Prologue

103 29 2
                                    


"Hi Babby, Listen up. I want to apologize about sa relasyon na'tin. Alam kong isang taon nadin ang nakakalipas nang iwanan kita at mula noon ay diko na nagawang magparamdam pa. I'm so sorry, i didn't mean to hurt you Babs. I tried myself to love you even more, but hindi ko kaya. Mahal ko talaga sya at narealize ko na kailangan ko sya higit pa saiyo."




**PHONE RINGING**

Halos naalimpungatan ako dahil sa nakakarinding tonog ng aking cellphone. Napakamot ako sa saking ulo habang hinahanap ang aking cellphone na nakapikit pa. Nang nahawakan ko na ito ay dahan-dahan kong binuka ang aking mga mata at tinignan kung sino ang pumangahas na tumawag sa akin sa ganitong oras!

Nang natanaw ko na ang aking 5.5 inch screen sa aking android phone ay bumulantang sa akin ang pangalan ni Emman, he is my closefriend at my co-worker sa isang kompanyang pinapasokan. Mukhang may problema ata ang kumag na'to, pinindot ko ang answer sabay nagsalita.

"Should I say good morning in advanced kung mag-aalas dose pa lang Emman? Ano sadya natin at napatawag ka." Ilang segundo din itong hindi nagsalita at mukhang pinag-iisipan pa niya kung ano ang sasabihin.

"Alam mo naba ang balita?" Sa pagkakataon ito ay mabilis s'yang nagtanong sa akin. Balita? Oo alam ko na ang balita dahil binalita sa tv na may bagyong paparating.

"Let me clear things up first, this is not an ordinary news na iniisip mo," Oh-- nababasa n'ya pala kung anong nasa isipan ko. Hindi ko alam na may ganitong abilidad pala ang taong ito. "Ganito kasi, gusto n'yang imbetahin tayong dalawa, kasi ikakasal na siya." Ikakasal na? Sino? Ex siguro niya, mukhang malungkot boses niya.

"Hmm.. Ex mo?"

"Hell no! matagal na'kong naka move-on sa kanya."

"Sandali lang, liliwanagin ko lang. Sino ba kasi iyang tumawag saiyo at gusto pa niyang dumalo tayo sa kasal niya. Okay lang sana kung kaibigan, katropa o kaklase natin iyan, at pupunta talaga tayo." Ani ko sa kanya na tumahimik na naman saglit. Well, tama naman ako diba? Maraming mapagpanggap na ngayon na may matatanggap kang text or tawag tapos sasabihing ganito, ganyan, nanalo ka nang ganito, ganyan, tapos in the end scam lang pala.

"Mukhang mainit ang ulo mo ngayon ah, ano bang problema?"

"Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo! May isang tao lang naman diyan na tumawag sa dis-oras ng gabi! Ako saiyo tapusin mo nayang pinagsasabi mo para makatulog na ako!"

"Ayun nga Babs, hindi natin siya Kaibigan, katropa o Kaklase at hindi mo rin siya kilala. Kasi kilalang-kilala mo siya." Tila nawala ang init ng ulo ko at napalitan ng pagtataka. Sino ba kasi ang tinutukoy ng mukong na ito.

"Sabihin mo na kasi ng diretso, wag kanang magpaligoy-ligoy pa."

"Alam kong hindi mo parin kaya Babs. Kahit gaano mo man piliting ipagkasya diyan sa puso mo ang salitang limutin, nakatanim parin sa isip mo ang salitang mananatili. Iyan ang patunay na until now, you still want her and feel the warm of her love."

Tila natamaan ako sa sinabi ni Emman, animo'y bumalik bigla yung nakaraan ko kasama ang isang napaka-importanteng babae sa buhay ko. Yung nakaraang halos saya at walang pangamba lang ang aming nararanasan.

Napaupo ako saglit mula sa pagkahiga. Kung kailan na nasa state of moving-on na ako ay saka pa siya bumalik at nagparamdam ulit.

"Don't tell me?" Ani ko kay Emman na agad naman itong sumagot.

"Oo, tama nga iyang iniisip mo. Si Eulla na ex-girlfriend mo ay ikakasal na Babs."

Tila nag echo yung huling salita na sinabi ni Emman sa akin. Kung gaano man kabilis nagpabalik-balik sa loob ng tenga ko ang salitang Ikakasal ganun din kabilis bumaon ang sakit sa puso ko.

Shit! Am I crying? Tears of joy ba ito, Kasi alam kong ikakasal na siya? Kung ganun nga, bakit may kirot at sakit na namumuo sa puso ko ngayon."



**END**

Anata No Ai (EDITING)Where stories live. Discover now