4. Angelika Rei

111 4 4
                                    

First day, dyan kami nagkakilala ni Freya. Akala ko nung unang pagpasok niya snob yun pala hindi. Masaya siyang kasama.

Ngayon marami nang mga estudyante ang pumapasok sa room. Pero ang kanina ko pa napapansin ay si "Boy Sulok" Hindi ko pa masyadong nakita yun name plate niya eh. Pero kanina ko pa talaga siya napapansin.

Napuno na yung room namin, nakilala na rin namin yung unang professor namin for our mathematics subject, her name is Ma'am Gemma. Feel ko kaagad na masaya siya magturo. After explaining the syllabus and our schedules, maaga niya na kaming dinismiss. Meron pang one hour bago ang next subject.

Inaya ko agad si Freya na bumaba para makapag gala sa campus. Get to know the place at syempre gusto ko na din makita ang loob ng sikat na Lagoon. Balita ko madaming food stalls, kaya mas lalo akong naexcite.

"Isa nga pong C2 Apple na tig-20 pesos tsaka Biggie Fries, cheese flavor po." Ani ko sa tinder ng isang stall. Agad niyang inulit ang order ko sa taong nasa likod ng kalan.

"Lyka, tingin pa ako doon ng pwede kong makain ah, sunod ka nalang?" tanong ni Freya.

"Oo sige, sunod nalang ako."

Pagkatapos ko makuha ang order ko nilagay ko yung wallet at phone ko sa bulsa ng aking pantalon at snimulan ng hanapin si Freya sa dami ng taong nasa Lagoon ngayon. Habang nakikipagsiksikan sa paglalakad ay bigla akong natabig ng isang matangkad na lalaki dahilan kaya natapon ang binili kong C2 sa aking t-shirt.

"ANO BA! AYAW KASI MAG-INGAT EH NO!!" sigaw ko. At agad pinagtinginan ng mga tao. Great frist day Lyka. Agad lumitaw si Freya sa gilid at tinayo ako.

"Ok ka lang? Bakit ka ba nahulog?" wika niya.

"May nakatabig kasi sa akin, hindi man lang tumalikod para mag-sorry!" naiinis kong sinabi kay Freya. Sa kanya ko pa tuloy nailabas galit ko.

"Halika na, may extra t-shirt ka ba? Akyat na tayo ng room tas magpalit ka na." ani ni Freya habang akay ako.

"Sige, thank you." Sabi ko at naglakad na kami palabras ng mainit at masikip na lagoon.

Pagkatapos magpalit ng damit pumasok na kami ng classroom at habang madaming dumadaldal, isa na kami ni Freya may pumasok na professor bata tignan, siguro fresh graduate or sub muna, medyo katangkaran rin ngunit laging nakasimangot. Hanggang sa hinampas niya yun teacher's desk, nagulat ang lahat sa ginawa niya.

"Good Morning ako nga pala ang magiging professor niyo para sa Politics, Governance and Citizenship subject niyo. Ako si Sir Ian."

"Good morning sir." Sabi ng buong klase.

"Anyways, remain standing aayusin ko na ang inyong seat plan."

Meron natuwa pati nairita sa sinabi ni Sir, pero okay lang sa akin kasi kahit papano magkalapit pa rin kami ni Freya ng upuan. Pero ang hindi ko alam seatmate ko na pala si "Boy Sulok" hindi ako gaanong ka-excited nung nalaman ko na siya pala ang seatmate ko. Pero laking gulat ko kinausap niya bigla ako:

"Hi Ate! Ako nga pala si Gheian! Nice meeting you, ang ganda mo pala kapag malapitan." Wow. Straightforward.

Kinilig ako ng kaunti sa sinabi niya, Gheian pala pangalan nito, eto pala yung magiging katabi ko hanggang matapos 'tong buong semester.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Over Again (rewriting || on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon