. My heart beats widly again at the sound of her voice. Oh I really love her laugh.

“Ah Jace. Gusto mo bang sumama sakin mamaya? Wala kasi akong kasama eh.” sabi naman nya bigla sakin.

“Oh sure. Bakit saan ba?” tanong ko naman.

Silver Strings IIWhere stories live. Discover now