3. Nathaniel Asher

95 3 1
                                    


"Merry Christmas!" bati ni Stella sa akin habang inaabot ang regalo ko ngayong huling Christmas party namin.

"Uy Salamat.. Merry Christmas!" sagot ko at kinuha ang maliit na christmas bag sa kanya.

Agad kong sinilip at nakita ko ang pamilyar na pangalan ng isang clothing brand. Kahit guitar string or pick ang nilagay ko sa wish list ko, isa nanamang t-shirt ang nakuha ko ngayon. Sino ba naman ako para magreklamo, ayos na 'to kaysa sa wala.

Inaabangan ni Mika ang reaksyon ko sa kanyang regalo at agad ko siyang tinitigan at ngumiti. "Uy thank you ang ganda! Buti alam mo size ko." Biro ko sa kanya.

"Oo naman, glad that you like it!" ngisi niya.

"Oo nagustuhan ko, thank you ulit." Christmas season dapat mabait tayo. Maganda naman yung t-shirt pero naghahangad talaga ako na maaayos ko na ulit yung gitara ko.

"Oh okay na lahat? Kain na kayo! Nandoon sa kabilang desk yung spoon and fork ah." Masayang alok ng class adviser namin.

Agad dinumog ang teacher's desk na ngayon ay nagmistulang buffet table sa dami ng handang nakahain para sa buong klase. Typical high school party foods, hindi mawawala ang sikat na spaghetti, chicken lollipop, barbeque at lumpiang shanghai.

Hinayaan ko muna mauna yung mga kaklase ko sa pagkuha ng pagkain, tumayo nalang ako at lumabas saglit sa room para tignan kung ano lagay ng ibang mga classrooms. Habang sumislip, may isang kapwa estudyante na papalapiit sa akin.

"Merry Christmas Kuya!" ani ni Enzo. Isa siya sa mga naturuan ko ng basketball noong intrams week. Mabuti nalang at naipasok siya sa team ni coach, may potensyal yung bata kaya buti nalang at nakita ko siyang maglaro bago ako grumaduate.

"Merry Christmas din. Sa kabilang building pa kayo ah, ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ah, may inabot lang, pabalik na din ako." sagot niya naman agad.

"Sige, ingat ka. Merry Christmas!" paalam ko ngunit pinigilan niya agad ako.

"Kuys, teka may nagpapabigay pala." Agad siyang nag-abot ng may pagka haba na regalo.

"Galing kanino?" dali kong tanong.

"Secret. Sige ba-bye!" agad na siyang kumaripas ng takbo.

---

Dalawang taon na pala mula noong bingay sa akin ni Enzo 'tong regalo na hawak ko ngayon. Kung hindi pa ako naglinis ng kwarto hindi ko pa makikita ulit 'to. Binuksan ko ang regalo at laking gulat ko nang makita ang guitar strings at guitar pick sa loob na may kasamang Christmas card, agad ko itong binasa, upang malaman kung sinong mabuting nilalang ang nagregalo sa akin two years ago.

"Hi Ash,

Merry Christmas! Enjoy the holidays! It's your senior year and I just want to congratulate you for all your achievements. You deserve it! Since you won't be able to see this for probably a few weeks, months or even years by the amount of gifts you receive every year from random girls like me. I think it's better to let it all out. Here it goes.

From the moment I saw you, my heart already skipped a beat. Your eyes are so expressive, that every time I see it I immediately blush. Your looks are undeniably good, add that with a confident and nice personality. HAYS. Favorite ka siguro ni Lord no? Ang unfair naman ng mundo. Gwapo ka na, mabait pa. Varsity player at singer, honor student pa. ANO BA??

In all seriousness, I just wanted to tell you that I like you if you're still missing the point why I wrote this letter and gave you a gift this Christmas. I like you. I really do. That time when you taught my brother during intrams week, ewan ko ba. Iba tama ko sa'yo. Buti nalang talaga at ga-graduate ka na, mas madali na akong makaka move on sa'yo ngayong upcoming senior year.

Gusto kita. Okay ko lang kung hindi mo ako gusto. Hindi ako umaasa, sa dami ba naman ng babaeng may gusto sa'yo sino ba naman ako diba? I just wanted to let you know, in order for me to let go of my feelings for you. That's it, ang haba na ng message ko. Sorry fc hehe. Merry Christmas! xx "

Natuwa ako sa binasa kong letter. Sayang lang at walang nakalagay kung kanino galling, agad kong tinignan mabuti ang papel na ginamit at ang magandang handwriting. Sino kaya 'to? Agad kong kinuha ang cellphone ko at minessage sa messenger ang taong nag-abot sa akin ne'to two years ago.

Hi Enzo, si Ash ito. Natatandaan mo pa ako? Agad sineen ni Enzo ang message ko.

typing..

Oo naman kuys! Kamusta? J Sagot nito.

Okay naman, may itatanong sana ako sa'yo. Kabado kong sinend.

Sige lang.. ano yun? Agad niyang sinagot.

Natatandaan mo pa ba yung taong nagpa abot sa'yo nung regalo sa akin two years ago? Sana natatandaan niya pa.

Ha? Bakit? Hindi na niya ata tanda.

Ngayon ko lang kasi nabuksan, kung hindi pa ako naglinis ng kwarto baka natapon ko pa. Tanda mo pa ba kung sino nagpaabot? Desperado na ako malamn kung sino yun.

Tutal 2 years na din lumipas, wala na naman masama kung sabihin ko kung sino. Sagot niya at agad akong nag-type.

Oo, No big deal. Just wanted to know who gave it, para mapasalamatan ko naman kahit papano. Bago ko pa masend ang sagot ko, may reply na agad siya.

Ate ko. Of course. Ang tanga mo naman Ash. Agad kong sinuri ulit ang papel at tsaka lang napagtanto na ang salitang fc ay may salungguhit sa ibaba.

Sige. Thank you! Agad kong sagot at pumunta sa facebook wall ng taong nagbigay ng regalo.

Freya Celestine Manto

Studies at Polytechnic University of the Philippines (Official)

Went to Rizal High School

Single

How can I get her attention? I'll admit I like her message and I absolutely love her gift. Pero bakit may pakiramdam ako na hindi lang thank you yung gusto kong sabihin? Without any hesitation, I messaged her.

I miss you. Aking sinend at agad nagsisi. Parang tanga naman Ash, mukha kang fuccboi nyan eh. Sana sakyan niya nalang trip ko. This is gonna be one heck of a ride.

Over Again (rewriting || on hold)Where stories live. Discover now