1. Freya Celestine

160 4 4
                                    

"Freya! Bumangon ka na dyan! Malalate ka pa sa unang araw ng pasukan mo!" unang sermon sa akin ng nanay ko. "Five minutes!" ang sabi ko. "Bahala ka dyan! Hindi ko dadagdagan baon mo!" bigla nalang ako bumababa ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumain.

"Ma! Kakain na po ako! Ayoko na malate!" agad kinuha ang kutsara't tinidor kasama na ang plato. "Hay nako! Bilisan mo na at maligo ka na!"

Natapos ko na maligo at magbihis, habang ako'y nagsisipilyo, biglang tumunog sa tv: "And we dance all night to the best song ever..!" agad akong tumakbo dahil One Direction ang nasa TV.

"HARRY!" ang sigaw ko.

"FREYA! Tigilan mo yan!" sigaw ni Mama sa akin. Pinatay ko na lang ang TV para makapaghanda na ako.

"Bye Ma! Papasok na po ako!"

"Oh sige! Mag-ingat ka! Wag magpapagabi."

"Opo."

Makalipas ang ilang oras na biyahe sa e-jeep at LRT finally nasa Sta.Mesa na ako. Pagdating ko sa campus, libo-libo ang mga nakita kong estudyante. Malapit na matapos ang flag ceremony at eto ako ngayon nahihirapan kung paano ko mahahanap yung assigned room sa akin. Tumakbo ako para mahanap yun kwarto ko, sa dami ba naman ng building at rooms dito sinong hindi maliligaw diba?

Nakita ko na ang room number at agad na akong pumasok, mabuti na lang lilima palang ang tao sa loob. Dalawang binata at tatlong dalaga ang aking nakita. Agad kong ibinaling ang aking mga mata sa kanilang mga name plate.

Gheian. Adrian. Mika. Krystel at Angelika.

Agad kong tinabihan ang dalagang mistulang may mala anghel na mukha at nagpakilala.

"Hello! Ako nga pala si Freya! Angelika tama ba?

"Oo! Pero you can call me Lyka for short. Nice to meet you Freya!"

"Nice to meet you too Lyka."

Natapos ang unang araw ng pasukan dalawa lang kami ni Lyka na magkakilala. Walang assignments at kung anu-ano, yung ibang prof nga hindi naman kami sinipot. Ang alam ko lang mainit sa campus, hindi uso ootds kasi masasayang lang ang effort kapag pinagpawisan na. Habang nasa LRT naisip kong i-check yung mga social media accounts ko. Nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na pangalan. Isang message galing sa high school crush ko na si Nathaniel.

Nagulat ako ng nakita ko yung pangalan niyang lumabas sa Inbox ko, hindi ko alam kung bakit niya ako minessage. Maraming nangyari noong senior high ako, dahil lang sa kanya. Siya pala si Nathaniel Asher Lopez. 2nd year college na siya ngayon.

Hindi kami ganoon ka-close, nakilala ko lang siya dahil sa kaklase kong dati rin nagka-crush sa kanya. Lagi namin inaasar si Nathaniel sa kaklase ko, pero hindi ko alam na pagtapos ng pangaasar na yun ako naman yung mahuhulog.

Ngayon, nagtataka ako kung bakit niya ako minessage out of the blue.

I miss you. sabi niya

Wrong send po ata. sabi ko

Wala lang, wala akong makausap eh. sabi niya. Aray! Kilala lang ako kapag bored. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating pa-fall ano?

Ah okay. sabi ko.

HAHA! Joke lang, na-miss talaga kita. sabi niya.

Sa una ayoko maniwala. Hindi ako marupok, sambit ko sa sarili ko pero bakit naman kasi ako ichachat ng high school crush ko? 

Over Again (rewriting || on hold)Where stories live. Discover now