Chapter 4: the past

61 15 0
                                    


"Mahirap din talaga kapag maraming beses kanang naloko. Hindi mo na kasi alam, anong pinagkaiba sa KUNWARI at TOTOO."
-Patricia Alona

******



04. the past



"Goodmorning baby, maligayang ika-tatlong anibersayo para sa atin."

"Hmm.. Goodmorning din baby, Thank you sa pagbati. Maligayang ika-tatlong anibersayo din para sa atin."

"Tara bumangon kana, may pupuntahan pa tayo, Mrs. Patricia Asumption."

"How sweet~ but before that, halikan mo muna ako."

"Yun lang ba? Maliit na bagay." Sabay hinalikan niya ito sa labi.

"Nga pala, saan pala tayo pupunta?" Tanong niya sa kanyang nobyo.

"Sa lugar kung saan hindi mo alam." Tumawa ito sabay naghubad ng kanyang suot na damit. "This is our important and precious day kaya maghahanda ako, ikaw naman bumangon kana diyan para maligo."


"I want to get up~ kaso i'm already stunned by your muscles." Sabay nag seductive pose ito sa nobyo.

"Ano ba gusto mo baby?" Napatingin sa kanyang relo, "Maaga pa naman, baka pwede natin yang pag-usapan." Nagkagat labi pa siya habang dahan-dahang lumalapit kay Patricia.

"All I want is you, Rolo Asumption." Naglapat ang kanilang mga labi. Binuhos nila ang natitirang oras sa kama, pinuno nila nang mapupusok na mga halik ang bawat isa habang pinagsasaluhan ang mainit na umaga. 



**PHONE RINGING**


"Baby, sorry di ako makakapunta. May importante akong gagawin, my boss called me at sabi niya may bisita raw kami from the other company and he needs me right now. I hope mapatawad mo ako, pero promise! Babawi ako pagkatapos."

"Ah, ganun ba? di pa naman ako nakakaalis ng bahay kaya wag kang mag-alala baby. Just take your time Iloveyou."

"Thank you baby, see ya later Iloveyoutoo." 


Pagkatapos nilang mag-usap sa telepono ay napaisip nalang si Patricia.

"Special na araw namin ngayon, subalit wala siya ." Napabuntong hininga nalang siya habang suot ang isang magandang red dress na binili pa niya sa isang mamahaling mall para lang sa araw na ito.

Dahil sa naghihinayang ito sa suot, imbes na hubarin niya ito at magmokmok ay nagpasya itong umalis ng bahay at nagpunta sa kanyang paboritong lugar.

Pagkalabas niya ay dali-dali siyang pumara ng taxi.

"Yes maam saan po tayo?"

Anata No Ai (EDITING)Where stories live. Discover now