Chapter 3: weird dream

53 21 0
                                    

"Kung magkikita man tayo ulit, pinapangako kong pakakasalan kita."

-Unknown

*******



03. Weird Dream

Nagising nalang ako sa aking pagkatulog dahil sa isang panaginip. Napaupo ako sa kama habang napatingin sa aking wall clock, it's almost 3 am, sure akong 'di na ako makakatulog pa nito. Napabuntong hininga na lang ako.

Pumunta ako sa aking desk at binuksan ang aking laptop. Binuksan ang aking facebook at nag log in. Habang hinihintay kong matapos ang pag loading sa screen ay biglang sumagi sa isip ko si bruha. Well, kung ako ang nasa kalagayan niya masasaktan at masasaktan talaga ako. Rolo Asumption, ex-boyfriend ni bruha. Kung hindi ako nagkakamali na ngayo'y pakakasalan na ni Eulla.

What a crazy world we have.

Napabuntong-hininga nalang ako habang iniisip kung gaano ka komplikado ang aming buhay pag-ibig or should I say buhay sawi. Nang nasa home page na ako sa aking fb account ay nakita ko 'dun ang newsfeed ni Eulla.

At ito ang nakalagay "#LookingforwardtobeyourWIFE" tapos larawaran nilang dalawa na nakayakap pa.

Putik! Napangiti nalang ako sa sakit.

Ilang minuto ko ring tinignan ang larawan, pero si Eulla lang, hindi kasali si Rolo. Nang mas nilapit ko ang aking mata sa larawan ay may napansin akong kakaiba.

What the fuck! 'Di ko namalayang nakuha pala sa likod si bruha, photo bomber nga talaga. I don't know why pero natatawa talaga ako sa mukha ni bruha. Napabuntong-hininga nalang ako ulit habang iniisip si Eulla. I want to unfriend her sa facebook kasi ano pa ang point ngayong ikakasal na ito.

Ginulo ko ang aking buhok at napasandal sa aking desk.

"What am I gonna do!!" Gusto ko nang e-unfriend si Eulla hanggang sa may nag chat sa akin.

<"Akala mo siguro cool kana sa ginawa mo kahapon."> Kilala ko ba siya? I think hindi dahil hindi naman kami friend sa facebook, saka parang poser lang. Ang ganda niya sa profile at kong totoo man ito, ba't maliit lang ang kanyang followers at likers?

<"Paumanhin mo, kilala ba kita? I mean poser kaba?">

<"Ganyan na ba talaga ako kaganda para mapagkamalan mong poser?">

Mas lalo pa akong na confuse sa sinabi niya. Agad ko rin siyang nireplayan. <"Maybe? Saka hindi mo naman ako masisisi kasi nabiktima din ako ng isang poser noon.">

Medyo natagalan siyang mag reply kasi nakikita ko lang yung moving dots na nagpapahiwatig na nagta-type pa siya.

Then suddenly nag pop-up na nga yung reply niya. <"Okay, how sad..."> What?!!! Yun lang reply niya? Teka, may susunod pa ata. <"I hope makilala kita sa personal, someday.">

Weird ata ah, kinakabahan ako baka mabiktima na naman ako ng isang poser. Pero wala namang mawawala kung mag rereply ako ng "Okay" 'di ba?

<"Sure, soon.">

<"Thank you, bye.">

At 'dun natatapos ang aming maikling kwentohan. Napahiga ako sa kama habang nakatingin saking ceiling, nakikita ko ang mukha ni Eulla sa umaandar na ceiling fan. Ughh!! What should I do, gusto ko nang makawala sa pagitan ng salitang sakit at pagkabigo.

Humugot muna ako ng konting lakas, huminga ng malalim at sumigaw!

"Ahhhh!!!" Sinapak ko ang aking pisnge sabay bumangon sa kama. Kung gusto mong mag-move on Babby, simulan mo sa pag unfriend sa kanya at pagblock! Tama! Tama ka nga sarili ko, kaya gagawin ko na ito..

Pumunta ako sa profile ni Eulla at mabilis na pinindot ang unfriend nang matapos na ay may nag pop-up na naman na message.

<"Babbs! I know gising kapa, gusto ko lang magpasalamat sa iyo nang boung puso dahil dumalo ka sa kaarawan ko. Naalala ko tuloy noong tayo pa, ang saya natin sa panahon na iyon. So, ayun lang, thank you Babs and Love lotssss... "kiss emoji"...">

Waaaahhhh!!! Fuck!!! Bwesit na pag-ibig ito!



******

Tila napansin ni Emman ang namumugtong mga mata ko, agad itong tumabi sa akin at nagtanong ng mga random at nonsense questions.

"Namumugtong mga mata mo Babs, nanood ka ba ng porn kagabi?"

"Hell, no." Matipid kong sagot.

"Nag-away ba kayo ni Eulla?"

"Stop that dude, walang away na nangyari sa amin. As if namang mag-aaway kami."

"So, kayo ni Rose ang nag-away?"

Muntik ko nang makalimutan si Rose, naku baka magtampo yun sa akin.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kung nagtext ba ito o tumawag. Nang ma-unlock ko na ay may isang mensahe lang ang nandun galing sa kanya at sampung miss calls? Binuksan ko ang kanyang mensahe at binasa.

<"Babby, can you come here at the tea garden? I need someone right now, i'm sad.">

Tama nga ang hinala ko. Nag reply ako sa kanya kahit sampung minuto na ang nakalipas mula ng maipadala yung mensahe sa akin. <"Wait for me, I'm coming.">

Agad akong tumayo at tinapik ang balikat ni Emman.

"Hey! Saan ka pupunta?"

"I have some errand to do, if maghanap si director pakisabi i'm not feeling well."

"What?!!"


******


Ilang minuto rin akong nakarating sa tea garden. Agad akong umakyat sa taas at dun nakita kong mag-isa lang si Rose. Malayo ang tingin at kita ko sa mata niya ang isang kalungkotan na animo'y hindi na niya kayang itago.

Dahan-dahan akong nagtungo sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Tapos ka na bang umiyak?" Tanong ko habang nakatingin din sa malayo. Tumango lang siya sa tanong ko at hindi man lang tumingi sa akin.

"What's wrong? 'Di ako mapapanatag kapag nakikita kitang ganyan, Rose."

Sa pagkakataong ito ay tumingin siya sa akin at nakita ko kung gaano kalungkot ang minsang masayahin niyang mga mukha.

"Josh---- wala na siya Babby~~" Matapos niyang sambitin ang mga katagang yun ay tila pinunit ang puso ko, niyakap ko si Rose nang mahigpit. Kasabay ng kanyang walang hanggang pag-iyak ay dumamay sa kanya ang kalangitan, umiyak ito para kay Rose at ang malamig nitong mga patak ang siyang nagsilbing sandigan niya sa mga oras na iyon.

Minsan, gusto ko ring umiyak sa ilalim ng ulan para hindi nila malaman na hindi ko kaya.


**END**

Anata No Ai (EDITING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum