Class Picture

78 2 0
                                    

Title: Class Picture

Narration: Ate Hana's PoV (Author)

Rated: G / For all

Language: Tagalog / English (TagLish)

Date Published: February 18, 2017 (Saturday)

Kind / Genre: Angst

Main Characters: Kyungsoo (D.O.), Chanyeol, Baekhyun, and Jongin (Kai)

Extra / Cameo: Jisung and Chenle of NCT DREAM

Ship/s: ChanKai, Kaisoo, KaiBaek, and ChanBaek

Setting: (FIRST)
     •Where - School
     •When - February 14 Valentines
     •Event - Class Picture

Introduction: Their group name is WAO (stands for We Are One; pronunciation - waw). The four of them are the best of friends pero may kanya-kanyang lihim rin silang pagtingin sa isa't-isa. Chanyeol and D.O. loves Kai, but Kai loves Baekhyun, and Baekhyun loves Chanyeol. They never had the courage to tell to their bestfriends that they like, or maybe love them. Well, the reason behind is they don't want their friendship to be ruined just because of their feelings towards each other.

--------------------

"Kai! Kai! Buksan mo naman 'tong pintuan oh!" Katok lang ng katok si Chanyeol sa pintuan ng isang cubicle dahil for Pete's sake 30 minutes na siyang nasa banyo. "Magka-class picture na tayo mamaya andyan ka pa rin."

"Yah! Pag hindi ka talaga lumabas dito ngayon, bubuksan ko na talaga 'tong pintuan na 'to!" Sigaw ulit ni Chanyeol.

Sobrang nag-aalala na talaga siya kaya ganito na siya mag-react.

Bumuntong hininga si Chanyeol at lumabas ng banyo. Pinuntahan niya ang kuwarto ng mga cleaners.

"A, excuse me po, pwede ko po bang mahiram 'yung susi ng banyo?" tanong ni Chanyeol sa mga cleaners na kasalukuyang kumakain.

"Bakit Chanyeol? Naka-lock ba ang banyo?" tanong ng isang cleaner.

"Ay, hindi po. Yung kaibigan ko po kasi nasa isang cubicle pa po hanggang ngayon, nagkukulong po yata." Paliwanag ni Chanyeol

"Eto oh." Inabot ng isang cleaner kay Chanyeol ang mga susi ng banyo sa floor nila at kinuha naman ito ni Chanyeol.

"Thank you po." Pasasalamat ni Chanyeol at nag-bow.

Pagbalik niya sa banyo ay hinanap niya ang tamang susi para sa cubicle na iyon. At ng mabuksan niya ng tuluyan ang banyo, nagulat siya sa nakita niya at nabitawan ang mga susi.

Nanginig ang buong katawan niya at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya. At napahawak siya sa bibig niyang nakaawang.

"Kai..." Wala siyang masabi sa itsura ni Jongin ngayon.

Nakabulagta ang katawan niya sa sahig ng banyo at may dugo ang dingding, ulo, at ang kanan niyang kamay.

"Chanyeol!" Biglang dumating si Baekhyun at lumakad papunta sa nanginginig na Chanyeol. "Ba't ba ang tagal---" Naputol ang sasabihin ni Baekhyun dahil nakita niya ang kalagyan ni Jongin sa loob ng banyo.

"Anong nangyari?!" sigaw ni Baekhyun at humarap kay Chanyeol na ngayon ay umiiyak na. Hinawakan niya sa balikat si Chanyeol. "Chanyeol! Ano bang nangyari?!" Pati si Baekhyun naiiyak na rin at nanghihina. "Chanyeol! Magsalita ka naman oh!" Inalog-alog pa ni Baekhyun ang balikat ni Chanyeol.

EXO One-ShotsWhere stories live. Discover now