Chapter 5: with you (in the car)

48 14 0
                                    

KuyaSushi: First of all, plan kong hindi lagyan kung kanino at sinong pov ang naka-assign in every chapters. Second, gusto kong malaman niyo kaagad kung sino man yung nagsasalita base sa kanilang katangian and the way they express their feelings.

 

05. with you (in the car)

"Are you kidding me papa?" Tanong ko sa kanya habang katabi si unggoy.

"Mukha ba akong nagbibiro anak? Besides, si Babby lang yung may leave sa lahat ng mga empleyado ko, saka mas pinagkakatiwalaan ko pa ang pagmumukha nito kaysa kang Emman." Mas hindi ako makakapanti nito kung may kasama ako. And hell! Ba't ba kasi umiinom ito ng wine dito sa opisina niya, 'di ba bawal yun?

"But papa! I'm not a child anymore, kaya ko na ang sarili ko. I'm already 21 years old."

"Kaya nga mas nababahala ako dahil hindi kana bata," Umupo siya sa kanyang paboritong upuan at sinindihan ang kanyang tobacco. "Maraming masasamang tao ngayon ang nagkalat sa tabi-tabi, 'di ko hahayaang may mangyari sa iyo."

"I know that, but..."

"Dahil ba sa panglabas na anyo ni Babby kaya ka nahihiya?" Isang direktang tanong ni papa sa akin. Na... hindi ko naman pinagkaila, totoo naman. Nahihiya akong kasama siya, ano na lang sasabihin ng aking mga kaibigan kapag nakita nilang bumaba ang standard ko sa lalaki.

"Wag kana kasi magreact, pareho tayong nasa alanganin kapag hindi tayo sumunod sa papa mo." Biglang nagsalita si unggoy. Akala ko mananahimik na lang siya buong araw.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko sa sinabi ni unggoy.
Tumingin siya sa akin na tila seryoso.

"Pareho tayong walang matatanggap na allowance kapag nagreklamo kapa."

"Totoo bayun papa?!!" Tumango lang si papa at tumawa ng malakas. Ano kaya ang pinaplano niya!

Humarap si papa kay unggoy.  "Alam kong magiging ligtas ka kapag nand'yan si Babby sa tabi mo, anak."

"Sir mawalang galang na po, alam ko po naman na maasahan niyo po ako sa mga bagay-bagay. Pero kailangan po bang siya talaga ang makakasama ko?" Biglang sabat ni unggoy. Goodjob! Push mo yan unggoy! Alam kong pareho tayong ayaw makasama ang isa't-isa.

"I don't want to repeat myself. Saka, kung kulang pa yung bayad sa leave mo, don't worry gagawin kong double pay yan. Kaya wag mo nayang problemahin Babby."

Hahahaha! Nagkakamali ka sa inalok mo papa, hindi mukhang pera yang unggoy nayan, Sigurado akong 'di iyan papayag HAHAHAHAHA!

Gusto kong marinig kung paano e-reject ni unggoy ang proposal ni papa----

"Okay payag na po ako!"

"WHAT!!!!!" Halos malaglag ang panga ko sa gulat.

"Thank you for your cooperation Babby," Nakipag-kamay si papa kay Babby. "Makakaalis na kayo."

"Bago ako aalis may tanong lang ako, bukas ba yung alis namin ni Patricia?"

"Oo Babby, kaya pagkauwi mo ngayon maghanda kana dahil limang araw kayo dun."

"So, hindi na ako magdu-duty ngayon?"

Anata No Ai (EDITING)Where stories live. Discover now