His Jacket 🌂

48 0 0
                                    

Title: His Jacket

Narration: Ate Hana's / Author's PoV

Rated: G / For All

Language: Tagalog

Date Published: March 2, 2017 (Day)

Kind / Genre: Friendship and Typical Fluff

Main Characters: Baekhyun, Kyungsoo (D.O.), and Jongin (Jongin)

Extra: ---

Ship/s: KaiSoo and BaekSoo

Setting: (FIRST)
 •Where - At Baekhyun's House
 •When - Kyungsoo's Day of Interview
 •Event - Kyungsoo's Interview

Introduction: Kyungsoo and Baekhyun are the best of friends. Kyungsoo has been living in Baekhyun's house for one year already because he have no money to find a small apartment for himself. And when he have no money, meaning he don't have work, which he have been looking for. But luck's not on his side because for one year, no one accepted him because everyone thought that he is still a minor because of his looks and is only faking his documents and diploma.

--------------------

"Baekhyun!" sigaw ni Kyungsoo habang nagausuot ng rubber shoes.

Lumabas si Baekhyun mula sa kuwarto na may hawak-hawak na eyeliner sa kanang kamay. "Ano?!"

"Jusko, naglalagay ka na naman ng eyeliner dyang bakla ka!" sita ni Kyungsoo at intinali ang sintas ng sapatos niya.

"'La kang pake!" mataray na sabi ni Baekhyun at umirap sa kaibigan.

Humarap siya sa salamin at itinuloy ang paglalagay ng eyeliner. "Ano bang kailangan mong Kuwago ka at tinawag mo pa ako dito?" tanong niya at lumingon kay Kyungsoo. "Hindi mo ba alam na na-istorbo mo ang momentum ko, ha?" tanong niya at humarap ulit sa salamin

Tumayo si Kyungsoo at lumapit sa kaibigan. Tiningnan niya ang kaibigan sa salamin. "'Wag mo nga akong tawaging kuwago." sita niya kay Baekhyun. "Magpapaalam lang sana ako, aalis muna ako para maghanap ng bagong trabaho."

"Tch! Busy as always~" Humarap si Baekhyun kay Kyungsoo. "Alam mo, ako na nga ang nag-aalok sa'yo ng trabaho, tinatanggihan mo naman." Naka-cross arms na ani ni Baekhyun habang nakatingin sa kaibigan.

Bumuntong hininga si Kyungsoo. "Alam mo namang hindi 'yan ang gusto kong trabaho eh... Iba ang pangarap ko." Tumingin siya kay Baekhyun. "Kung ikaw natupad mo na ang pangarap mong magkaroon ng isang sikat na 5-star hotel, ako hindi ko pa naaabot ang pangarap kong maging isang chef at makapagtayo ng sarili kong restaurant at ako ang magke-cater sa hotel niyo. Yun ang gusto ko." Determinadong ani niya. "Isa pa, malaking tulong na nga yung pinapatira mo ako dito sa bahay mo."

Ngumiti si Baekhyun at niyakap ang kaibigan niya. "Hay nako, Kyungsoo! Ayan ka na naman sa mga serious talks mo. Nagaalok lang naman 'yung tao, eh!" Humiwalay siya sa yakap at tinapik ang balikat ni Kyungsoo. "Sige na! Gora ka na sa paghahanap ng trabaho mo! Basta pag nagkaroon ka na ng restaurant, sabihan mo 'ko at kukunin kita bilang sponsor namin, ha?" Tumalikod si Baekhyun sa kaibigan at papasok na sana sa kuwarto ng biglang nagtanong si Kyungsoo.

EXO One-ShotsWhere stories live. Discover now