2. Freya Celestine

107 3 0
                                    

Pagkadating ko ng bahay, agad kong nilapag ang mga gamit ko at nagtungo sa banyo upang magbhis pang bahay. Sobrang nakakapagod yung biyahe pauwi. Grabe na talaga traffic ngayon.

Nang makahiga sa kama ay agad ko ulit chineck ang aking soial media accounts. Inuna ko yung Instagram ko. May 25 new likes galling sa isang user. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, puro galling kay Ash.

Hindi ka na isa't kalahating pa-fall. Isang buo ka na. Aaminin ko syempre kinikilig ako, pero nagtataka kung bakit all of a sudden magla-like siya ng mga photos ko.

Next kong chineck yung Twitter ko, after how many years he followed me back. Grabe naman, birthday ko ba today? Lastly, I checked my Messenger again, few group chats popping, then his name appeared:

Nathaniel Asher Perez sent a voice clip.

Hindi ko alam kung ioopen ko ba or inbox zone muna. Syempre pakipot muna ng konti, huwag bibigay agad Freya! Hinayaan ko munang naka-unread yung voice clip, at naglaro nalang muna ng 8 ball pool pampalipas oras.

Habang ishoshoot ko na yung 8 ball, biglang nag-hang yung app na nagpainis sa akin kasi fifty thousand coins din yung tinaya ko doon, tinignan ko kung bakit naghahang yun pala may tumatawag, agad ko lang dinecline.

Inaayos ko yung angle ng shot, nag-hang nanaman.

Decline.

Nilagay ko na sa tamang force at binitawan ang control. BOOM. SHOOT ANG 8BALL!

Pero sumabay ang cue ball. SHIT! Fifty thousand coins.. POOF! Sino ba kasi 'tong tumatawag? Bad luck hays.

Binalikan ko na yung messenger ko at balak ko ng i-open yung voice clip ni Ash nang nag-ring nanaman yung phone ko at nakitang unknown number pala yung tumatawag. I immediately declined at binalik sa Messenger.

Biglang may nag-text, from the same unknown caller's number.

Why won't you answer? Wow. English sosyal naman ne'tong scammer na 'to.

Who's this? Hmmm marunong din ako ng English no.

Just answer it. Demanding pa.

Nagring ulit yung phone ko, sinagot ko na para matapos na.

"Hello?" inis kong sinambit.

"I like it when you're grumpy." Malanding bigkas ne'to

"Who is this?" mas naiinis kong tinanong.

"Ash, have you heard my voice clip yet?" sabi niya.

Agad akong namula sa kahihiyan at kilig. BAKIT MO AKO TINATAWAGAN? ANONG KAILANGAN MO SA AKIN? GRABE NAMAN.

"Uhmm hindi pa. Bakit?" kunwaring kalmado kong sinabi.

"Okay, I'll call again after ou hear it." At agad niyqang binaba ang telepono.

WHAT IS HAPPENING??

Dali dali kong binuksan ang voice clip niya dahilan upang marinig ang malalim at mahinahon niyang boses.

"Hi there Freya, it's me Ash. We've been schoolmates in high school. Just wanted you to know that I got to read your letter that your younger brother gave me. I know it's been like a few years, but I really like what you said here. Call me when you hear this. Thanks."

SHIT. Bakit ngayon pa? Ang tagal na noon! Mukhang magsisimula palang ang nakakairitang parte ng araw ko.

Over Again (rewriting || on hold)Where stories live. Discover now